Chapter 20

0 0 0
                                    

Chapter 20

Her POV

' HAAAAA?! '

Iyan ang sinisigaw ng isip ko. Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Sasuke ang ulo ko kaya humarap ako sa kanya. Bigla niya namang tinap ang noo ko.

"Iyon lang. Salamat sa oras mo..." Sabi niya saka umalis na

Ilang beses naman akong napakurap. Pilit kong pinaprocess sa utak ko ang sinabi niya.

' Seryoso ba talaga siya?! '

Bumuntong hininga ako at naglakad na papunta sa bahay. Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa bahay.

"Nandito na ako..." Sabi ko at hinubad ang sapatos ko.

Nagtaka ako ng walang sila Papa at Mama kaya tinawagan ko na lang sila sa cp ko. Nag-ring ito hanggang sa sinagot na ito ni Mama.

"Hello, Sakura?"

"Hello, Ma. Nasaan kayo?" Tanong ko.

"May pinuntahan lang kami ng Papa mo. Hindi kami makakauwi hanggang hapunan kaya ikaw na muna ang bahala sa sarili mo." Napatango naman ako.

"Okay, ingat kayo diyan." Sabi ko at tinapos na ang tawag.

Pumunta ako sa kwarto ko at agad na nagbihis. Pagkatapos ay agad akong humiga sa kama ko at inisip ang sinabi sa akin ni Sasuke kanina. Napatigil naman ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cp ko kaya kinuha ko ito.

Nagchat si Ino sa group chat  namin.

Ino:
' Girl! Kumusta pag-uusap niyo ni Sasuke? '

TenTen:
' Usong magkwento...😏 '

Hinata:
' Okay lang naman kahit hindi mo sabihin sa amin...'

Temari:
' Hoy! Bakit puro seen lang ang ginagawa mo? Usong sumagot! '

Natawa naman ako sa mga chat nila kaya nagsimula na akong magtype.

Me:
' Galit agad, Temari? '

Ino:
' So anong pinag-usapan niyo ni Sasuke kanina? '

Napaisip naman ako kung sasabihin ko sa kanila yung sinabi ni Sasuke.

Me:
' Tuloy pa ba ang paglabas natin mamaya? '

TenTen:
' Oo naman, libre ko kayo dinner mamaya. '

Me:
' Good. Doon ko na lang sasabihin sa inyo ang pinag-usapan namin. '

Hinata:
' Huwag mong pilitin ang sarili mo, Sakura. Kung ayaw mong sabihin sa amin '

Ino:
' Hinata naman! Baka hindi talaga magsabi si Sakura nyan! '

Temari:
' Sige, sabihin mo na lang sa amin mamaya. '

Me:
' Okie, kita na lang tayo mamaya... '

Pagkatapos ay binaba ko na ang cp ko at nakipagtitigan sa kisame.

( Fast forward )

Nagsuot ako ng pink na t-shirt at maong shorts bago ako lumabas ng kwarto ko. Sinuot ko ang tsinelas ko at lumabas na ng bahay. Nilock ko naman ito saka tinahak ang daan papunta sa restaurant na kakainan namin.

Nang makarating na ako doon ay agad kong hinanap ang apat sa loob. Nakita ko naman sila na kumakaway sa akin kaya agad ko silang pinuntahan.

"Sorry, I'm late." Sabi ko at umupo na

Kumuha agad ako ng chopsticks at saka kumuha ng karne and i grilled it ♨️

' Yummy! '

"Ehem! Umpisahan mo na." Napatingin naman ako kay Ino.

Agad ko naman ibinaba ang chopsticks ko at tiningnan sila na naghihintay sa kwento ko.

"Ano kasi....May sinabi si Sasuke sa akin kanina.." sabi ko.

"Ano naman iyon?" Tanong ni Hinata kaya napahinga ako ng malalim.

"Sinabi niya na...." Panimula ko.

"Na ano?" Sabi ni TenTen.

"Na...." Sabi ko.

Nagulat naman ako ng biglang hampasin ni Temari ang lamesa.

"Pabitin pa amp*ta! Ano ba kasi ang sinabi niya?" Sigaw niya sa akin.

"Sinabi niya na gusto niya ako!" Sigaw ko.

Napatingin tuloy sa amin ang ibang tao. Pinagmasdan ko naman apat kong kaibigan.

(●__●)----- All

"Pakiulit nga ang sinabi mo..." Sabi ni Ino.

"Sinabi ni Sasuke na gusto niya ako!" Pag-uulit ko.

Napanganga naman sila.

"Oh my gosh! Dream come true ka na girl!" Bulalas ni TenTen.

"Masaya ako para sayo, Sakura." Sabi naman ni Hinata.

"Baka naman, nagbibiro lang siya." Napatingin naman kaming lahat kay Temari.

"Temari naman!" Sigaw nilang tatlo kay Temari.

"Okay lang guys, mukhang may point siya." Sabi ko kaya ako naman ang tinitingnan nila.

"Paano mo naman nasabi?"

"Well....Para kasing wala sa sarili si Sasuke ngayon. Kasi kanina sa rooftop, tinanong niya ako kung gusto ko daw ba siya." Sabi ko.

"Anong sinagot mo?" Tanong ni Ino.

"Sinabi ko na hindi ko siya gusto." Napanganga naman sila sa sinagot ko.

"Seryoso ka ba talaga Sakura? Sinabi mo na hindi mo siya gusto? Paanong hindi mo siya gusto?!" Sabi naman ni Temari.

"Ang pagdikit ko kay Sasuke ay may ibang dahilan, okay?" Sabi ko.

"Pero sa tingin ko seryoso si Sasuke sa sinabi niya. Hindi pa namin naikukuwento sayo kung ano ang ginawa ni Sasuke sa grupong nanakit sayo, tama ba?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Hinata.

"Bakit? Anong gjnawa ni Sasuke sa kanila?" Tanong ko.

Nagkatinginan muna sila bago nagsimulang mag-kuwento. Napanganga na lang ako aa mga sinabi nila. Pinagbubugbog ni Sasuke ang grupong iyon lalong lalo na ang boss dahil siya ang taong lumason sa akin.

"Ginawa niya talaga iyon?" Paniniguro ko kaya tumango sila.

' SERYOSO?! '

........................................................
His POV

Nandito ako ngayon sa may bakuran namin at pinagmamasdan ang kagandahan ng buwan.

"Lalim ng iniisip mo ah." Napatingin naman ako kay Kuya na kakarating lang.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya.

"Narealize ko na, Kuya" sabi ko.

"Ang alin?"

"Na gusto ko nga siya....." Napansin ko naman na ngumiti siya.

"Buti naman. Kailan ka aamin?"

"Umamin na ako" sagot ko.

"Wow! Ang bilis ah! Pero masaya ako para sayo." Sabi niya at tinapik ang balikat ko.

"Matagal mo na bang alam na ganon ang nararamdaman ko sa kanya?" Tanong ko.

"Oo, simula nung bata ka pa lang" kumunot naman ang noo ko.

"Simula ng bata pa ako?" Tanong ko.

Nginitian niya naman ako saka ako inakbayan.

"Alam mo kasi Sasuke.... Gusto mo na siya , dati pa. Ngayon mo lang narealize...."

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon