Chapter 34

0 0 0
                                    

Her POV

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at nagtitipa sa cp ko dahil ka chat ko sila Ino sa group chat namin.

* BOOM! *

Nagulat naman ako sa narinig kong malakas na pagsabog. Binitawan ko ang cp ko at lumabas ng kwarto ko dahil may narinig din akong nabasag.

"Okay ka lang, Ma?" Tanong ko kay Mama dahil nadatnan ko siyang nagpupulot ng basag na baso sa lapag.

"Oo....okay lang ako" sagot niya.

"Nakakagulat naman ang pagsabog na iyon!" Sabi ni Papa at tinulungan si Mama.

Agad naman akong nagsuot ng jacket at dumeretso sa pintuan.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama.

"Aalamin ko kung saan galing yung pagsabog" sagot ko.

"Sakura!" Rinig kong sigaw nila Mama at Papa bago ako lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ay tumingala ako at may nakita akong usok sa may bandang gubat. Nasa labas rin ang mga ibang mamamayan dahil sa gulat sa pagsabog na iyon.

Tumakbo naman ako papuntang gubat para alamin kung ano ang nangyayari doon.

"Sakura!" Napatigil namam ako sa pagtakbo.

Napatingin naman ako kila Ino, Hinata, Temari, at TenTen na papalapit sa akin.

"Pupunta ka rin ba doon?" Tanong ni Ino.

"Oo, kayo rin ba?" Tanong ko.

"Oo, gusto naming malaman kung ano ang nangyayari doon" sabi ni Hinata.

"Bigla akong kinabahan" sabi ni TenTen

"Masama ang kutob ko rito" sabi naman ni Temari.

"Tara na." Sabi ko.

Sabay sabay naman kaming tumakbo papunta sa gubat. Medyo natagalan pa kami bago makarating doon dahil medyo malayo ito. Nanlaki naman ang mata namin ng makarating kami doon. Putol na ang ilang mga puno at may crack na rin ang lupa. At sa gitna ay may nakahandusay.

Bumangon ito at nagulat kami ng makilala ito.

"SENSEI!"

Napatingin naman siya sa amin.

"Anong ginagawa niyo rito?!" Sigaw niya sa amin.

Natulala kami sa kalagayan niya dahil duguan na siya at may tama pa siya sa tagiliran. Sinubukan namin siyang puntahan pero may biglang umtake sa amin kaya napatigil kami.

"Hayop ka, Kaguya! Huwag mo silang idamay!  Ako ang kalaban mo!" Rinig kong sabi ni Sensei habang nakatingala.

Tumingala rin kami at nanlaki ang mata namin may makitang lumilipad doon. At iyon ay walang iba kundi si Kaguya. May naririnig na ako tungkol sa kanya, napakalakas niya. Bakit ito kinakalaban ni Sensei.

Tumingin siya sa aming lima at napatitig kami sa mata niya na may sharinggan. Namalayan na lang namin na hindi na kami makagalawa sa kinaroroonan namin.

' Nayari na, napasailalim kami sa ninjutsu niya! '

Nagulat naman kami ng biglang atakihin ni Sensei si Kaguya sa kabila ng kalagayan niya.

"Sensei!" Sigaw namin.

Nailagan naman ito ni Kaguya ng walang kahirap hirap. Hindi tumigil sa pag-atake si Sensei pero kahit ganon ay hindi niya pa rin natatamaan si Kaguya. Habang si Kaguya naman ay parang nababagot na.

' Minamaliit niya si Sensei. '

"Ahhhh!" Sigaw ni Sensei bago sumuntok.

Sinalo naman ito ni Kaguya at binagsak si Sensei.

"Nababagot na ako sayo, kaya tatapusin ko na ito." Sabi ni Kaguya.

"TUMIGIL KA!" sigaw ko.

Pero huli na ang lahat, naitarak na ni Kaguya ang kamay niya sa dibdib ni Sensei.

"Hindi...." Rinig kong bulong ni Hinata

' Hindi ito maaari.... '

"Akala ko pa naman, masisiyahan ako sa pakikipaglaban sayo. Katulad ka rin pala ng iba, mahihina" sabi ni Kaguya at tiningnan kami.

"Siguro hindi ko muna aatakihin ang bayan na 'to....Sa tingin ko may mangyayari pang maganda" sabi niya habang nakangisi bago maglaho na lang bigla.

Kasabay non ay ang pagkawala ng ninjutsu sa amin kaya agad kaming tumakbo papunta kay Sensei na ngayon ay nakahandusay sa lupa at duguan.

"Sensei...Gagamutin po namin kayo!" Sabi ko.

Inihanda namin ni Ino at Hinata ang kamay namin para ipasa sa kanya ang chakra namin.

"H-huwag na.....hindi niyo rin naman ako maiililigtas kahit gawin niyo iyan...." Napatigil naman kami.

"Sensei...."

Ramdam ko ang pagdaluy ng luha ko sa pisngi ko.

"Huwag na kayong umiyak..... Mamamatay ako ng masaya...."
Mas lalo naman kaming napaiyak.

"Nagpapasalamat ako......n-na kayo ang kasama ko bago ako mawala sa mundo."

"Hindi ka pa mamamatay Sensei, sigurado ako na paparting na rin sila Master Tsunade kaya konting hintay lang." Tumango naman kami sa sinabi ni TenTen.

Hindi naman sumagot si Sensei kaya hinawakan na lang namin ang magkabilang kamay niya. Pero naestatwa kami ng pumikit na si Sensei kasabay ng pagbagsak ng kamay niya.

' Hindi..... '

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon