Chapter 32

119 6 0
                                    

Chapter 32

Bumaba kami sa rooftop nang makitang oras na ng klase.

Nakita ko si Gianna na basang basa habang tumatakbo.

Muntik na itong madapa pero nabangga sya sa dibdib ko.

Ramdam ko ang pagkabasa nito pero binalewala ko iyon dahil sa paninitig sa kanya.

Hindi ito ang Gianna'ng kilala ko.

This girl Infront of me is so weak. Para s'yang baga na unti unting nagiging uling.

"Gianna? Anong nangyayari?" Nag aalalang tanong ni Cloud.

Nakapako lang ang tingin ko kay Gianna na hinahabol ang hininga n'ya.

Pakiramdam ko ay natigil ang paghinga ko ng makita ang luhang tumakas sa pagod n'yang mga mata.

Pakiramdam ko isang kalabit lang sa kanya ay bibigay na s'ya.

What the fuck I have done?!

"Wala." Her voice is full of sorrow. Pakiramdam ko ay nadurog ako ng makita ko s'yang pilit na pinapalakas ang sarili at tumakbo palayo.

"What the fuck did you do, bro?" Tinapik ako ni Leon.

Nagtiim bagang ako

"She deserved it."

"Damn! Gumising ka nga! Wala ka na'ng puso."

"Kapag s'ya ang naningil sayo walang iyakan ah?" Umirap sa akin si Cloud.

Nakita ko sa 'di kalayuan si Damon kasama si Kaizer at ang personal bodyguard ni Gianna na si Luis.

"Nakita n'yo ba si Gianna?" Tanong ni Damon.

"Sa rest room yata s'ya pupunta." Sagot ni Leon.

Malamig ang tingin sa akin ni Luis at Kaizer.

"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang nagustuhan n'ya. You're heartless."

"Banghihinayang ka ba na hindi ikaw dahil ako?" Tumawa s'ya at umiling.

"I don't hit my best friend dude." Umiling ulit s'ya at tumakbo na.

Pumasok ako sa classroom na parang walang nangyari. Usap-usapan ang ginawa nila kay Gianna.

Kumapit sa braso ko si Erica.

"Frost, wala nang salot sa relasyon natin. P'wede na nating ibalik ang dati." Ngumiti s'ya sa akin.

"Sino may sabi?" Malamig kong tanong at hinawi ang kamay n'ya.

"Frost, nilandi ka lang naman n'ya kaya ka nakipaghiwalay hindi ba?!" Lahat ng kaklase ay nakatingin sa akin

"No, Erica. I just don't want to cheat on my wife." I smirked.

Sumipol ang dalawang kasama ko at tinapik ang balikat ko.

"Kani-kanina lang masyado kang harsh. Ngayon ay kung makapagsalita ka parang sayong sayo s'ya."

"Shut up!"

*

Dinungaw ko ang ambulansya sa baba.

Hindi ko alam kung bakit mayroon nito. Siguro ay may naaksidente.

"ERICA!" Umalingawngaw ang sigaw ni Kristina na kapapasok lang.

"Anong ginawa mo kay Gianna? Ha?" Galit na aniya at sinipa n'ya ang upuan.

"Anong sinasabi mo d'yan?!" Tumayo si Erica at hinarap s'ya ng nakakunot ang noo.

"Kapag may nangyaring masama kay Gianna, mananagot ka!" Galit na galit s'ya. Hindi ko alam kung ano ang kinagagalit n'ya.

"E 'di mabuti! She deserved it-" Lumagapak sa sahig si Erica dahil sa sampal ni Kristina.

Namumula ang mga mata nya.

"Ang kapal ng mukha mo!"

"Kapag namatay ngayon si Gianna, pagbabayarin kita!!" Sinampal n'ya ito ulit bago lumabas.

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa pintuan.

Nahagip ng mga mata ko si Leon na ginugulo ang buhok.

"Walang hiyang babaeng iyon! Masakit ah?" Inalalayan ni Kathy si Erica.

"Hayaan mo na. May araw din iyon."

"Frost, " Leon looked frustrated.

"Bakit?"

"Akala ko kung sino yung sinundo ng ambulasya." Kumunot ang noo ko.

Sapakin ko kaya 'to? May pa-suspense effect pa, eh.

"Si Gianna pala." Nalaglag ang panga ko.

"Anong nangyari kay Gianna?" Tanong ni Cloud. Kahit papaano kasi ay naging malapit s'ya dito.

Cold Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now