Chapter 27

0 0 0
                                    

Chapter 27

Her POV

Tumingin naman ang limang lalaki kila Karin

"Hoy ikaw! Bakit mo sila binuhusan ng tubig?!" Sigaw sa kanya ni Sasuke.

"Sasuke naman! Can't you see?! Basang-basa rin kami dahil binuhusan kami ni bruhang Hinata!" Sabi niya.

"Itikom mo iyang bunganga mo Karin!" Sigaw ni Naruto kaya nagulat si Karin.

"Sila pa talaga ang kakampihan mo ha?! Pinsan mo ako!"

"Hindi porke't pinsan kita ay kakampihan kita! Kilala ko si Hinata, hindi niya kayo bubuhusan ng tubig kung wala kayong ginawa!" Sabi ni Naruto.

' Nice one Naruto! Dagdag points iyan kay Hinata! '

"Buwisit!" Sigaw ni Karin bago nagwalk out kasama ang mga alipores niya.

Bumuntong hininga naman ako.

"Hintayin niyo na lang kami sa rooftop, magbibihis lang kami." Sabi ko kay Sasuke at tinapik ang balikat niya.

"Okay." Sabi niya.

Sinenyasan ko naman yung apat na sumunod sa akin para magbihis. Nakakainis talaga ang Karin na iyon! Buti na lang at may extra kaming damit sa locker namin.

........................................................
His POV

Nandito kami ngayon sa rooftop at hinihintay sila Sakura. Buti na lang at naisipan naming tingnan sila kanina kung hindi baka hindi pa namin nalaman ang ginawa sa kanila ni Karin.

"Grabe talaga iyang pinsan mo Naruto!" Sabi ni Sai.

"Haysss! Gusto ko na siyang gantihan kanina eh!" Sabi naman ni Neji

"Iyon din ang naramdaman ko kanina. Grabe ang galit ni Temari kanina." Sabi ni Shikamaru.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng pinsan ko. Gusto ko siyang disiplinahin kaso hindi dapat ako ang gumawa non! Isusumbong ko siya kay Uncle!" Sabi naman ni Naruto.

Pinagmasdan ko naman silang apat na may inis mukha.

"Sabihin niyo nga, may gusto ba kayo sa kanila?" Nagulat naman sila sa tanong ko.

"Oo gusto ko si TenTen pero hindi ko siya nililigawan dahil focus ako sa pag-aaral bilang ninja." Sabi ni Neji.

"Aaminin ko, maganda si Ino... Hindi siya katulad ng ibang babae." Sabi naman ni Sai

"Mahinhin si Hinata at napaka bait. Masyado siyang perpekto kaya hindi siya nababagay sa akin" Sabi naman ni Naruto.

"Lagi kaming nag-aaway ni Temari pero tinutulungan niya ako kapag kailangan ko. Lagi niya pa akong binabatukan kapag may mali akong nagawa." Sabi naman ni Shikamaru

Napangiti namam ako sa mga sinabi nila.

"Gusto niyo nga sila..." Sabi ko at nagsi-iwas naman sila ng tingin.

Huminga ako ng malalim at tiningnan si Neji.

"Neji...hanggang kailan mo paghihintayin si TenTen? Baka di mo namamalayan, pagod na pala siya sa paghihintay at makuha siya ng iba." Nagulat naman si Neji sa sinabi ko

Tumingin naman ako kay Sai.

"Sai.... Ikaw na rin ang nagsabi na maganda si Ino kaya hindi imposible na may magkagusto at manligaw sa kanyang iba. Gusto mo ba iyon?" Kumuyom naman ang kamao niya.

Tumingin ako kay Naruto.

"Naruto....Anong sabi mo? Masyadong perpekto si Hinata? Ako na ang nagsasabi sayo na mas bagay sayo si Hinata kaysa sa ibang lalaki." Napangiti naman si Naruto.

Tumingin naman ako kay Shikamaru.

"At ikaw naman Shikamaru.... Matalino ka pagdating sa pagpaplano. Bakit di muna pagplanuhan kung paano liligawan ang amazona mo na si Temari" tinawanan niya naman ako.

Tiningnan ko silang lahat na parang may kanya kanyang iniisip.

"Neji.....Pwede ko bang ligawan ang kapatid mo?" Tanong ni Naruto kaya napangiti ako.

' Finally! '

"Sige!" Pagpayag ni Neji.

Ilang saglit pa ay may narinig na kaming mga yapak. Napatingin kami sa pinto ng rooftop ng iluwa nito ang limang babae na nagtatawanan. Agad na nilapitan ni Naruto si Hinata.

"Hinata! Sama ka muna sa akin saglit!" Nagulat namam si Hinata sa kanya at tumango kaya umalis na sila.

"Ino, sama ka rin sa akin. May sasabihin ako sayo." Sabi ni Sai at hinatak si Ino paalis.

"TenTen, tara may pag-uusapan tayo." Sabi ni Neji at hinata rin si TenTen.

"Saglit lang nga! Huwag mong sabihing aayain mo rin ako!" Sigaw ni Temari kay Shikamaru bago pa ito makapagsalita.

Ngumisi naman si Shikamaru

"Buti alam mo, tara na!" Sabi niya at umalis na sila.

Taka naman akong tiningnan ni Sakura at lumapit sa akin

"Parang na deja vu ata ako doon ah! Kaso baligtad naman. Anong nangyari kila Naruto?" Tanong niya.

"Wala...." Sabi ko at nginitian siya.

"Eh ako? Hindi mo ba ako aayain?" Tanong niya kaya natawa ako.

Niyakap ko naman siya.

"Dito na lang tayo, hayaan na natin sila." Sabi ko at hinalikan ang pisngi niya kaya nagulat siya.

Namula naman ang magkabilang pisngi niya kaya natawa ako.

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon