Chapter 31

122 5 0
                                    

(31-40 will be Frost's POV)

Chapter 31

Habang naglalakad ay nakikita ko mula dito sa rooftop kung paano saktan ng mga studyante si Gianna.

I felt guilt inside of me but a part of me is convincing me that she deserved it.

"Son, ikaw muna ang tumingin sa construction site." Nangunot ang noo ko.

"Why dad?"

"I want to give your mother a break."

"Dad, hindi kaya maapektuhan ang pag aaral ko?"

Binalingan n'ya ako ng tingin.

"Just do it."

"Pero dad-"

"FROST!" Nagtiim bagang ako.

"Isang linggo lang naman! Damnit! Kung hindi lang nakiusap sa akin si Leonardo para sa anak n'ya ay iniurong ko na ito."

"Ang alin dad?"

"Ang building! Hindi na sana matutuloy ang pagpapatayo ko niyon ngayon kung hindi nag-invest si Leonardo. Ang sabi ay para sa bunsong anak n'ya iyon." Kumunot ang noo ko.

"Kay Gianna? Bakit?" Umiling s'ya.

"Ay ewan. Basta ang sabi nya'y ipagkasundo namin kayong dalawa dahil natitipuhan ka ng anak n'ya." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon.

Hindi ko alam kung bakit nagalit ako kahit may nararamdaman din ako sa kanya.

Siguro'y dahil hindi ako sigurado. At dahil niloko n'ya ako. Ginamit n'ya ako. Ginamit n'ya ang kapangyarihan n'ya para makuha ako.

Totoo. Inamin n'ya sa akin na ginawa n'ya iyon dahil mahal n'ya ako. Pero mali iyon.

Ilang araw na s'yang binubully pero hindi naman s'ya lumalaban.

Hindi ko alam na may ganyang bersyon pala s'ya?

Naalala ko ang mga pinagsasabi ko sa kanya dito mismo sa rooftop.

Alam kong mali iyon, pero nadala lang ako sa galit ko.

"Bra, wala ka bang gagawin d'yan? Inaapi s'ya dahil sa'yo, oh?" Hindi ko tiningnan si Cloud.

"S'ya ang may gawa sa sarili n'ya nyan." Malamig kong sagot.

"Tsk. Hay, Gianna. Bakit kasi si Frost pa, e, wala naman 'tong pake sa'yo." Kinunutan ko ng noo si Leon.

Nagkibit balikat lang s'ya at iniwan na ako.

"Seryoso, Frost. Wala ka bang pakielam?" Hindi ako sumagot.

"Alam mo na ba na inaway s'ya ni Erica dito at naospital s'ya?" Natigilan ako sa narinig ko.

Bakit hindi ko alam iyon?

Kasalanan ko ba?

"At sya din ang pasimuno ng lahat ng ito." Naalala ko na pinagkalat n'ya ang nangyaring iyon. Noon ay hindi ko alam kung saan n'ya iyon nakuha pero ngayon ay naliwanagan na ako.

"Hayaan mo s'ya."  Walang buhay kong ani at namulsa.

"Fuck, bro! Ikaw ba talaga 'yan?! Si Gianna iyong pinag uusapan natin dito! Sa simpleng pagkakamali ay ganyan ka na sa kanya? Asawa mo yun!"

Binalingan ko s'ya ng mariin na tingin.

"Hiniwalayan ko si Erica para sa kanya!"

"Yun lang ba ang ikinagagalit mo? Bakit? Sinabi ba n'ya na hiwalayan mo?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero si Leon naman ang nakita ko na kakabalik lang. may puting stick na nakapasak sa bibig n'ya

"Pare! Napakabait ni Gianna para dito." Ani Cloud.

"Mabait ba ang tawag sa babaeng ganon?"

"Simpleng pagkakamali lang iyon. Isang pagkakamali, bro! She don't deserve your unkind words!" Umiling ako.

"Hindi ikaw ako."

"Hindi nga. At nagpapasalamat ako na hindi kasi hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag sumuko ang babaeng iyan sa akin." Natahimik ako sa sinabi nya.

"Frost, pare... Hindi kami galit sa'yo, pero grabe ka naman kasi. Isipin mo, minahal ka lang naman n'ya kaya n'ya iyon ginawa. Iyong pagkakamaling iyon, walang wala yun sa ginawa mong pagtulong sa kaaway n'ya." Ani Leon.

"Oo nga. Sa inyong dalawa, s'ya yung mas may karapatang hindi magpatawad at magalit."

Cold Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now