Chapter 36

0 0 0
                                    

Chapter 36

Her POV

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng hokage building, gusto kong kausapin si Master Tsunade. Alam kong may itinatago sa amin si Sensei bago siya mamatay at sa palagay ko may kinalaman iyon kung bakit siya biglang bumalik dito at bakit biglang umatake si Kaguya dito.

Gusto kong masagot ang mga tanong ko at si Master Tsunade lang ang makakasagot non.

"Nandito ka rin pala...." Napatalikod namam ako ng may marinig akong boses.

At nakita ko naman sila Ino, Hinata, Temari, at TenTen. Nilapitan naman nila ako.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanila.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Ino.

Hindi ko naman sila sinagot.

"Parehas lang tayo ng dahilan kung bakit tayo nandito." Sabi ni Temari.

"Gusto rin naming malaman ang katotohanan kung bakit nangyari ang lahat ng ito." Sabi ni Hinata

"Ano pang hinihintay natin. Komprontahin na natin si Master Tsunade." Sabi ni TenTen kaya nagtanguan na kami at sabay na pumasok sa loob ng building.

Dumeretso naman kami sa office niya at kumatok sa pintuan.

"Pasok!" Sigaw nito mula sa loob.

Pumasok naman kami at hindi man lang siya nagulat nang makita niya kami.

"Sinasabi ko na nga ba't pupuntahan niyo ako." Sabi ni Master Tsunade.

Magsasalita pa sana si Ms. Shizune ng pigilan ito ni Master Tsunade.

"Alam ko kung ano ang pakay niyo sa akin." Sabi ni Master at tumayo

Mabuti naman at hindi na namin kailangang magpaliwanag sa kanya.

"Shizune, ikaw muna ang bahala dito." Sabi ni Master kaya tumango si Ms. Shizune.

"Kayong lima naman, sumunod kayo sa akin." Sabi niya at naglakad palabas.

Nagkatinginan naman kami bago sumunod kay Master Tsunade. Lumabas kami ng building at naglakad sa labas. Dinala niya naman kami sa isang tagong bahay at pumasok doon. At doon namin nalaman kung kaninong bahay ito.

"Dito nakatira si Kyoko ng makabalik na siya dito." Sabi ni Master Tsunade

Napatingin naman kami sa isang picture frame na nakasabit sa pader. Si Ms. Kyoko ang nasa picture at may kasamang lalaki na kaedad niya.

"Sino siya?" Tanong ko at itinuro ang lalaki sa picture.

"Siya ang kasintahan ni Kyoko" nagulat naman kami sa isinagot ni Master Tsunade.

Boyfriend ni Sensei ang lalaking ito.

"Isa rin siyang ninja sa isang bayan na napuntahan ni Kyoko at doon naging sila. Sumama sa kanya sa paglalakbay yung lalaki." Kwento ni Master.

"Nasaan na po siya ngayon?" Tanong ni Ino.

"Kamamatay niya lang nitong nakaraang taon, sa kamay din mismo ni Kaguya." Sabi ni Master.

' Kaguya...... '

Naikuyom naman namin ang kamao namin.

"Pagkatapos ay nakatanggap siya ng tip na sasalakayin ni Kaguya ang Konoha kaya agad siyang bumalik dito dahil sa dalawang rason." Sabi ni Master kaya hinintay namin ang susunod niyang sasabihin.

"Una, para mabalaan ako sa pag-atake ni Kaguya. At pangalawa, para maiganti niya ang kanyang kasintahan. Sinabihan ko na siya na huwag siyang padalos dalos pero hindi siya nakinig. Nang umatake na si Kaguya, imbes na ipaalam sa akin ay sumugod siya ng mag-isa. At iyon ang naging dahilan kung bakit siya namatay...." Kwento niya.

Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko.

"Alam kong masaya na siya ngayon...." Sabi pa ni Master Tsunade

"Masaya man siya ngayon, alam kong hindi pa rin siya panatag dahil pagala-gala pa rin si Kaguya" sabi ni Hinata.

"Hindi pa siya nabibigyan ng hustisya." Sabi naman ni TenTen.

"Hindi kami makakapayag na ganon lang ang pagkamatay niya!" Sabi ni Temari

Seryoso naman namin siyang tiningnan.

"Igaganti nami siya." Sabi naming lima.

Nagulat naman kami ng biglang ngumiti si Master Tsunade.

"Estudyante nga kayo ni Kyoko. Pero hindi pa sapat ang lakas niyo para talunin si Kaguya." Sabi niya.

"Alam naming may solusyon na kayo diyan" sabi ko kaya bumuntong hininga siya

"May ginawa akong special training para sa mga mapipili kong ninja. Pwede ko kayong ipadala doon kung gusto niyo---"

"Pumapayag kami!" Sabi namin.

"Pwede bang pataposin niyo muna ako? Hindi sa konoha gaganapin ang special training na iyon, malayo iyon dito. At isa pa, isolated iyon. Puro training lang ang gagawin niyo buong araw kaya pwede bang pag-isipan niyo muna?" Sabi ni Master Tsunade.

Natigilan naman kami sa sinabi niya at nagkatinginan.

' Kung papasok kami sa special training..... Kailangan namin silang iwanan..... '

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon