Chapter 9

0 0 0
                                    

Chapter 9

His POV

Naglalakad kami ngayon pauwi. Yung apat na babae ay nagpaiwan sa hospital para bantayan si Sakura kasama ng mga magulang nito.

"Grabe ang nangyari ngayong araw!" Bulalas ni Naruto.

"Oo nga, salamat na lang talaga at hindi natuluyan si Sakura" sabi naman ni Sai

"Kapag nangyari iyon, hindi niyo alam ang pwedeng gawin nila TenTen sa grupong iyon" sabi ni Neji.

Bumuntong hininga naman ako sa usapan nila.

"Nareport mo na ba sa hokage ang lahat ng nangyari?" Tanong ko kay Shikamaru

"Oo naman. Sino pa ba ang ibang gagawa 'non kundi ako lang" sabi niya.

"Talaga ba? Sa pagkakaalam ko tinulungan ka ni Temari kanina" tukso nila kay Shikamaru.

"Manahimik nga kayo!" Sigaw niya sa tatlo.

"Dito na ang daan ko" sabi ko kaya napatingin sila sa akin.

"Sige, kita na lang tayo bukas." Sabi ni Naruto kaya tumango lang ako.

Tinahak ko na ang daan papunta sa bahay namin. Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa bahay.

"Nandito na ako..." Sabi ko nang makapasok na ako sa loob.

Hinanap ko naman sa paligid si Kuya. Pumunta ako sa silid kainan at nadatnan ko naman siya doon na kumakain ng dumplings. Nang maramdaman na niya ang presensiya ko ay tumingin naman siya sa akin.

"Nandyan ka na pala Sasuke" sabi niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos ay pumunta ulit ako sa kanya at sinaluhan siya sa pagkain ng dumplings.

"Kumusta si Sakura?" Tanong niya kaya medyo nagulat ako.

"Alam mo?" Tanong ko at tumango naman siya.

"In charge kami sa grupong iyon, isa rin ako sa humuli sa kanila" sabi niya kaya napatango ako.

"So kumusta si Sakura? Nabalitaan kong tinurukan siya ng lason na napakalakas" tanong niya ulit kaya bumuntong hininga ako.

"Okay na siya..." Sagot ko at sumubo ng dumplings.

"Buti naman.... Sabagay....malakas siya at hindi siya mamamatay ng ganong kadali." Sabi niya kaya tumango na lang ako.

"Hello!" Napatingin naman kami sa babaeng kakarating lang.

"Mia..." Sabi ni Itachi .

Siya si Ate Mia, girlfriend ni Kuya at matagal na rin sila.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo Sasuke kaya pumunta agad ako dito." Sabi niya saka umupo sa tabi ni Itachi.

"Ayos na ba si Sakura?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

"Mabuti naman, kinakabahan talaga ako kanina habang nakikinig sa kwento ng kasamahan ko!" Bulalas niya at sumubo ng dumplings.

"Nakaconfine ba siya ngayon sa hospital? Gaano siya katagal doon?" Tanong ni Kuya.

"Mananatili siya doon ng isang linggo" sagot ko

Naisip ko tuloy yung hitsura niya kanina na duguan... Hindi ko talaga sila mapapatawad! Kung pwede lang ay sana ay pinatay ko na sila kanina...

"Tao po!" Nagkatinginan naman kami ng marinig namin iyon mula sa labas.

Tatayo na sana si Kuya para tingnan ito ng pigilan siya ni Ate Mia.

"Ako na" sabi niya at siya na ang tumayo.

Napaisip naman ako kung sino iyon... Makalipas ang ilang segundo ay bumalik na si Ate Mia.

"Sasuke, may bisita ka" sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Bigla namang sumulpot ang isang lalaki sa likuran niya at tiningnan ako.

"Miyuki?" Sambit ko

"Maupo ka" sabi ni Itachi kaya umupo nga siya sa tapat ko.

Umupo na rin ulit si Ate Mia sa tabi ni Itachi.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Well, hindi naman ikaw ang sadya ko. Ang sadya ko ay yung grupo ng limang babae." Sabi niya.

Ang tinutukoy niya ay ang grupo nila Sakura.

"Anong kailangan mo sa  kanila?" Sabi ko.

"Napag-isip-isip ko na hindi pa pala namin sila napapasalamatan ng maayos kaya pumunta ako sa school niyo kaso wala raw sila doon. Kaya dumeretso na ako sayo dahil madali lang namang hanapin ang bahay niyo." Sabi niya.

"Hindi mo pa ba nababalitaan?" Tanong ko kaya kumunot ang noo niya.

"Ang alin ba?"

Naikuyom ko ng palihim ang kamao ko, mukhang wala pa siyang alam sa nangyari kay Sakura....

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon