Chapter 39

0 0 0
                                    

Chapter 39

( 5 years later )

His POV

"Tito! Gumising ka na!"

Naalimpungatan naman ako nang may biglang dumagan sa akin. Tiningnan ko naman ng masama ang magaling kong pamangkin.

"Ano ba, Kyo? Ang aga-aga pa eh!" Sabi ko at nag-inat

Siya si Uchiha  Itasuke, anak nila Ate Mia at Kuya Itachi at nag-iisang pamangkin ko. Pwede mo rin siyang tawaging Kyo. Matatas na siyang magsalita kahit limang taong gulang palang siya.

"Anong maaga! Sabi ni Mama, tanghali na kaya gising ka na!" Sabi niya kaya natawa na lang ako.

"Sige na...." Sabi ko at ginulo ang buhok niya.

"Tito....Pwedeng magtanong?" Sabi niya.

"Nagtatanong ka na nga eh." Sabi ko.

"Pakiusap naman yung sinabi ko eh!" Sabi niya kaya napailing na lang ako.

' Matalinong bata.... '

"Ano ba iyon?" Tanong ko

Bumaba naman siya sa kama ko at binuksan ang drawer ko kaya nagtaka ako. Makalipas ang ilang segundo aymay hawak na siyang picture frame at binigay sa akin.

' Paano niya nalaman na may picture frame doon? '

Ang nasa picture ay kaming dalawa ni Sakura. Limang taon na rin simula ng mawala sila

"Tito, sino po yung babaeng kasama niyo sa picture?" Tanong ni mia

"Girlfriend ko siya...." Sabi ko kaya kumunot ang noo niya

"Talaga po? Bakit hindi ko po siya nakikita?" Tanong niya kaya ginulo ko na lang ulit ang buhok niya.

"Makikita mo rin siya...." Sabi ko.

' Masyado ka ng nagtatagal..... Sakura. '

"Nandito ka lang pala, bata ka." Napatingin naman kami kay Kuya na kakarating lang.

"Papa!" Bulalas ni Kyo kaya binuhat siya ni Kuya.

"Bakit mo ba ginising ang Tito mo?"

"Sabi kasi ni Mama, tanghali na eh!" Inosenteng sabi ni mia

Ibinaba naman siya ni Kuya at tiningnan.

"Sige na, pumunta ka na doon sa hapag kainan dahil nakahanda na ang almusal mo." Sabi ni Kuya.

"Okay po!" Sabi ni mia  at dali-daling lumabas ng kwarto ko

Napatingin naman sa akin si Kuya, lalo na sa hawak kong picture frame.

"Namimiss mo na siya?" Tanong niya kaya napatango ako.

' Miss na miss ko na siya.... '

"Babalik rin siya." Sabi ni Kuya at tinapik ang balikat ko

( Fast forward )

Naglalakad ako ngayon sa labas kasama si itasuke para kitain sila Naruto sa Academy. Inimbita kasi silang magturo doon at hindi lang ako sumama. Doon na daw kami mag-lunch.

Hindi ko nga dapat isasama si Kyo kaso makulit ang batang ito,nagmana siya kay Ate Mia. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa Academy. Nagtapos kami dito na kaming lima ang nangunguna. Sikat na rin kami dahil walang misyon ang hindi namin natatapos. Kaya ang mga estudyante ngayon ay nakatingin sa akin at nagbubulungan.

"Sasuke!" Napatingin naman ako kila Naruto na kumakaway sa amin.

Pinuntahan naman namin sila at napatingin naman sila kay itasuke na hawak hawak ko.

"Bakit kasama mo ang bulinggit na 'to?" Sabi ni Naruto.

"Hindi ako bulinggit! Ako si itasuke!" Sabi ni Kyo kaya natawa sila.

"Bakit ka ba sumama sa Tito mo?" Tanong ni Sai kay itasuke.

"May tatanong po ako sa inyo." Sabi ni Itasuke.

"Ano ba iyon?" Tanong ni Neji.

"Yung kaya lang naming sagutin ah." Sabi ni Shikamaru.

"May girlfriend po ba kayo?"

(●__●)----Sila

Tama, sumama siya sa akin para tanungin lang sa kanila iyon.

"Kasi po si Tito Sasuke may girlfriend at ang ganda  niya po." Sabi ni Kyo.

"Oo naman....Ito siya oh." Sabi ni Naruto at pinakita ang wallpaper niya sa cp na si Hinata

Ganon din ang ginawa ng iba. Napatingin tuloy ako sa cp ko na si Sakura din ang wallpaper.

"Meron din po pala kayong girlfriend, pero bakit hindi ko rin sila nakikita kagaya ng girlfriend ni Tito Sasuke?" Tanong ni Kyo kaya natahimik sila.

"Masyado ka ng maraming tanong Kyo. Kumain na nga tayo." Sabi ko at nagsimula ng maglakad.

"Sa cafeteria na lang din tayo kumain." Sabi ni Sai.

"Oo nga, may dala naman tayong bento eh." Sabi ni Neji

"Nakakamiss din ang simoy ng hangin doon." Sabi ni Shikamaru.

"Sige, doon na lang tayo." Sabi ko.

"Bulinggit, gusto mo ng ramen--- nasaan si Bulinggit?" Sabi ni Naruto kaya napatigil kami sa paglalakad.

Napatingin naman ako sa gilid ko at nanlaki ang mata ko nang malaman ko na wala na si Kyo sa tabi ko.

' Patay..... '

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon