Chapter 26

0 0 0
                                    

Chapter 26

Her POV

( Bell Rings 🔔🔔 )

"Okay, class dismiss" sabi ni Ma'am at saka lumabas ng room

Nag-inat naman ako, grabe ka boring ng topic namin ngayon. Muntikan pa nga akong makatulog eh.

"Punta na tayo sa rooftop." Sabi ni Ino kaya tumango kami.

Nilabas ko naman ang bento ko kaso hindi ko naman mahanap ang tumbler ko. Hinanap ko ito ng hinanap sa bag ko kaso hindi ko talaga mahanap.

' Mukhang naiwan ko sa bahay... '

"Mauna na kayo sa rooftop, naiwan ko yung tumbler ko sa bahay kaya pupunta pa ako sa cafeteria para bumili ng inumin ko." Sabi ko sa kanila.

"Ha? Samahan ka na lang namin" sabi ni Hinata.

"Oo nga, para sabay-sabay na tayong pumunta doon" sabi ni Temari

"Sasabihan ko na lang si Neji na medyo matatagalan na tayo. Malamang mahaba ang pila sa cafeteria." Sabi naman ni TenTen.

"Kayo bahala." Sabi ko at nagsimula ng maglakad.

Pagkarating namin sa cafeteria ay napakaswerte namin dahil hindi ganon kahaba ang pila kaya pumila na ako habang yung apat ay hinintay lang ako. Nang makarating na ako sa unahan ay sinabi ko kaagad na gusto ko ng bottled water.

Naihanda naman nila ito ng agad. Akmang kukunin ko na ito ng may bigla akong nararamdamang tubig sa ulo at medyo madami ito kaya nabasa rin pati uniform ko.
Hinarap ko naman ang taong may gawa non.

"Hi b*tch! Masarap maligo ano?"

' Karin! '

"Sakura!" Nilapitan naman ako ng apat.

Uzumaki Karin, nasa iisang school kami at pinsan siya ni Naruto. At higit sa lahat ay may gusto kay Sasuke. Mukhang nakarating na sa kanya ang balita na nililigawan ako ni Sasuke.

"Hoy, babaita ka! Ano bang problema mo!" Sigaw sa kanya ni Ino.

"Ang problema ko ay ang kaibigan niyo na nilalandi si Sasuke!" Sabi ni Karin

"Ang sabihin mo! Inggit ka lang!" Sabi naman ni TenTen.

Nagulat naman ako ng biglang sumulpot ang mga alipores ni Karin sa likod namin at binuhusan rin ng tubig sila Ino, Hinata, Temari, at TenTen. Kaya ngayon ay basang basan na rin sila. Tiningnan naman namin si Karin ng masama. Habang ang dalawang alipores niya ay tumabi sa kanya.

"Wow! Sana all bagong ligo! Wala man lang bang thank you diyan kasi ako na mismo ang nagpaligo sa inyo." Sabi ni Karin at tumawa.

Napairap naman kami.

"Girls....gawin niyo na!" Sabi ko.

Agad namang kumilos sila TenTen, Ino at Temari para hawakan sila Karin. Sa sobrang bilis nila ay hindi na sila nakapalag.

"Bitawan niyo kami!" Sabi ni Karin.

Ako namam ang tumawa habang tinitingnan siya. Pinagtitinginan na rin kami ng mga ibang estudyante sa cafeteria.

"Sira na ba iyang ulo mo at hindi mo man lang naisip na tatlo lang kayo at lima naman kami? Akala ko ba matalino ka?" Sabi ko sa kanya kaya tinitigan niya ako ng masama.

Umabante naman si Hinata at binuhusan ng tubig ang tatlo. Mahinhin si Hinata pero kapag siya ginalit mo, para na siyang nagiging ibang tao.

"Ano ba ang ginagawa mo Hinata?! Sa tingin mo ba magugustuhan ka pa ni Naruto ngayon ha?!" Sigaw ni Karin.

"Manahimik ka! Nakakarindi ang boses mo!" sigaw sa kanya ni Hinata.

"Anong nangyayari dito?"

Napatingin kami kila Sasuke na kakarating lang. Nagulat naman siya sa kalagayan ko.

"Sasuke kun! S-sinasaktan nila ako!" Sabi ni Karin at lumapit kay Sasuke.

' Nakawala pala ang bruha! '

Pero hindi siya pinansin ni Sasuke at pinuntahan ako

"Bakit basang basa ka?!" Sabi niya at hinubad ang polo niya at isinuot sa akin

Nakaputing t-shirt na lang siya ngayon.

"N-Naruto, tingnan mo ang ginawa sa akin ni Hinata---"

Hindi rin pinansin ni Naruto ang pinsan niya at dumeretso kay Hinata. Pinuntahan na rin nila Shikamaru, Sai at Neji sila Temari, Ino at TenTen at pinasuot sa kanila ang polo nila dahil kaming lima ay basang basa.

Napatingin naman ako kay Karin at muntikan pa akong matawa dahil ang mukha niya ay parang nalugi ng isang milyon.

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon