Chapter 30

0 0 0
                                    

Chapter 30

Itachi's POV

Pinagmasdan ko naman si Sasuke na nagmadaling lumabas ng bahay. Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Mia at tiningnan ng masama si Deidara. Mukhang narinig niya ang sinabi ng dalawa kanina.

"Bakit ba galit na galit iyong kapatid mo?" Sabi sa akin ni Deidara

"Pakiulit nga ang description mo sa babaeng nabangga mo." Sabi ni Mia kay Deidara

"Maganda siya pero masungit at kulay pink ang buhok." Sabi ni Deidara.

"Isa lang ang kilala kong kulay pink ang buhok sa lugar namin. Yun ay walang iba kundi si Sakura." Sabi ni Mia

Nakita ko namang nagulat si Sasori.

"Sakura nga ang pangalan niya
.." sabi ni Sasori.

"Eh bakit galit na galit si Sasuke?" Tanong ni Deidara.

"Dahil si Sakura ang girlfriend ni Sasuke." Sagot ko.

(●__●)----Sasori and Deidara.

"Nasaktan ba si Sakura kanina?" Tanong ko kay Sasori.

"May sugat siya sa siko niya....."
Sabi niya.

Napatingin naman kami kay Deidara na namumutla na.

"Magtago ka na...."

( Sasori's Mind: Girlfriend pala siya ni Sasuke....Sayang! Akala ko makakadiskarte ako! )

........................................................
Her POV.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nililinis ang sugat ko sa siko. Pagkatapos ay nilagyan ko ito ng bandage para di maimpeksyon. Tapos ay dumeretso ako sa closet ko para maghanap ng damit at magbihis.

Nagchat kasi si Hinata sa GC namin na nag-aayang kumain si Naruto sa labas at gusto niya daw ay kasama pati kami. Pumayag naman kami dahil si Naruto daw ang manlilibre. May pera ata ang loko.

' Pero sana naman ay huwag ramen ang ipakain niya sa amin '

Napatingin ako sa cp ko ng magring ito.

Sasuke is calling.....

"Hello?" Nakangiting bungad ko.

"Nasaan ka?"

"Nandito ako sa bahay. Nga pala, nag-aaya si Naruto na sabay-sabay na daw tayong mag-lunch. Libre niya daw." Sabi ko.

"Ganon ba? Sige susunduin kita diyan."

"Okay." Sabi ko at binaba na ang tawag.

Sinuot ko naman ang napili kong damit at nagpabango. Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas na ng kwarto ko.

"Alis na ako, Ma" pagpapaalam ko.

"Sige, ingat." Sabi niya kaya lumabas na ako.

Pagkalabas ko ay agad ko namang nakita si Sasuke na kakarating lang. Niyakap ko naman siya at hinalikan sa pisngi. Kaso nagulat ako ng halikan niya ako sa lips kaya namula ako ng sobra.

"Dapat masanay ka na." Sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko.

Napagawi naman ang tingin niya sa sugat ko sa siko na nakabandage na.

"Napano 'to?" Tanong niya

"May sira*lo kasing bumangga sa akin kanina nung nasa palengke ako kaya nagalusan ako." Sagot ko.

Nagulat naman ang ako sa pagdilim ng aura niya.

"B*wisit talaga ang lalaking iyon!" Kumunot naman ang noo ko.

"Sasuke kun?" Mukhang nabalik naman siya sa realidad sa pagtawag ko sa kanya.

"Sorry, don't mind me." Sabi niya at ngumiti.

' Aw! That's smile. '

"Let's go!" Sabi ko at nagsimula ng maglakad.

Napatingin ako sa cp ko nang may nag-message. Si Hinata ito at sinabi niya lang kung saan kami kakain. Natuwa naman ako nang malaman kong hindi Ramen ang ipapakain niya sa amin.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa restaurant at hinanap ang iba sa loob.

"Sakura chan! Sasuke!" Napatingin naman kami kay Naruto na kumakaway sa amin

Pinuntahan naman namin sila. Umupo na ako katabi nila Ino habang si Sasuke ay nakipag-fist bump muna kila Naruto bago umupo sa tapat ko.

"So anong meron at naisipan mong manlibre?" Tanong ko.

"Well..... Binigyan ako ng allowance ni Mama dahil naipasa ko ang test natin nung nakaraang linggo. Medyo malaki ang ibinigay niya sa akin kaya naisipan kong ilibre kayo."
Napatango naman kami.

"At hindi ako makakapasa kung wala ang tulong ng girlfriend ko. Salamat Hinata!" Sabi ni Naruto at Hinalikan sa pisngi si Hinata.

Namula naman ng sobra si Hinata kaya natawa kaming lahat.

"So ano pang hinihintay natin? Kain na tayo!" Sabi ni Naruto.

Kinuha naman namin ang kanya kanyang chopsticks at pinagdikit ang kamay namin

"Itirakimasu!"

At saka kami sabay-sabay kumain.

"Sasuke....paabot ng chicken" sabi ko.

Sinunod niya naman ako at inabot sa akin ang chicken. Habang kumakain kami ay nagkwentuhan na rin kami. Naikukuwento ko pa nga yung nangyari sa akin sa palengke.

Nagulat naman ako nang sabihin ni Sasuke na kilala niya daw ang bumangga sa akin at kaibigan daw ito ni Kuya Itachi at nasa bahay nila ito. Medyo natakot pa nga ako nang sabihin niya na bugbugin niya yung lalaki.

' Nakakatakot magalit si Sasuke '

"Hello sa inyo! Pwede ba akong makisalo?" Napatingin kami sa babaeng nasa harapan namin.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya. Wala pa rin siyang pinagbago. Mahaba ang brown nitong buhok at napakaganda niya pa rin

Bago pa siya makapagsalita ulit  ay nagsitayuan na kami nila Ino, Hinata, Temari at TenTen.

"Maligayang pagbabalik! Kyoko Sensei!" Sabi namin at yumuko.

Hindi namin akalain na nandito na siya.....Nandito na ang nagturo sa aming maging ninja nung mga bata pa kami....

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon