Chapter 31

0 0 0
                                    

( A/N: Si Kyoko Sensei ay dinagdag ko lang po na character, inimbento ko lang po siya🌸🌸 )

Chapter 31

Her POV

"Umayos nga kayong lima! Nagtataka na ang mga boyfriend niyo!" Napaangat naman kami ng tingin.

"SENSEI!" Bulalas namin at sinunggaban siya ng yakap.

"P*taragis! Umayos nga kayo! Hindi na ako makahinga!" Sigaw niya sa amin kaya agad kaming lumayo.

Humilera kami sa gilid niya at yumuko. Alam kasi naming galit na siya.

"Kakarating ko nga lang tapos ganyan ang pagsalubong niyo sa akin?! Anong klase iyan?!" Sigaw niya sa amin.

Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao sa paligid lalong lalo na sila Naruto na nagtatakang nakatingin sa amin.

"Excuse me---"

"Ano?!" Nagulat naman si Naruto sa sigaw ni Sensei

"Ahm.....Pwede po bang malaman namin kung sino po kayo dahil pinapagalitan niyo po kasi ang mga girlfriend nami ...." Sabi ni Sasuke.

"Oh! Sorry!" Sabi niya at tumikhim

"Ako si Kyoko Mouri, naging sensei ako ng limang 'to bago pa sila pumasok sa Academy" sabi niya.

"Bukod kay Master Tsunade, siya ang naging inspirasyon namin para maging ninja!" Sabi ko.

"Isa rin siya sa naging estudyante ni Master Tsunade!" Sabi naman ni Hinata

"Napakagaling niyang ninja!" Sabi naman ni Temari.

"Masaya kami at kami ang unang naging estudyante niya!" Sabay naman na sabi ni TenTen at Ino.

Nakatikim naman kami ng tig-iisang batok mula kay Sensei kaya napadaing kami sa sakit. Ang bigat kaya ng kamay niya!

"Sinong may sabing sumabat kayo sa usapan namin?!" Sigaw niya.

"Sensei naman! Ikaw na nga ang pinupuri sa harap ng maraming tao eh!"  Sabi ko kaya nakatikim ulit ako ng isang batok mula sa kanya.

"Sinabi ko bang purihin niyo ako! Ang dami ng taon ang lumipas pero hindi pa rin kayo nagbabago!" Napasimangot naman kami.

"Oh siya, aalis na ako. Ituloy niyo na ang date niyo." Sabi niya.

"Teka!" Sabay naming sigaw

"Bakit?"

"Saan kayo nakatira? Para naman mabisita namin kayo." Sabi ko pero ngumisi siya lang siya.

"Hanapin niyo. Tingnan natin kung may natutunan ba kayo sa Academy" sabi niya at umalis na.

(ー_ー゛)----Kami

"Pati rin naman siya hindi pa rin nagbabago...." Bulong namin

Bumalik naman kami sa upuan namin.

"Naging Sensei niyo talaga siya?" Tanong ni Sasuke kaya tumango kami.

At nag-simula na kaming magkwento tungkol sa naging training namin sa kanya .

........................................................
His POV

Naglalakad na kami ngayon ni Sakura papunta sa bahay ko dahil gusto niya daw makita si Ate Mia. Hawak-hawak ko rin ang kamay niya.

"Ano bang gusto mong sabihin kay Ate Mia?" Tanong ko sa kanya.

"Sasabihin ko sa kanya na nakabalik na si Kyoko Sensei." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko

"Ano naman ang kinalaman non kay Ate Mia?"

"Malalaman mo kapag nakita mo ang reaksyon niya mamaya." Sabi niya at ngumiti.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad siyang pumunta sa silid kung saan laging tumatambay sila Ate Mia at Kuya.

"Ate Mia!" Bulalas niya at agad na nilapitan si Ate Mia.

Tumingin naman siya kay Sakura.

"Oh, Sakura. May kailangan ka?" Tanong niya.

"May ibabalita ako sayo!" Sabi ni Sakura.

"Ano naman iyon?" Sabi niya at uminom ng tsaa.

"Nakabalik na si Kyoko Sensei!"

Nagulat naman ako ng maibuga ni Ate Mia ang tsaa na nasa bibig niya.

"S-seryoso ka diyan?" Paniniguro ni Ate.

Ilang beses namang tumango si Sakura habang nakangiti. Napatayo naman si Ate Mia.

"Saan siya nakatira ngayon?"

"Hindi ko alam. Tara, hanapin natin!" Sabi ni Sakura.

Nagtanguan naman sila bago mabilis na lumabas ng bahay.

' Seryoso?! Kakarating lang kaya namin! '

Nagkatinginan namam kami ni Kuya.

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon