Chapter 5

0 0 0
                                    

Chapter 5

Naglalakad ako ngayon pauwi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan ang sinabi ni Sasuke kanina. Kinikilig ako mga dude! Ngayon lang siya nagsabi ng ganon sa akin!

"Nandito na ako!" Sabi ko ng makarating na ako sa bahay.

"Maligayang pagdati---Anong nangyari sa buhok mo?!" Bulalas ni Mama at agad akong nilapitan.

Pinaupo naman niya ako sa tapat ni Papa na mukhang nag-aalala rin.

"Anong nangyari sa buhok mo Sakura?" Tanong ni Papa.

Bumuntong hininga ako at sinabi lahat ng nangyari kanina.

"Bakit kasi agad kayong sumugod doon! Dapat humingi muna kayo ng tulong!" Sigaw ni Mama.

"Nataranta na kasi kami, Ma!" Sabi ko.

"Ano naman ang balak mo sa buhok mo?" Tanong ni Papa

"Magbabago na lang po ako ng hairstyle" Sabi ko kaya napatango sila.

( Kinabukasan )

Nakatingin ako ngayon sa salamin at inaayos ang buhok ko, napagdesisyonan ko na gagamit na lang ako ng ribbon at bumagay naman ito sa akin.

Nang makuntento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto ko.

"Alis na po ako!" Sabi ko.

Agad naman akong nilapitan ni Mama at ibinigay ang bento ko.

"Salamat po!" Sabi ko at lumabas na ng bahay.

Sumakay na ako sa bike ko at pinaandar ito. Dahil sa good mood ako ay halos lahat ng nadadaanan ko ay binabati ko.

"TULONG!"

Napatigil naman ako sa pagpedal at inilibot ang paningin ko para hanapin kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. At nalaman ko na galing iyon sa isang iskinita kaya nagpedal ako papunta doon.

Kaso pagkarating ko doon ay wala akong nakita doong tao ni isa.

"Kumusta ka" napatingin ako sa likuran ko para harapin ang nagsalita.

Bale tatlo sila at nakasuot sila ng mask. Magpepedal na sana ako paalis kaso may biglang sumulpot na tatlong lalaki sa harap ko.

' Nayari na...'

........................................................
His POV

Nandito kami ngayon sa gate ng school dahil may nakapagsabi kasi sa amin na gusto kaming makausap ng grupo ni Sakura.

"Ano kaya ang sasabihin nila sa atin?" Sabi ni Naruto

Walang nagsalita sa amin dahil walang may ideya.

"Guys!" Napatingin naman kami sa apat na babae na papunta sa amin..

"Gusto niyo daw kaming makausap?" Panimula ni Neji.

"Si Sakura kasi..." sabi ni TenTen

"Bakit? May nangyari ba sa kanya?" Tanong ko.

"Kanina pa kasi siya hindi dumadating" sabi ni Hinata.

"Baka naman nalate lang?" Sabi ni Sai.

"Hindi siya nalelate ng ganito!" Sabi ni Ino

"Baka naman sumama ang loob niya dahil sa nangyari sa buhok niya kaya nagdesisyon siya na hindi siya papasok ngayon?" Suhestiyon naman ni Shikamaru.

"IMPOSIBLE!" Sabay sabay nilang sigaw kaya nagulat kami.

"Ang mabuti pa ay pumunta tayo kila Sakura. Sasama ba kayo sa amin?" Sabi ni Temari.

Agad naman kaming tumango bilang pagpayag. Lumabas kami ng school at pinuntahan ang bahay nila Sakura at pagkarating namin doon ay ako na mismo ang kumatok. Pinagbuksan naman kami ng Mama ni Sakura.

"Kayo pala..."

"Ahm, nandito po ba si Sakura?" Tanong ko.

"Si Sakura? Kanina pa siya umalis para pumunta sa school, mukhang good mood pa nga eh"

Naikuyom ko ng palihim ang kamao ko.

"Ganon po ba? Sige po, alis na po kami" sabi ko at yumuko bilang paggalang.

Lumayo na kami sa bahay nila Sakura at naghanap ng pwedeng lugar kung saan pwede kaming mag-usap.

"Mukhang may nangyari nga sa kanya..." Sambit ni Temari.

"May ideya ako kung ano ang nangyari sa kanya" napatingin naman kami kay Shikamaru.

"Ano?"tanong namin.

"Naalala niyo yung lalaking nagpasimula ng sunog kahapon? Hindi lang siya nag-iisa, grupo sila " panimula ni Shikamaru.

"So anong point mo?" Tanong ni Neji.

"Sa tingin ko ay may kinalaman ang grupong iyon sa pagkawala ni Sakura ngayon dahil iniligtas niyo yung tatlong bata" nanlaki naman ang mga mata namin.

"Bakit kami hindi kinuha? Kasama rin kami ni Sakura non!" Sigaw ni Ino.

Nagkatinginan naman kaming lima at mukhang iisa lang ang iniisip naming sagot sa tanong nila.

"Mukhang pinoprotektahan kayo ni Sakura sa grupong iyon" sagot ni Sai.

Para namang nanghina ang apat na babae.

"Nagsasarili ka na naman..." Bulong nila.

Maski ako ako ay nakakaramdam ng galit. Subukan lang nilang saktan si Sakura at makikita nila kung paano magalit ang isang Uchiha!

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon