Chapter 12

0 0 0
                                    

Chapter 12

Her POV

Kasalukuyan akong nagsusulat sa may kama ko ng may biglang nagbukas ng pinto kaya napatingin ako doon. Nakita ko naman sila Ino, Hinata, Temari at TenTen.

"Kumusta---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla nila akong sabay-sabay na niyakap. Halos hindi na tuloy ako makahinga...

"H-hoy! Hindi na ako makahinga!" Sigaw ko kaya agad silang lumayo sa akin.

"Seriously? Kakaligtas ko nga lang kaya sa bingit ng kamatayan! Papatayin niyo ba ako!" Sabi ko at huminga ng malalim.

"Sorry.... namiss ka lang talaga namin.." sabi ni Hinata at pinunasan ang kaunting luha sa mata niya.

"Namiss ko rin kayo!" Sabi ko at nag-group hug kami.

Makalipas ng ilang minuto ay naghiwa-hiwalay na kami. Tiningnan naman nila ang mga papel na may sulat na nakakalat sa kama ko.

"Ano naman ito?" Tanong ni Temari.

"Wow, 10 page..." Sabi naman ni TenTen.

"Ano pa, edi essay na mahigit 1000 words" sagot ko at nanlaki naman ang mata nila.

"1000 words?! Huwag mong sabihin ito yung essay na pinapagawa sayo ng masungit na teacher?!" Tanong naman ni Ino kaya tumango ako.

"Pero sa pagkakaalam ko, 800 words lang ang pinapagawa niya sayo..." Sabi ni Hinata habang binabasa ang essay ko.

"Yung 800 words, nagawa ko na bago pa mangyari ang insidente. Kaso tatlong araw akong hindi pumasok kaya hindi ko siya napasa. So naisip ko na dagdagan ng 200 words para wala ng masabi yung teacher na iyon" sabi ko at napatango naman sila

"So....kayo lang ang pumunta rito?" Tanong ko kaya nagkatinginan sila.

Maya-maya pa ay bigla silang ngumisi.

"Bakit? May inaasahang ka bang darating?" Tanong nila.

Napasimangot naman ako. Mukhang hindi siya darating...

........................................................
His POV

"Nasaan na ba yung apat na iyon?" Sabi ni Naruto.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at hinahanap ang apat na babae. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Sakura. Magtatlong araw na rin siguro.

"Neji, tawagan mo nga si TenTen" sabi naman ni Sai.

"Ito na nga, ginagawa ko na!" Sabi naman ni Neji.

Nakagawian na naming sumabay lagi sa kanilang kumain para i comfort sila. Ramdam namin lungkot nila.

"Hindi siya sumasagot." Napatingin naman kami kay Neji.

Nagtaka naman kami. Tumingin naman kami kay Shikamaru ng lapitan niya ang isang babae.

"Excuse me, miss. Nanggaling ba dito ang grupo nila Sakura?" Tanong ni Shikamaru.

"Yung apat? Oo nandito sila kanina kaso umalis sila agad" sagot naman ng babae.

"Alam mo ba kung saan sila nagpunta?" Tanong ko.

"Hmm.... Nakita ko silang may kausap sa phone at nabanggit nila na gising na si Sakura"

Nanlaki naman ang mata namin.

"S-sigurado ka?" Tanong ko ulit.

"Oo, iyon ang sinabi nila"

Agad naman akong tumakbo palabas ng school at sumunod naman sa akin yung apat .

' Gising na siya.... '

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon