chapter 11

152 7 0
                                    

Chapter 11 

Nilingon ko ang lalaki.

Ngumisi s'ya.

"I'm Kevin Kaizer Montefalco... The Lord." Ngisi n'ya.

Nilahad n'ya ang kamay.

"Gianne Montecarlos. Queen." Sabi ko at tinalikuran ko na s'ya nang hindi tinatanggap ang kamay n'ya.

"I heard what happened to your family." I balled my fist and glared at him.

He put his index finger on his mouth.

"I can keep a secret... And I'm going to help."

"I don't need your help!" I turned my back once again but his huge steps ate the distance.

"Really?" Inirapan ko s'ya.

"I also don't need you... Just offering, 'cause you know... Pareho tayong namatayan dahil sa Escowa." Sumeryoso na s'ya.

Natigilan ako.

"They killed all of my loved ones. No one's left for me." Ngumisi s'ya ng may halong galit.

Lucian's smile while walking away from me flashes on my mind. His sweet smile before the incident happened.

"Sige." Uminit ang gilid ng mga mata ko. Napaawang ang labi n'ya at umayos ng tayo bago tumikhim.

"Okay... Deal." Umalis s'ya sa tabi ko at tuluyan nang tumulo ang luha ko.

I won't ask for your opinion even if you're here 'cause I know, from the very start... You're against about me being here.

But I hope you won't get mad, Lucian.

I love you so much. I want to give you justice. I want to give you peace.

This is all for you, Lucian.

Nang dumilim ay hinatid na ako ni Luis sa bahay.

Hindi ako kumain at humagulgol sa kwarto.

Hirap na hirap akong huminga.

"Lucian!" I called out his name for help. Hoping that he'll going to hush me right now but he never came.

Mas lalo kong binaon sa unan ang mukha ko.

"AAAAHHHHH!!!!!" buti na lang at sound proof ang kwarto ko. Kaya kahit magsisigaw ako hanggang mapaos ay ayos lang.

"Sabi mo ipagtanggol mo ako 'di ba? Nasan ka na?! Ba't mo ako iniwan?! Lucian!!" Marahas na ang iyak ko hanggang sa nakatulog.

Sa panaginip ay binisita n'ya ako.

He's smiling. He wants me to be brave. To be strong. Umiyak ako ng madaling araw hanggang sa nakatulog na ulit.

Nagising ako at natulala kinabukasan.
Bumalik sakin ang lahat mula no'ng nawala si Lucian. I would always dream about him.

After the incident happened where Lucian stayed in the morgue, habang natutulog galing sa pag iyak ay may naramdaman akong humalik sa noo ko.
napabangon ako ng Wala sa oras.

"Lucian?!" Unang tawag ko. Luminga linga ako pero wala akong nakita.

S'ya lang ang gumagawa no'n kapag umaalis s'ya.

Niyakap ko ang tuhod ko at humagulgol.

Tinawag tawag ko pa s'ya para sabihing nalulungkot ako pero hindi n'ya ako dinaluhan.

"Lucian." That day was my first time experiencing depression.

I can't manage controlling my own emotions.

Nahihirapan din sila daddy sa pagpapakalma sa akin dahil si Lucian lang ang gusto kong mayakap.

I remember the times when we were still young... Kapag umiiyak ako, niyayakap n'ya ako hanggang sa makalma.

Pinunasan ko ang luha ko.

Ang huling alaala namin ay yung nagalit s'ya sakin first time in history dahil dinalhan ko s'ya ng pagkain.

At nung sinabi n'ya na... "Kung hindi para sa akin 'to... 'di na dapat ako magtagal."

Kung alam ko lang na huli na yun, nilubos lubos ko na sana. Kung alam ko lang na huling pagkikita na namin yun, niyakap ko na sana s'ya ng mahigpit kahit magalit s'ya.

Humagulgol ulit ako at niyakap lalo ang tuhod.

Narinig kong bumukas ang pinto kasabay ng sigaw ko.

"LUCIAN!!!!"

Cold Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now