Chapter 23

0 0 0
                                    

Chapter 23

( Present )

Her POV

Kringggggg ⏰⏰

Napamulat naman agad ako ng mata ng marinig ang alarm clock ko. Binilhan ako ni Mama nito para daw di na niya ako kailangang gisingin araw-araw.

Bumangon naman ako at nag-unat.

"Good morning self"

Pagkatapos kong mag-inat ay lumabas na ako ng kwarto. Inaasahan ko na madadatnan ko sila Papa at Mama na nag-aalmusal kaso kabaliktaran ito. Wala sila Mama at nag-iwan lang sila ng pagkain ko sa lamesa.

Napabuntong hininga naman ako at pumunta sa may lababo para maghilamos at magmumug. Pagkatapos ay nag-almusal na ako.

Saglit lang ako nag-almusal at saka ako dumeretso sa banyo para maligo. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako sa banyo at pumunta sa kwarto ko para magbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay humarap ako sa salamin at nakipagtitigan sa sarili ko. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Sasuke at nung sinabi nila Ino sa akin kagabi.

' Talaga bang gusto ako ni Sasuke? '

"Ano na ng gagawin mo?" Pagtatanong ko sa repleksyon ko.

Bumuntong hininga ako at saka tiningnan ng seryoso ang repleksyon.

"Maging normal ka lang Sakura. Maging normal lang. Walang dapat magbago..." Sabi ko at ngumiti.

"Hoy! Sakura! Bumaba ka na diyan!" Nagulat naman ako dahil sa tinig ni Temari

Mukhang nandoon na silang apat sa baba. Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng bahay saka sumakay sa bike ko.

"Tara na!" Sabi ko at nauna ng magpedal sa kanila.

"Hoy! Hintayin mo kami!" Sigaw nila kaya tinawanan ko sila.

' Tama.....Maging normal ka lang. '

Binilisan ko ang pagpedal para makarating na kami agad sa school. Pagkarating namin sa school ay bumaba na kami sa bike. Nahagip naman ng mata ko si Sasuke na nakikipag-usap kila Naruto.

"Sasuke kun!" Bulalas ko at agad na tumakbo papunta sa kanya.

Nang makalapit na ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap.

"Good morning!" Sabi ko at humiwalay na ng yakap sa kaniya.

"Good morning din sa inyo!" Bati ko rin kila Naruto.

"Oh siya, una na kami." Sabi ko at pinuntahan na sila Ino.

"Tara na." Sabi ko sa kanila.

Akmang aalis na kami ng biglang nagsalita si Sasuke.

"Sandali." Napalunok naman ako at saka humarap sa kanya.

"Bakit?" Sabi ko.

"Naalala mo pa ba ang sinabi ko sayo kahapon?" Tanong niya.

' Nayari na! '

"Sinabi mo kahapon? Alin doon? Ang dami mo kasing sinabi sa akin kahapon" sabi ko at laking pasasalamat ko na hindi ako nautal.

"Anong---"

"Mamaya na lang ulit! Bye! " Sabi ko at hinatak na yung apat paalis.

Pagkarating namin sa classroom ay umupo na kami sa kanya kanya naming upuan.

"Oy, girl! Bakit ka ganon kay Sasuke kanina?" Tanong ni Ino.

"Malamang nagtaka iyon sa ikinilos mo kanina." Sabi ni TenTen.

"Okay ka lang ba Sakura?" Sabi naman ni Hinata.

Bumuntong hininga naman ako.

"Hindi ko lang kasi alam kung paano magrerespond sa sinabi niya sa akin." Sabi ko.

"Mahirap bang sabihin kay Sasuke na gusto mo rin siya?" Napatingin naman ako kay Temari.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko gusto si Sasuke!" Sabi ko.

"Oo na! Hindi mo siya gusto pero mahal mo siya tama ba?" Gulat naman akonh napatingin kay Ino.

' Paanong..... '

"Base sa reaksyon mo, mukhang tama kami." Sabi ni Hinata

"Grabe ka girl! Kulang na lang mag-google kami para makahanap ng sagot kung bakit hindi mo gusto si Sasuke. Iyon pala ay mahal mo siya at hindi gusto" sabi naman ni TenTen

"Hindi ba't magkaparehas lang ang ' gusto kita ' at ' mahal kita '
? " Tanong ni Temari.

"Magkaiba iyon para sa akin. Iba ang pagmamahal at pagkagusto." Sabi ko.

"Agree ako diyan. Oo ginagamit ng mga couple ang salitang ' gusto kita ' pero para sa iba na mas malalalim ang pagintindi sa pag-ibig. Magkaiba ang salitang gusto kita at mahal kita." Sabi ni TenTen.

"Sana all expert sa pag-ibig!" Sabi ni Ino.

Natawa naman kami.

"So bakit hindi iyon ang sabihin mo sa kanya?" Tanong naman ni Hinata.

"Wala pa akong lakas ng loob eh....At saka, hindi ko sure kung gusto ba talaga ako ni Sasuke.." sabi ko kaya nagulat sila.

"Huh? Hindi ba't sinabi na niya na gusto ka niya?" Sabi naman ni Temari.

"Biglaan kasi ang pag-amin niya. Hindi ba kayo nagtataka sa ganon?" Sabi ko kaya nagkatinginan sila.

Kasunod ay dumating na ang teacher namin kaya nagsitahimik na ang lahat. Habang ako naman ay dumukmo sa mesa ko.

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon