Chapter 43

0 0 0
                                    

Chapter 43

Her POV

"Sasuke kun! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Sasuke na hinahatak ako ngayon.

"Sa bahay"  sagot niya.

(●__●)

Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya.

"Sasuke naman! Kailangan ko pang puntahan sila Mama at Papa. Nangako ako sa kanila na sabay kaming maglu-lunch ngayon! Saka na lang ako pupunta sa bahay niyo." Sabi ko at tinalikuran siya.

Kaso hinablot niya ulit ang kamay ko at hinatak ako.

"Ipinaalam na kita  kila Tita at naintindihan naman nila ako kaya huwag ka ng mag-alala diyan." Sabi niya.

Bumuntong hininga naman ako at sinabayan na siyang maglakad ng maayos.

"Alam na ba nila Kuya Itachi at Ate Mia na nakabalik ba kami?" Tanong ko.

"Hindi pa, sinabi ko kay Itasuke na huwag munang magsalita tungkol don para masorpresa sila." Sabi niya kaya napangiti ako.

Napatingin naman ako sa cp ko ng tumunog ito. Nag-message yung apat sa GC namin na okay na sila ng mga boyfriend nila. Nag-message na din ako na ' Ganon din kami ni Sasuke '

"Ayos na rin sila Ino. Hindi ko akalain na hihintayin niyo talaga kami." Sabi ko.

Naramdaman ko naman ang paghigpit niya sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Ngumiti ako at tinanggal ang kamay ko sa kamay niya at saka ako kumapit sa braso niya.

"Namiss talaga kita..... Pasalamat ka at hindi rin kita pinagpalit sa ibang lalaki." Pagbibiro ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa paglalakad at biglang dumilim ang aura niya.

* LUNOK *

"Bakit? Sinubukan mo bang ipagpalit ako sa ibang lalaki?" Tanong niya sa akin ng napakaseryoso

Hindi naman ako nakasagot dahil sa kaba.

"Sino ang lalaking gusto mo sanang ipalit sa akin at papatayin ko siya..."

(●__●)

' Hala.... Nagbibiro lang naman ako eh.... '

"Sasuke naman eh.... nagbibiro lang naman ako...." Sabi ko kaya tinitigan niya ako para makasiguro na nagsasabi ako ng totoo.

Pilit ko naman siya inilayo sa akin at ngumiti sa kanya.

"Sa tingin mo talaga kaya kitang ipagpalit sa iba? Ni sa panaginip nga hindi ko kayang gawin iyon. Bata pa lang kaya ako ikaw ng laman nitong puso ko. Swerte mo kaya!" Sabi ko sa kanya.

Mukhang kumalma naman siya sa sinabi ko at ngumiti na rin. Hinawakan ko naman ang kamay niya, namiss ko talaga ang lambot at init ng kamay niya....

"Tara na!" Sabi ko

Naglakad naman ulit kami papuntang bahay nila ng magkahawak kamay.

"Nandito na ako...." Sabi ni Sasuke ng makapasok na kami.

Una namang sumalubong sa amin si Kyo at nanlaki pa ang mata niya ng makita ako.

"Tita---"

"Shhh!" Pigil ko sa kanya kaya itinikom niya ang bibig niya.

"Nasaan ang Mama at Papa mo?" Bulong ko sa kanya.

"Nasa hapagkainan po sila at naghahanda ng pagkain..." Bulong na sagot niya sa akin.

Tumango ako at dahan-dahang naglakad papuntang hapagkainan. Nadatnan ko naman sila na gulat na gulat ng makita ako.

"Nandito na ako!" bulalas ko.

"SAKURA!" Bulalas ni Ate Mia at sinunggaban ako ng yakap.

"Masaya ako na nakabalik ka na!" Sabi niya at naramdaman ko na nabasa ang balikat ko.

"Maligayang pagbabalik, Sakura" sabi ni Kuya Itachi kaya ngumiti ako.

"Kain na po tayo! Gutom na ako!" Napatingin naman kami kay Itasuke sa sinabi niya.

"Oh sige na, kakain na tayo..." Sabi ni Ate Mia at binuhat si Itasuke

At sabay-sabay kaming kumain ng masaya. Namiss ko rin ang pamilyang 'to...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon