Chapter 7

0 0 0
                                    

Chapter 7

His POV

"Teka! Saan kayo pupunta?!" Tanong ni Shikamaru sa mga babae.

Bigla na lang kasi silang nagtangkang umalis, buti na lang nahablot ni Shikamaru ang braso ni Temari.

"Bitawan mo nga ako! Ililigtas namin si Sakura!" Sigaw ni Temari at nagpumiglas kay Shikamaru.

"Hindi ko hahayaang sumugod lang kayo doon basta basta. Sinabi ko na sayo, grupo sila Temari!" Sigaw ni Shikamaru.

"Wala na kaming pakialam kung marami man sila kaysa sa amin. Hindi namin mapapatawad ang mga sarili namin kapag may nangyaring masama kay Sakura!" Sabi ni Ino.

Silang apat ngayon ay naiiyak na at sobrang nakakuyom ang mga kamao nila. They're already mad.

"Hayaan niyo kaming tumulong kung ganon" sabat ko kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Tama, tutulong kami. Hindi naman pwedeng hayaan namin kayo noh" sabi ni Naruto.

"Sang-ayon ako" sabi naman ni Sai

Pumunta naman si Neji kay TenTen at pinatahan ito sa pag-iyak.

"Tahan na..." Sabi niya.

"Shikamaru, anong plano?" Tanong ko.

Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Sandali lang, mag-iisip muna ako" sabi niya.

( Fast forward )

"Iyon na iyon?" Tanong ni Temari

"Yup! Simple pero epektibo" sabi naman ni Shikamaru.

Tumingin naman kami kay Sai na kakatapos lang gamitin ang technique niya.

"Nakuha ko na ang location ng grupo nila. Medyo malapit dito kaya makakarating tayo agad doon" sabi niya kaya napatango kami

"Tara na" sabi ko at nagsimula ng tumakbo.

Si Sai ang nasa unahan dahil siya ang nakakaalam ng daan. Sinundan namin siya hanggang sa huminto kami sa rooftop ng isang building. At sa tapat nito ang isang abandonadong building.

Ginamit naman ni Neji at Hinata ang byakugan nila para tingnan kung ano ang nangyayari sa loob.

"May kaunting bantay sa first floor at medyo madami naman sa second floor. Ang boss nila ay nasa third floor kung nasaan din si Sakura" sabi ni Neji.

"Kumusta naman si Sakura?" Tanong ni TenTen.

"Okay lang siya, mukhang wala siyang malay" sabi naman ni Hinata.

Bumalik na ang dating mata ng dalawa matapos nilang sabihin iyon. Kapag ginamit nila ng matagal ang byakugan, hindi kakayanin ng katawan nila. Kagaya ng sharinggan ko.

"Pumasok na tayo sa loob" sabi ni Shikamaru.

Agad naman kaming bumaba at pumasok sa loob. Agad naming inatake ang mga bantay doon ng tahimik para hindi agad maalarma ang iba nilang kasamahan.

Pagkatapos ay umakyat na kami sa second floor at doon na kami nahirapan. Nakagawa kami ng sobrang ingay kaya ang ibang miyembro nila ay bumaba mula sa third floor.

Nilabanan namin sila hanggang sa halos lahat ay napatumba namin. Napatigil kami nang may marinig kaming pumalakpak.

"I'm impress! Hindi ko akalaing tatagal kayo" napatingin kami sa lalaking kakarating lang.

' Mukhang siya ang boss '

"Nasaan ang kaibigan namin?!" Tanong ni Hinata.

"Kaibigan? Ah.... Yung kaibigan niyong matapang na kulay pink ang buhok?" Sabi niya kaya naikuyom ang kamao ko.

"Tama! Siya nga, nasaan na siya?" Sabi ni TenTen.

"Heto siya..." Sabi niya.

Napatingin naman kami sa lalaking may buhat-buhat na babaeng sugatan sa taas. Nanlaki ang mata namin ng malaman namin na si Sakura ito. Naalarma ang mga babae ng ihulog ng lalaki si Sakura. Agad na sinalo nila si Sakura.

"Sakura!" Sigaw nilang apat.

Tiningnan ko naman ng masama yung boss nila.

"Anong ginawa mo sa kanya?!" Tanong ko.

"Let's see....Nilatigo ko lang naman siya ng ilang beses" sabi niya.

Anong sinabi niya?! Nilatigo?!

"At hindi lang iyon.... Tinurukan ko rin siya ng lason."

Parang tumigil ang mundo ko sa huling sinabi niya.

" At anumang oras ay mamatay na siya"

Hindi....

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon