Chapter 28

0 0 0
                                    

Chapter 28

Third Person POV

( Naruto and Hinata )

Nasa lilim sila ngayon ng isang puno at pinagmamasdan ni Hinata si Naruto na nakayuko.

"Ahm....Naruto kun.... May sasabihin ka ba sa akin?" Sabi ni Hinata.

Bahagya pa siyang humanga sa sarili dahil hindi siya nautal sa harap ni Naruto. Tiningnan naman siya ni Naruto.

"Hinata.....Sa tingin mo ba, nababagay ako sa kahit na sinong babae?"

(●__●)---- Hinata.

"A-ano....sa tingin ko naman babagay ka sa kahit na sino Naruto....Mabait, matapang at pursigidong lalaki ka. Magugustuhan ka ng lahat...." Sabi ni Hinata at ngumiti.

Pero hindi naalis sa isipan ni Hinata na baka may nagugustuhan na si Naruto kaya siya biglang nagtanong ng ganon. Bigla tuloy siyang nalungkot.

"Talaga? Pero sa tingin ko ay mas nababagay ako sayo, Hinata." Nagulat naman si Hinata sa sinabi ni Naruto.

"H-ha?"

"Gusto kita Hinata, matagal na. Pwede ba kitang ligawan?"

(・_・;)

Namumula ng sobra ang mukha ni Hinata dahilan para mag-alala si Naruto.

"Okay ka lang Hinata?" Agad namang tumango si Hinata.

"Pasensya na.... mukhang nabigla kita. Sabihin mo na lang ang sagot mo kapag handa ka na..."

Agad naman hinawakan ni Hinata ang kamay ni Naruto ng akmang aalis ito.

"P-pumapayag ako...."

........................................................
( Sai and Ino )

Nasa garden sila ngayon dahil dito hinatak ni Sai si Ino. Pinagmamasdan naman ni Ino ang mga bulaklak at inaamoy ito

"Ang ganda ng mga bulaklak ano?" Sabi ni Sai.

"Oo nga..." Sabi naman ni Ino.

"Kasing ganda mo sila..." Agad namang napatingin si Ino kay Sai dahil sa sinabi niya.

"Ayos ka ring mambola ah!" Sabi ni Ino pero sa loob loob niya ay sobra ang kilig niya.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo....at saka alam mo ba?"

"Ang alin?" Takang tanong ni Ino.

"Na gusto kita..." Nanlaki naman ang mata ni Ino sa narinig.

"Iyan ba ang gusto mong sabihin sa akin?" Tanong ni Ino.

"Yup! So pwede bang manligaw?" Ilang beses namang napakurap si Ino.

"Seryoso ka?" Paniniguro ni Ino.

Agad namang tumango si Sai at ngumiti. Nagdiwang naman ang kaloob-looban ni Ino dahil may gusto sa kanya ang ultimate crush niya simula ng bata pa siya.

"Sige..... payag ako..."

........................................................
( Neji and TenTen )

Seryosong tinitingnan ni TenTen ngayon si Neji. Nasa library sila ngayon at nakatayo sila malapit sa bintana at hindi gaano dinadaanan ng mga estudyante.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ni TenTen.

"May tanong lang ako sayo..." Sabi niya.

"Spill." Sabi ni TenTen.

"Napapagod ka na ba.....sa paghihintay sa akin?" Kumunot ang noo ni TenTen.

Bumuntong hininga naman siya.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na never akong mapapagod sa paghihintay? Mahal kita eh... Kaya kitang hintayin kahit gaano pa iyan katagal...." Sabi ni TenTen

"Mahal din kita...." Sabi ni Neji kaya napangiti si TenTen.

"Pero ayaw na kitang paghintayin pa...." Nagulat naman si TenTen.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo na kailangang maghintay...."

Pinigilan naman ni TenTen ang paglabas ng mga luha niya.

"Sinasabi mo bang itigil ko na ang pagmamahal ko sayo?" Nagulat naman si Neji.

"Ha? Ano ka ba! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Kumunot naman ang noo ni TenTen.

"Eh ano pala?!" Nginitian naman siya ni Neji.

"Gusto kong maging official na tayo kaya sisimulan na kitang ligawan."

Ilang beses naman napakurap si TenTen.

"Liligawan mo ako?" Pag-uulit niya.

"Yes....so pwede ba?" Tanong ni Neji.

Agad namang sinunggaban ng yakap ni TenTen si Neji

"Tinatanong pa ba iyan! Syempre payag ako!"

........................................................
( Shikamaru at Temari )

"Hoy! Ano bang sasabihin mo?! Pakibilisan at nagugutom na ako!" Sigaw ni Temari kay Shikamaru.

Nasa likod naman sila ng building. Magsisindi sana ng sigarilyo si Shikamaru ng sipain ni Temari ang kamay niya kaya nabitawan ni Shikamaru ang sigarilyo.

"Huwag ka ngang manigarilyo sa harap ko! At saka wala ka pa sa legal age para gawin iyan!" Sigaw sa kanya ni Temari.

"Oo na!" Sabi naman ni Shikamaru.

"So ano nga ang sasabihin mo sa akin?" Tanong ulit ni Temari.

Napakamot si Shikamaru sa batok niya at huminga ng malalim.

"Pwede bang.... manligaw?"

(●__●)

"Manligaw? Bakit mo naman ako liligawan?" Tanong niya.

Pero sa loob loob niya ay sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

"Malamang dahil gusto kita. Common sense naman..."

"Gusto mo ba talaga ako?"

"Kailan ba ako nagbiro?"

"Strict ang parents ko"

"Pwede naman silang kausapin"

"Strict din ang mga kapatid ko"

"Edi makikipagkasundo."

"Mahirap akong ligawan."

"Alam ko, hindi mo na kailangang sabihin iyan. Wala akong pakialam kung mahirapan ako."

Tinaasan naman siya ng kilay ni Temari. Ilang segundo naman silang nagtitigan hanggang sa nag-iwas ng tingin si Temari dahil ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya.

"Sige, pumapayag ako. Huwag kang magrereklamo kapag nahirapan ka ah!" Napangiti naman si Shikamaru.

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon