Chapter 32

0 0 0
                                    

Chapter 32

His POV

"Kilala mo ba si Kyoko Mouri, Kuya?" Tanong ko kay Kuya at umupo sa tapat niya.

Kumuha naman ako ng dumplings na nasa lamesa.

' Bakit ba paborito nilang dalawa 'to? '

"Yeah..... Ka-batch namin siya sa Academy at best friend siya ni Mia." Sabi niya kaya napatango ako.

"Alam mo rin ba na naging estudyante niya sila Sakura?" Tanong ko.

"Walang nabanggit sa akin si Mia tungkol diyan kaya nagulat ako nang malaman kong kilala ni Sakura si Kyoko." Sabi niya.

Naging curious tuloy ako tungkol sa Kyoko na iyon.

........................................................
Her POV

Nandito na kami ngayon sa park at nagpapahinga. Inabot na kami ng hapon kakahanap sa bahay ni Sensei. Kasama na rin namin sila Ino, Hinata, Temari at TenTen.

"Grabe talaga ang babaeng iyon! Napakagaling talagang magtago!" Bulalas ni Ate Mia

"Salamat sa compliment." Napatingin kami sa taong kakarating lang.

' Si Sensei! '

"Kyoko!" Bulalas ni Ate Mia at niyakap si Sensei.

"Isa ka rin eh! Ang OA niyo!" Sabi niya.

Lumayo naman si Ate Mia at tiningnan ng masama si Sensei.

"Halos isang dekada ka kayang nawala! Sinong hindi magiging OA kapag bigla ka na lang bumalik na wala man lang pasabi!" Sabi ni Ate Mia pero tinawanan lang siya ni Sensei.

"Ano? Napagod kayo kakahanap sa bahay ko ano?"

"Sabihin mo na lang kasi kung saan ang bahay mo, Sensei!" Sabi ko.

"Oo nga!" Pagsang-ayon nila sa akin.

"Nah....walang thrill kung sasabihin ko sa inyo."

( ̄ヘ ̄;)

"Hay naku! Kung ayaw mong sabihin sa amin kung saan ang bahay mo. Magkwento ka na lang tungkol sa paglalakbay mo." Sabi ni Ate Mia

Nang makapasok na kami sa Academy, saka naman siya umalis para maglakbay. Pangarap niya daw kasi iyon.

"Ang dami nangyari sa akin nung naglakbay ako. Ano iyon? Ikukuwento ko lahat?" Sabay-sabay naman kaminh umirap.

"Ganito na lang, bakit mo naisipang bumalik dito, Sensei?" Sabi ni Ino.

Napaisip naman siya at ngumiti sa amin.

"Nakakamiss din naman ang Konoha ano. Dito ako nanggaling kaya sigurado akong babalik at babalik pa rin ako dito." Sabi niya.

"At saka namiss ko rin ang makukulit kong estudyante at best friend!" Sabi niya kaya napangiti kami.

"Maiba ako,may naging boyfriend ka ba, Sensei? Alam mo na.....may boyfriend na kami pero ikaw mukhang single pa rin" sabi ni TenTen.

Naghintay naman kami ng isasagot niya dahil natahimik siya.

"Tungkol diyan....." Panimula niya.

Tinitigan niya naman kami kaya na excite kami sa isasagot niya.

"Secret muna!"

(⊙_◎)

' Kahit kailan talaga.... '

"By the way. Hanga ako sa mga boyfriend niyo ah. Napagtyatyagaan kayo, lalo ka na Temari." Sabi ni Sensei

"Anong ako?" Takang tanong ni Temari

"Alam naming lahat na halos isumpa mo na ang mga lalaki. Kaya lahat ay nagulat na napasagot ka ni Shikamaru!" Sabi ni Ino kaya napatango tango kaming lahat.

Nakita naman naming namula si Temari kaya tinawanan namin siya.

"Uuwi na ako, malapit ng lumubog ang araw" sabi ni Sensei

"Huwag niyo akong susundan ah!" Sabi niya at saka umalis.

"Sandali! Nasabi mo na ba kay Master Tsunade na nakabalik ka na!" Pahabol ni Ate Mia

"Hindi pa! Huwag ka munang magsasalita at sosorpresahin ko siya!" Sigaw ni Sensei at tuluyan ng nawala sa paningin namin.

Napangiti naman kami.

' Masaya kami at nakabalik ka na...... Sensei '

........................................................
Kyoko POV

Siniguro ko munang hindi sila nakasunod sa akin bago ako tumigil sa paglalakad. Bumuntong hininga ako at sumandal sa pader.

Namiss ko talaga sila.....pero hindi iyon ang pinakadahilan kung bakit ako bumalik dito..
Kailangan kong makausap si Master Tsunade bukas....

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon