Chapter 27
"Grabe! ang kapal ng mukhang pumasok dito."
"Porke Montecarlos ang lakas ng loob magpaikot, ah?"
"Yuck! Nakakasuka!"
"Maganda sana, nasa loob naman ang kulo."
"Siguro di na 'yan virgin. Makati, eh."
Nagtiim bagang ako habang binabalewala ang mga usapin patungkol sa akin.
Sinalubong ako ni Damon.
"Are you alright?" Ngumisi ako.
"Of course, Damon. I am Gianna." Ngumisi s'ya ng tipid at sinabayan ako papasok.
Bulungan ang sinalubong sa akin ng mga tao.
Ang iba ay tinitingnan ako ng masama. Ang iba ay dismayado at umiiling sa akin.
I sighed.
Paanong naging ganito ang trato sa akin ng mga studyante sa sarili naming paaralan?
Umiling ako.
Binuksan ko ang pinto at bumuhos sa akin ang isang malamig na tubig galing sa taas.
"Fuck!!" Mura ni Damon na hindi man lang inalala ang pagkabasa n'ya.
Niyakap n'ya ako kaagad.
"ANO BANG PROBLEMA N'YO?!!" Umalingawngaw ang sigaw n'ya sa loob ng classroom.
"Iyang kasama mo, Damon! Napakawalang hiya!" Nag aalinlangang sigaw ng isang kaklase kong lalaki.
"Rusty! Sinong walang hiya? Huh?" Humakbang s'ya papasok pero pinigilan ko s'ya.
"Hoy, Gianna! Deserve mo 'yan, ano? Kulang pa 'yan sa panggagago mo kay Frost. At sa pagsira mo sa relasyon nila ni Erica!"
Binalingan ko ng tingin ang babae. Napaawang ang bibig n'ya at nag iwas ng tingin.
"Sino ka para tumahol sa harap ko?" Nagulat ako sa sarili kong boses.
"Ang kapal naman ng mukha mo!"
"Hoy, Gianna! For you information, isa sa pinakasuccessful na business man ang daddy nya!-"
"At kilala mo ba ang daddy n'ya? Kung oo, alam mo na kayang kaya nilang pataubin ang daddy mo." Dugtong ng kung sinong nakaupo sa gilid.
"Hoy, Kristina! Akala ko ba kakampi ka namin?"
"Anong kakampi? Hindi ako kasing cheap n'yo, ano? Ano ako? Aso? Hoy hindi mo ako kalahi, mga bobo!" Tumayo ang babaeng nagngangalang Kristina.
"Wala akong karapatan na magalit dahil hindi ko naman alam ang nangyari." Binalingan nya ako. Hindi s'ya nagpakita ng emosyon.
"Nagmahal lang naman s'ya."
May biglang tumulak sa akin kaya napasubsob ako kay Damon.
"Erica!"
"Boo Gianna!"
Nagtiim bagang ako at hinarap si Erica pero sinampal n'ya ako.
"Ano ba! Tumigil ka!" Awat ni Damon.
"Bitawan mo ako, Damon!"
"Tumigil ka na nga! Hindi ako nananakit ng babae Erica, pero alam mong kaya kitang saktan!" Tumulo ang luha ko.
"Nababagay 'yan sa'yo, bitch!" Tinulak ni Kathy ang ulo ko.
"Mamatay ka na sana, Gianna!"
"WHAT THE FUCK?!!!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang isang pamilyar na boses.
"SHIT! QUEEN!!" Nilingon ko si Luis kasama si Kaizer.
Pareho silang galit na naglalakad kaya tumakbo ako.
Bago pa man ako tuluyang makalayo ay narinig ko ang sigaw n'ya.
"GET THE DAMN FUCKING NAMES OF THOSE PEOPLE WHO MESSED WITH THE MAFIA QUEEN!!!"
Sa pagtakbo ko ay nabunggo ako sa isang katawan.
"Gianna? Anong nangyayari?" Inangat ko ang tingin ko kay Cloud. Nasa tabi s'ya ni Frost.
Lumandas ang luha sa pisngi ko at nakita kong nanlaki ang mga mata n'ya.
Umiling ako.
"Wala." Sabi ko at tumakbo ulit.
"What the fuck did you do, bro?" Si Leon.
"She deserved it!"
I locked myself inside the restroom.
Humagulgol ako ng walang tigil.
She deserved it.
That fucking three words are from the person I loved the most.
"Where the fuck are you Gianne?!" Sigaw ko sa sarili ko at sinuntok ang salamin.
Basugatan ang kamao ko dahil sa bubog pero 'di ko na iyon inalintana.
Natuon ang pansin ko sa isang matulis na bubog.
YOU ARE READING
Cold Beast [COMPLETED]
Action"Sana... maliwanagan ka na din. dahil hindi na kita mapapaliwanagan." tiningnan ko ang sunrise. mataas na ito. "Dahil pag balik ko..." binalingan ko sya at nakitang nakakunot ang noo nya. ang dalawa ay nakatingin sa kanya. "Hindi mo na ako makikita...