Chapter 8

0 0 0
                                    

Chapter 8

Third Person POV

Halos manghina ang apat na babae dahil sa narinig sa lalaki. Hindi maaaring mamatay si Sakura, iyan ang nasa isip nilang lahat. Habang ang mga lalaki naman ay nakatingin lang kay Sasuke na nakayuko at walang imik.

Pero ramdam nila ang madilim na aura ni Sasuke.

"Nababaliw ka na..." Sabi ni Sasuke at nag-angat ng tingin.

Nanlaki ang mata ng lahat nang makita nila na pula ang mata ni Sasuke. Sharinggan ang tawag sa mga mata niya ngayon. Nagulat na lang sila nang bigla na lang sumulpot si Sasuke sa harap ng Boss at sinuntok ito.

"Walang hiya ka! Hindi kita, mapapatawad!" Sigaw nito habang binubugbog ang Boss.

Aawatin na sana ng mga lalaki si Sasuke kaso biglang nag-salita si Naruto.

"Hayaan niyo lang siya, kayo lang din ang masasaktan kapag pinigilan niyo siya. Sa ngayon kasi, galit na galit siya" sabi ni Naruto.

Sa buong buhay nila ay ngayon lang nilang nakitang magalit si Sasuke ng husto. Ganon din ang iniisip ng apat na babae na pinapanood lang si Sasuke.

Sa tuwing may nagtatangkang pumigil kay Sasuke ay napapabagsak niya ito kaagad. Hanggang sa napatumba niya na ang lahat, ng siya lang mag-isa. Pati na rin ang Boss na wala ng malay.

Tumingin naman si Sasuke sa apat na babae na hawak si Sakura na pula pa rin ang mga mata. Unti unti naman siyang lumapit sa kanila at hinawakan ang pisngi ni Sakura na walang malay. At doon na nawala ang sharinggan niya na para bang kumalma na siya.

"Sumunod na lang kayo sa akin." Sabi niya at binuhat si Sakura at tumakbo.

Kahit na nagulat sa nangyari ay sinundan siya ng lahat papuntang Ospital. Sakto naman na dumating ang mga pulis sa abandonadong building.

( In Hospital )

"Hindi ko kayang tanggalin ang lason sa katawan niya, masyado itong malakas" sabi ni Doc Shizune, ang gumagamot kay Sakura.

"Ano ng gagawin natin..." Naiiyak na sabi ni Ino.

"Anong nangyayari dito?" Napatingin naman silang lahat sa babaeng kakarating lang.

Agad naman silang yumuko bilang paggalang dahil ang babaeng ito ay ang Ikalimang Hokage na si Master Tsunade.
Tiningnan naman ni master Tsunade ang kalagayan ni Sakura.

"Lumabas muna kayo, ako ng bahala rito." Sabi niya kaya lumabas ang lahat sa kwarto iyon.

Naghintay naman sila sa labas ng kwarto.

........................................................
His POV

Kanina pa kami naghihintay dito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Master Tsunade sa kwarto kaya medyo nag-aalala na kami. Baka kasi may nangyari ng masama...

Naalarma naman kami ng lumabas na si Master Tsunade. Agad namin siyang nilapitan.

"Kumusta po siya?" Agad kong tanong.

"Okay na siya, ligtas na siya sa panganib" nakahinga naman kami ng maluwag dahil doon.

"Anong pangalan niya?" Tanong ni Master

"Haruno Sakura po. Tagahanga niyo po kaming lima" sabi ni Ino kaya napangiti na lang si Master.

"Masasabi kong siya rin mismo ang nagligtas sa sarili niya. Tinulungan ko lang siya" kumunot naman ang noo namin.

"Ano pong ibig niyon sabihin Tandang Tsunade --- Aray!"
Daing ni Naruto dahil binatukan siya ni Master.

"Huwag mo akong matawag tawag na tanda!" Sigaw ni Master kay Naruto.

Pinigilan naman naming matawa...

"Gaya ng sinabi ko kanina. Si Sakura mismo ang nagligtas sa sarili niya dahil pinigilan niya ang paglaganap ng lason sa buong katawan niya. Hanga ako sa kanya dahil mahirap iyong gawin. Kung hindi niya iyon ginawa, baka patay na siya kanina pa" paliwanag ni Master.

Nagulat naman kami dahil kaya pa lang gawin iyon ni Sakura. She's awesome...

Pagkatapos ay umalis na si Master Tsunade kaya pumasok na kami sa loob para tingnan si Sakura. Nadatnan naman namin siyang nakahiga at may benda na ang mga sugat niya.

Pinagmasdan ko lang siya at narealize ko na hindi ko kayang makita siyang ganito. Mas gusto ko pa na kinukulit niya ako araw-araw kaysa sa ganito.

' Hindi na kita hahayaang, masaktan pa ulit...'

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon