Chapter 42

0 0 0
                                    

Third Person POV

( Naruto and Hinata )

"Hinata, ayaw mo ba ng Ramen?" Tanong ni Naruto kay Hinata.

Nasa Ichiraku Restaurant sila at sila lang dalawa ang customer. At iyon ang dahilan kung bakit naiilang si Hinata at hindi makakain ng maayos.

"H-hindi naman sa ganon.... Ano kasi...." Sabi ni Hinata at yumuko

"Kasi?" Tanong ni Naruto.

"B-bakit mo ako dinala dito?" Tanong ni Hinata.

"Bawal ka na bang ayaing mag-date?" Nanlaki naman ang mata ni Hinata at namula.

"D-date?!"

"Yup! Bawal na ba?" Tanong ni Naruto pero yumuko lang si Hinata.

"Naruto.... Hindi na ako ang girlfriend mo para ayain mong mag-date." Sabi ni Hinata at nginitian si Naruto.

Huminga naman ng malalim si Hinata at hinawakan ang chopsticks.

"Ako na ang magbabayad ng akin. Itirakimasu!"

Kakain na sana si Hinata ng bigla siyang pinigilan ni Naruto at pinaharap sa kanya.

"Sinong may sabing hindi na kita girlfriend?" Seryosong tanong ni Naruto.

Nanahimik naman si Hinata at tinitigan lang si Naruto

"Sa tingin mo ba....hindi ko kayang maghintay?" Tanong ni Naruto at hinawakan ang kamay ni Hinata.

"Ang tagal kong naghintay..." Dugtong pa niya at hinalikan ang kamay ni Hinata.

Pinigilan namang maiyak ni Hinata.

"Ayaw mo na ba akong maging boyfriend?" Agad namang umiling si Hinata at kusa ng lumabas ang mga luha sa mata niya.

Niyakap naman siya ng mahigpit ni Naruto at pinatahan.

"Patawad.....patawad dahil kailangan kitang iwan." Sabi ni Hinata.

"Okay lang, naiintindihan ko. Ang mahalaga ay magkasaman na tayo ulit."

Ngumiti naman si Hinata at tumango habang magkayakap pa rin sila

........................................................
( Sai and Ino )

Pinagmamasdan ngayon ni Sai si Ino na inaamoy ang mga bulaklak. Nasa Konoha Garden sila ( imbento ko lang iyan ah, ) dahil dito naisipang dalhin ni Sai si Ino.

Pumitas ng bulaklak si Sai at binigay ito kay Ino.

"Salamat, pero dapat kung magbibigay ka ng bulaklak, doon na sa girlfriend mo..." Sabi ni Ino at ngumiti.

"Bakit? Hindi ba kita girlfriend?" Napatigil naman si Ino.

"Sa pagkakaalala ko kasi, sinagot mo ako nung nasa Academy pa tayo." Sabi ni Sai.

"Sai!"

"Bakit? May mali ba sa sinabi ko? At isa pa, wala akong naaalalang nakipaghiwalay ako sayo." Sabi ni Sai at ngumiti.

Napanganga na lang si Ino dahil sa sinabi ni Sai. Hindi ang inaasahan niya.

"Hinitay mo ako?" Tanong ni Ino.

Nakangiti namang tumango si Sai at niyakap si Ino ng mahigpit.

"Namiss kita.... Salamat at bumalik ka na..." Sabi ni Sai.

"I'm sorry....Namiss din kita ng sobra. "

........................................................
( Neji and TenTen )

Sila Neji at TenTen naman ay nasa lilim ng isang puno. Wala silang imik pareho.

"Kumusta ang training niyo?" Pagbubukas ng usapan ni Neji.

"Mahirap pero kinaya para kay Sensei." Sagot ni TenTen.

Nanahimik naman sila ulit. Huminga naman ng malalim si TenTen at sumandal sa may puno.

"Ako pa rin ba?" Tanong ni TenTen pero hindi pa rin tinitingnan si Neji.

Ilang segundo na ang nakalipas at hindi pa rin sumasagot si Neji. Para kay TenTen ay alam na niya ang sagot sa likod ng katahimikan na iyon.

"Oo ikaw pa rin...." Nagulat naman si TenTen sa sinabi ni Neji

"Sa tingin mo ba, mapapalitan kita ng ganong kadali? Kung kaya mong maghintay sa akin nung nasa Academy pa tayo. Kaya ko ring maghintay TenTen." Sabi niya.

Yumuko naman si TenTen at hinayaan ang mga luha na kumawala sa mata niya. Naramdaman na lang niya na may yumakap sa kanya ng mahigpit.

"Maligayang pagbabalik, namiss kita...."

Mas lalo namang naiyak si TenTen at niyakap pabalik si Neji.

........................................................
( Shikamaru and Temari )

Tinititigan ngayon ni Temari si Shikamaru. Nasa likod sila ngayon ng Hokage Building. Medyo naiinis na nga si Temari dahil naninigarilyo si Shikamaru sa mismong harapan niya. Hanggang sa hindi na siya nakapagpigil at sinipa na ang kamay ni Shikamaru, dahilan para mabitawan ang sigarilyo niya.

"Alam kong nasa legal age ka na pero huwag ka namang manigarilyo sa mismong harapan ko!" Sigaw ni Temari pero nakatingin lang sa kanya si Shikamaru.

"Alam ko rin na wala na akong karapatang makialam sa ginagawa mo pero......Haist! Kung wala kang sasabihin, aalis na ako." Sabi ni Temari at tumalikod na.

"Sandali lang." Napatigil naman si Temari pero hindi siya humarap kay Shikamaru.

"Wala ka pa rin talagang pinagbago. Ikaw pa rin ang Temari na kilala ko." Sabi ni Shikamaru.

Humarap naman siya kay Shikamaru.

"May pinagbago naman ang lakas ko ngayon dahil sa training. Pero bukod don, wala ng nagbago sa akin, hindi ko feel magbago." Sabi ni Temari kaya napatango si Shikamaru.

" Eh ang nararamdaman mo para sa akin? Nagbago ba?" Bahagya pang nagulat si Temari pero agad ding nakabawi

"Gaya nga ng sinabi ko, wala ng nagbago sa akin maliban sa naging mas malakas na ako ngayon. Maski ang nararamdaman ko sayo.... Hindi iyon nagbago." Sabi ni Temari.

Napangiti naman si Shikamaru sa sinagot ni Temari.

"Mabuti naman....Ako din, mahal pa rin kita hanggang ngayon." Sabi ni Shikamaru kaya nanlaki ang mata ni Temari.

"Huwag mo akong mamaliitin. Kaya kong maghintay basta't alam kong babalik ka. At ngayon...masaya ako na nakabalik ka na."

Hindi na napigilan ni Temari ang sarili noya at niyakap na ng mahigpit si Shikamaru. Natawa pa si Shikamaru at niyakap na lang din pabalik si Temari.

"Salamat sa paghihintay...."

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon