Chapter 2

0 0 0
                                    

Chapter 2

Her POV

Nakapangalumbaba lang ako habang nakikinig sa teacher namin. Ang boring ng lecture niya, walang pumapasok sa utak ko kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa bintana para tanawin ang mga puno.

Ang gaganda at ang tataas ng mga puno, nakaka relax kapag pinagmamasdan mo sila.

"Ms Haruno!" Napatingin naman ako sa teacher namin.

"Yes ma'am?" Tanong ko at ngumiti.

Pero sa kaloob- looban ko ay nainis ako sa kanya dahil inistorbo niya ang pagmumuni-muni ko.

"Are with us?" Tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

"Of course ma'am, hindi naman ako umalis dito sa room sl kasama niyo ako." Sabi ko kaya nagsitawanan ang mga kaklase ko.

Habang si ma'am naman ay tinitingnan ako ng masama.

' Ano bang ginawa ko? Sinagot ko lang naman ang tanong niya... '

Nagpatuloy na lang siya sa paglelecture kaya itinuloy ko na rin ang pagmumuni-muni ko. May isang puno ang nakatawag ng atensyon ko. Malaki siyang puno at mukhang matanda na. Naisip ko ang imahe namin ni Sasuke na sabay kumakain sa lilim ng punong iyon at nagtatawanan.

' Hay... Sana nga mangyari iyon.. '

"Haruno Sakura!" Agad naman akong napatayo at tiningnan si ma'am.

"Yes ma'am?" Sabi ko.

"Are you really with us?" Tanong niya ulit.

Sa totoo lang gusto ko na siyang irapan! Nakakadalawa na eh!

"Yes i am".sabi ko at ngumisi naman siya.

"Fine then" sabi niya kaya umupo na uli ako.

"Now, for your assignment. Do an essay about our topic for today. 300 words will do" napamaang naman sila.

' Sus! 300 words lang eh! '

"And for you Ms. Haruno. You will do an essay with 800 words!" Ako naman ang napamaang.

' Sinusubukan 'ata ako ng teacher na 'to ah! '

"Sure ma'am" sabi ko at ngumiti ng malapad sa kanya.

Ngumiti rin siya sa akin pero agad din itong nawala.

"Okay, class dismiss!" Sabi niya at lumabas na ng room.

Lumapit naman sa akin yung apat.

"800 words?! Kaya mo ba iyon Sakura?!" Tanong ni Ino.

"Oo naman, mag-pupuyat nga lang ako mamayang gabi para gawin iyon" sabi ko.

"Ikaw kasi! Bakit ka kasi nakatulala kanina?" Tanong ni. Temari.

Naala ko tuloy ang naimagine ko kanina... Paano kaya kung mangyari talaga iyon?

"Ay, hala siya! Ngumingiti ng mag-isa!" Nabalik naman ako sa realidad dahil sa sinabi ni TenTen.

"Sakura, gusto mo tulungan kita sa essay mo?" Tanong ni Hinata kaya agad akong umiling.

"Huwag na. Gagawa ka rin naman ng essay di ba? Mas mahirap nga lang sa akin" sabi ko saka tumawa.

Nakitawa naman sila sa akin. Walang problema iyang essay na iyan! Pipigain ko na lang ang utak ko mamayang gabi😏

"Tara na nga sa cafeteria! Nagugutom na ako!" Bulalas ni Ino.

Ay hala!

"Baka nandoon na sila Sasuke!" Sabi ko at nauna ng lumabas.

Naramdaman ko namang sumunod silang apat sa akin.

"Para namang hinihintay ka ni Sasuke kung makapagmadali ka!" Sabi ni Temari pero hindi ko na lang siya pinansin

Malapit na sana kami sa Cafeteria nang may bigla akong natanaw na itim na usok na medyo kalayuan dito sa campus.

"Hinata, kaya mo bang tingnan kung ano ang nangyayari sa lugar na iyon" sabi ko at itinuro ang lugar kung saan nanggagaling ang itim na usok.

"Susubukan ko" sabi niya at ginamit na ang byakugan.

Naghintay naman kami sa sasabihin niya hanggang sa bigla siyang napatakip sa bibig niya.

"M-may nasusunog na bahay at hindi pa dumadating ang mga bombero. At ang masama pa.... May tatlong bata na nasa loob pa!" Nanlaki ang mata namin.

Hindi na kami nagsalita pa at tumakbo na papunta sa lugar na iyon.

"Kailangan natin silang iligtas, ihanda niyo ang mga sarili niyo!" Sabi ko at nagsitanguan naman sila.

........................................................
His POV

"Sasuke! Kain tayo sa Cafeteria!" Sigaw ni Naruto at lumapit sa akin.

' Tsk! Malamang nandoon na ang babaeng iyon para kulitin ako! '

"Iniisip mo si Sakura ano?" Sabi ni Sai kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Masanay ka na lang sa kanya Sasuke." Sabi naman ni Shikamaru.

Tumingin naman kami kay Neji na busy sa cp niya at mukhang nag-aalala.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Hindi sumasagot si TenTen sa tawag ko..."

"Baka naman may ginagawa lang" sabi ni Shikamaru.

"Tama na nga iyan! Punta na lang tayo sa Cafeteria!" Sabi ni Naruto at nauna ng lumabas ng room

Napailing naman kami at sinundan siya. Nakarating na kami sa Cafeteria at nagtaka kami na wala dito ang grupo nila Sakura. Lumapit naman di Neji sa isang babae na mukhang kinikilig.

"Miss, napansin mo ba sila TenTen?" Tanong niya.

Habang kami naman ay naghihintay ng isasagot ng babae.

"Ah, sila Sakura ba? Nagpunta sila sa bahay na nasusunog." Kumunot ang noo namin.

"Sunog?"

"Oo, may nasusunog kasing bahay malapit rito. Nakita kong tumatakbo sila papunta doon"

Nagkatinginan naman kaming lima at tinanaw ang itim na usok na medyo malayo sa campus.

"Huwag mong sabihing...."

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon