Chapter 29
Malamig kong tinitigan ang sariling repleksyon ko.
Inayos ko ang sling bag ko at ang buhok.
"Gia, bilisan mo na. Mahuhuli ka sa flight mo." Ani ate Lexi mula sa labas ng pinto.
Kinuha ko ang maleta at lumabas na.
Ngumiti sila sa akin.
"Sigurado ka na ba?" Tumango ako.
I wanna find myself again. Gusto ko iyong ako na nakokontrol ko ang emosyon ko.
Haharapin ko si Lucian. Hihingi ako ng tawad.
Niyakap ko sila isa isa. Si daddy ay namumula ang mga mata.
"You're really going to abandon me?" Natawa ako sa sinabi ni daddy.
"Dad! Sa London lang po ako. Tsaka pwede ka namang bumisita sa bahay, hindi po ba?" Tumango s'ya at tumawa.
"Yeah, right. I just can't believe that you're really going to leave us." Umiling ako. Double meaning iyon.
"Babalik din po ako." Tumango s'ya at muling ngumiti.
Si Luis ang maghahatid sa akin sa airport at ang kasama ko sa London.
I'll stay there for years, maybe.
It's Trish's first death anniversary. Pupunta na lang ako sa puntod n'ya at magpapaalam na din.
"Luis, dumaan muna tayo kina Damon." Tumango s'ya at pinaandar na ang sasakyan.
Tahimik lang kami buong byahe. He didn't dare to open some topic so I didn't mind talking to him as well.
"Oh, hija, napadalaw ka?" Nagmano ako sa mama ni Damon.
"Ah, magpapaalam lang po sana ako ng personal kay Damon. Nandito po ba s'ya?" Amiling sya sa akin.
"Nasa kanila Asher s'ya. Bakit, hija? Aalis ka?" Tanong nito.
"Opo, tita. Mangingibang bansa po muna ako." Tumango s'ya.
"Sige hija. Sasabihin ko na lang kay Damon iyon." Tumango ako.
"Sige, salamat po. Actually pupunta din po ako muna sa cemetery. Dadalawin ko ang puntod ni Trish." Tumango s'ya at tinapik ang balikat ko.
"Mauna na po ako."
"Mag iingat ka, hija." Ngumiti ako at tumango bago kumaway.
"Sa sementeryo na tayo." Tumango ulit s'ya.
Nakita ko ang sasakyan ni Castor at kuya Asher na nakaparada sa labas.
"Hihintayin kita dito. H'wag ka na'ng magtagal pa dahil mahuhuli tayo sa flight." Tumango ako sa kanya at tinalikuran s'ya.
"Gianna!" Ngumisi ako kay Zhy John.
"Hey." Niyakap ko s'ya.
Nakita ko sa 'di kalayuan si kuya Asher at Castor na nakatayo at nakadungaw sa puntod ni Trish.
Ngayon lang tumama sa akin na oo nga pala... Namatayan nga pala ako.
Iniling ko ang nagbabadyang luha.
"Kuya, Castor..." Niyakap ko din sila.
Binalingan ko ang lapida.
"Trish, aalis muna ako, ah?" Ngumiti ako at hinaplos ang lapida na may naka-ukit na pangalan n'ya.
"Miss na kita." Pinunasan ko ang luha ko.
Binalingan ko ang knights.
"Sa'n ka pupunta, Gianna?" Ngumisi ako at niyakap ulit sila.
"Mangingibang bansa ako. Babalikan ko si Gianne." Nangunot ang noo nila at tumango.
"Mag iingat ka. Sinong kasama mo?" Tanong ni Castor.
"Si Luis." Tinapik nila ang balikat ko nang magpaalam na ako.
Sa di kalayuan ay nakita ko si Frost at Leon. Nakatingin sila sa akin. Si Cloud ay kalalabas pa lang sa sasakyan.
"GIANNA!!" Napatalon ako ng marinig ang sigaw na iyon.
"Huy! Balak mo bang gisingin ang mga patay??" Mas mahina kong sigaw.
"Ano itong sinasabi ni Luis na magpapaalam ka na sakin? Ha?" Nagkamot ulo ako at niyakap s'ya.
"Punta akong London." Kunot pa din ang noo nya pero huminga ng malalim kalaunan at niyakap ako pabalik.
"I know you need a break so I won't stop you." Tumango ako at ngumiti.
He kissed my forehead.
"Mag iingat ka." Paalala n'ya.
"Of course. At sa pagbalik ko, kahit mag sparring pa tayo." Tumawa ako.
"'Yon! Ayos!" Natawa din s'ya.
"Sige aalis na ako. Baka ma-late ako."
Tumango s'ya kaya umalis na ako.
Nilagpasan ko si Frost na natigil nang makasalubong ako.
Don't worry, Frost. I'm preparing to unlove you.
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...