Chapter 17

0 0 0
                                    

Chapter 17

Her POV

"Woi! Sasuke kun! Babalik na kaagad tayo sa hospital?" Tanong ko kay Sasuke.

Wala na kami sa bahay nila dahil babalik na kami sa hospital. Tumawag na daw kasi yung nurse na in charge sa akin.

"Oo, Huwag ka ng umangal diyan!" Napasimangot naman ako.

Kainis naman eh! Gusto ko pang makipagchikahan kay Ate Mia eh! Haysssss!

Tinahak namin ang daan papuntang hospital. Sinasadya kong bagalan ang paglalakad para hindi kami agad makarating. Para naman mapatagal ang paglalakad ko kasama si Sasuke.😏

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa hospital kaya napabagsak ang balikat ko. Sinalubong naman kami ng nurse na in charge sa akin.

"Mabuti naman at nandito ka na Sakura. Pumunta ka na agad sa kwarto mo!" Sabi sa akin ng nurse.

"Okay..." Sabi ko.

Pupunta na sana kami sa kwarto ko ng magsalita ulit yung nurse.

"At saka, may bisita kang naghihintay doon sa loob ng kwarto mo." Kumunot ang noo ko.

"Sino naman?" Tanong ni Sasuke

"Hindi ko na natanong eh." Sabi ng nurse bago siya umalis.

Nagkatinginan naman kami ni Sasuke. Sino naman kaya ang bisita ko? Pinuntahan na lang namin ang kwarto ko at nadatnan namin doon ang isang lalaki na nakatingin sa bintana..

"Excuse me..." Pagtawag ko sa kanya kaya humarap siya sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya..

"MIYUKI?!" Bulalas ko at ngumiti naman siya sa akin.

"Natutuwa akong gising ka na, Sakura..." Sabi niya at nilapitan ako.

Tama ba ang dinig ko? Tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Anong tawag mo sa akin?" Tanong ko kaya kumunot ang noo ko.

"Ahm.....Sakura?" Agad ko naman siyang binatukan.

"Para saan naman iyon?!" Tanong niya habang hawak hawak ang ulo niya.

"Aba't nagtanong ka pa talaga ha! Ate Sakura ang itawag mo sa akin dahil mas matanda ako sayo!" Sigaw ko sa kanya.

Napatingin naman ako kay Sasuke na tiningnan ang nga paper bag na nasa lapag.

"Ano naman ang mga, toh?" Tanong ni Sasuke sa kanya.

"Mga damit iyan para kay Sakura---este kay Ate Sakura. Si Minami at Mayumi mismo ang pumili niyan." Sabi niya kaya lumapit ako kay Sasuke at tiningnan din ang laman ng paper bag.

Magaganda ang mga damit at mukhang mamahalin pa.

"Hindi niyo naman kailangang bigyan ako nito noh!" Sabi ko.

Napatingin naman ako sa bulaklak na nakapatong sa lamesa.

"Sayo rin galing iyon?" Tanong ko at itinuro ang bulaklak.

Tumango naman siya

"Pati to?" Napatingin naman kami kay Sasuke.

May hawak hawak siyang kunai at mukhang bago lang.

"Yup, binili ko iyan sa isang shop. Regalo ko rin sayo iyan." Sabi sa akin ni Miyuki at ngumiti.

Ilang beses naman akong napakurap, para kasing may kakaiba sa ngiti niya. Tumingin naman ako sa relos ko para tingnan ang oras.

"Naku! Tapos na pala ang visiting hours, kailangan niyo ng umalis." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Okay" sabi ni Sasuke.

"Huh? Pero kakarating ko lang" sabi naman ni Miyuki.

"Wala kang magagawa Miyuki, kailangan mo ng umalis." Sabi ko at tinulak siya palabas.

Nasa labas na rin si Sasuke.

"Salamat sa regalo, Miyuki. Ingat kayo sa daan ah ! Lalo ka na Sasuke! Sayonara " sabi ko at nginitian si Sasuke bago ko sinara ang pinto.

........................................................
His POV

Nang maisara na ni Sakura ang pinto ay nagsimula na akong maglakad. Sumunod naman sa akin si Miyuki.

"Teka lang naman, bakit ikaw lang ang nginitian niya?" Tanong niya .

"Malay ko" sabi ko ng hindi man lang siya tinitingnan.

"May gusto ka ba sa kanya?" Tanong niya at pinigilan ako sa paglalakad.

Walang emosyon ko naman siyang tiningnan.

"Wala ka na 'don!" Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Kung wala kang gusto sa kanya, pwes ako! Gusto ko siya!" Napatigil naman ako sa sinabi niya.

Naikuyom ko ang kamao ko at hinarap siya.

"Gusto ka ba ni Sakura?" Tanong niya.

"Hindi ko alam....." Sagot ko.

Tama, hindi ko alam kung gusto ba ako ni Sakura. Oo, lagi siyang dumidikit at kinukulit ako para mapansin ko siya. Pero never niya pang sinabi na gusto niya ako.....

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon