Chapter 13

0 0 0
                                    

Chapter 13

Her POV.

Nilalantakan ko ngayon ang mga pagkaing dala nila. Grabe gutom pa rin ako kahit halos kakakain ko lang ng pagkaing dala nila Mama at Papa kanina.

"Hoy! Dahan-dahan naman sa pagkain, baka mabulunan ka!" Saway sa akin ni Temari at binigyan ako ng tubig.

"Hayaan mo nga siya Temari! Tatlong araw din kaya siyang tulog!" Sabi naman ni Ino.

' Salamat Ino.... '

"Nga pala, Sakura. May ikukwento kami sayo" napatigil naman akong kumain at tumingin kay TenTen.

"Ano naman iyon?" Tanong ko.

Nagkatinginan muna sila at ngumiti sa akin.

"Si Sasuke kasi...." Nanlaki ang mata ko ng banggitin nila ang pangalan ni Sasuke.

"Bakit? Anong nangyari kay Sasuke?! May nangyari ba sa kanya? May nanakit ba sa kanya? Kung meron, p*tang*na sino?! Nang maupakan ko!" Sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko.

Ilang beses naman silang kumurap sa akin kaya nagtaka ako.

"Ano?! Walang sasagot sa akin?!" Sigaw ko sa kanila.

"Huwag kang OA..." Para naman akong naestatwa ng marinig ko ang boses na iyon.

Tumingin ako sa may pinto at doon ko nakita si Sasuke na nakatayo at seryoso akong tiningnan. Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Sasuke.... Okay ka lang ba ha? May nangayari ba sayo? May masakit ba sayo?" Sabi ko habang sinusuri ang kabuuan niya.

Tinanggal niya naman ang kamay ko sa katawan niya.

"Pwede ba, walang nangyari sa akin. Bakit ka ba nag-iisip na may nangyari sa akin?" Tanong niya kaya napatingin ako sa apat kong kaibigan.

Agad naman silang nag-iwas ng tingin habang si Temari ay sumisipol pa.

"So walang nangyari sayo?" Tanong ko.

"Wala." Sagot niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

Ilang saglit pa ay dumating na rin sila Naruto, Sai, Shikamaru at Neji na hingal na hingal. Ngumiti naman ako sa kanila ng mapansin na nila ako.

"What's up guys!" Sabi ko.

"Sakura chan....Gising ka na nga..." Napairap naman ako sa sinabi ni Naruto.

"Ay hindi, hindi pa ako gising! Parehas lang kayo ni Ino eh!" Singhal ko sa kanya.

"Magaling ka na nga.." sabi naman no Shikamaru.

"Kumusta naman ang tulog mo?" Tanong naman ni Neji.

Sasagot na sana ako sa kanya ng biglang sumabat si Sai.

"Ano pa eh di puro tungkol kay Sasuke ang napapanaginipan!" Sabi niya.

Pinandilatan ko naman siya ng mata. Pero....Tama naman siya eh. Napanaginipan ko si Sasuke at nasa romantic date kami. Kyaahhhh!

"N-Naruto kun...pwede mo ba akong samahan sandali? M-may sasabihin lang ako..." Napatingin naman kaming lahat kay Hinata sa biglaang pagsabat niya.

"Sige ba!" Pagpayag ni Naruto kaya umalis na sila.

"Uhm Sai, samahan mo naman akong kunin ang pinadeliver kong flower galing sa shop namin. Medyo marami kasi iyon eh." Sabat naman ni Ino.

"Ganon ba? Sige sasamahan na kita" pagpayag ni Sai kaya umalis na rin sila.

"Neji, tara may pag-uusapan tayo" biglang sabi naman ni TenTen at nilapitan si Neji.

"Huh?" Takang tanong ni Neji.

"Basta tara na!" Sani niya at umalis na sila.

Wait? Bakit ba isa-isa silang umaalis.

"Hoy, Shikamaru! Sama ka sa akin , may itatanong lang ako sayo tungkol sa isang bagay" sabi namam ni Temari at hinatak paalis si Shikamaru.

Nagkatinginan naman kami ni Sasuke dahil kami na lang ang natira.

' Uh-oh... Mukhang pinlano nila toh...'

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon