Prolouge

1 0 0
                                    

I DON'T LIKE HIM

Prolouge:

Her POV

Hello! Ako si Haruno, Sakura🌸 17 years old at may Pink na buhok at green na mata. At syempre maganda, ang umangal may sapak sa akin!

Well, ngayon ay naghahanda ako para pumasok sa School.

"Sakura! Hindi ka pa ba tapos diyan! Malelate ka na sa School!" Rinig kong sigaw ni mama.

"Patapos na po!" sigaw ko.

Inayos ko muna ang gamit ko sa bag saka bumaba na.

"Good morning!" Masigla kong bati sa kanila.

"Good morning din anak" sabi ni papa at uminom ng kape.

"Alis na po ako" sabi ko.

Aalis na sana ako ng pigilan ako ni mama.

"Sandali lang!" Napatigil naman ako.

Lumapit si mama sa akin at inabot ang bento ko kaya napangiti ako.

"Salamat ma!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at kinuha ang bike ko. Yes, my bike ako. Ito ang ginagamit ko papunta sa school. Sumakay ako doon at mabilis na nagpedal.

Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa school kaya ipinarafa ko na ang bike ko.

"Sakura!" Napatingin naman ako sa grupo ng mga babae na papalapit sa akin.

"Kanina ka pa namin hinihintay!" Sabi ni Ino.

"Akala namin ay malelate ka eh" sabi naman ni Hinata

"Ano ba naman kayo! Okay lang kaya malate paminsan minsan!" Sabi ni TenTen.

"Ano naman ang okay don? Palibhasa lagi kang late dati!" Sabi naman ni Temari.

Natawa na lang ako sa kanila, sila ang mga kaibigan ko simula ng magka-isip ako at ipinagmamalaki ko sila.

"Pasensya na kung ngayon lang ako, tara na" sabi ko kaya naglakad na kami papasok ng gate.

Kaso napatigil kami dahil nagsihiyawan ang mga babae kaya napatingin kami sa dumating. Pero ang paningin ko ay nasa isanv lalaki.

"Ayan na naman siya... Nakatitig kay Sasuke" asar ni Ino.

Tama si Uchiha Sasuke ang tinitingnan ko.

"Bakit di mo nalang aminin na gusto mo siya?" Sabi Temari kaya nginitian ko siya.

"Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi ko naman siya gusto...."

"HUH?!"

A/N: Hello po, dati pa po akong member, sana po subaybayan niyo ang story ko💜💜

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon