Chapter 16

0 0 0
                                    

Chapter 16

His POV

Nang makalayo na ako kay Sakura ay sinagot ko na ang tawag ni Kuya Itachi .

"Hello, Kuya Itachi ..." Bungad ko.

"Hello, Sasuke. Sabi ng teacher mo wala ka daw sa school ngayon. Nasaan ka ba?" Tanong niya.

Napakamot naman ako sa batok ko. Nakalimutan kong sabihan ang teacher namin, nakarating tuloy kay Kuya Itachi .

"Ahm...Nasa perya ako, kasama si Sakura." Sagot ko.

"Sakura?! Gising na siya?" Gulat na sabi niya.

"Yeah, kanina lang kaya pumunta kaming lahat sa hospital para dalawin siya. Nataranta kami kaya hindi na kami nakapagpaalam sa teachers" paliwanag ko at pinasadahan ng tingin si Sakura.

Hawak hawak niya ang rabbit stuff toy 🐰 at nilalaro ito.

"I see...So bakit kayong lang dalawa ngayon ang magkasama?" Tanong niya ulit.

Ikinuwento ko naman sa kanya na isa isa silang umalis kanina na parang pinagplanuhan nila. Tumatawa tuloy siya ngayon.

"By the way, bakit hindi kayo pumunta rito sa bahay? Nagluluto ngayon si Mia ng meryenda" sabi niya kaya napaisip ako.

"Sige Kuya Itachi , pupunta kami diyan." Pagpayag ko.

"Good. Sasabihan ko na rin si Mia na paparating na kayo. Malamang magugulat iyon na gising na si Sakura." Sabi niya.

Pagkatapos tinapos ko na ang tawag. Pinuntahan ko naman si Sakura.

"Tara, may pupuntahan tayo" sabi ko.

Sumunod naman siya sa akin.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong niya.

"Sa bahay namin" sagot ko.

"S-sa bahay niyo?!" Tumingin ako sa kanya at nakita kong gulat na gulat siya kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Bakit? Ayaw mo?" Paniniguro ko.

"Hindi ah! Gusto ko kaya! Tara, punta na tayo sa bahay niyo!" Sabi niya at nauna ng maglakad.

"Pero, ano bang meron ngayon? Nakakapunta lang ako sa bahay niyo kapag birthday mo o birthday ni Kuya Itachi." Sabi niya.

"Inimbita ka ni Kuya  Itachi dahil nagluluto ngayon ng meryenda si Ate Mia" sabi ko at para namang kuminang ang mga mata niya.

"Pagkain....." Bulong niya.

' Akala ko ba, sapat na ang pagkain niya kanina?  '

Tahimik naman kaming naglakad. Sa totoo lang ay medyo nahihiya ako sa pagyakap ko sa kanya kanina. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon. Pero isa lang ang alam ko, masaya ako na gising na siya at okay na siya.

Nung mga araw na hindi pa soya nagigising. Labis ang pag-aalala ko dahil ang tagal na niyang walang malay. Nakahinga lang ako ng maluwag ngayon...

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bahay namin.

"Nandito na kami..." Sabi ko nang makapasok na kami sa loob.

May narinig naman kaming yapak at bumungad naman sa amin si Ate Mia na nakasuot pa ng apron.

"Ate Mia!" Bulalas ni Sakura.

"Sakura!" Bulalas naman ni Ate Mia.

At nagyakapan silang dalawa na para bang ilang taon silang hindi nagkita.

"Masaya ako na gising ka na!" Sabi ni Ate Mia.

Napatingin naman ako kay Kuya Itachi  na kakarating lang

"Nandito na pala kayo---Mia! Itigil mo nga iyan at hindi na makahinga si Sakura!" Sabi ni Kuya at inihiwalay si Ate Mia kay Sakura.

"Hello po, Kuya Itachi!" Bati sa kanya ni Sakura.

"Hello din Sakura. Okay na ba ang kalagayan mo?" Tanong ni Kuya

"Oo naman po! Ako pa!" Sabi niya at malapad na ngumiti.

"Bakit ba nandito tayong lahat? Tara na nga at kanina pa nakahanda ang meryenda!" Bulalas ni Ate Mia.

Pumunta naman kami sa kainan at nadatnan namin sa lamesa ang maraming pagkain. Agad naman kaming kumain ng sabay-sabay.

( Fast forward )

Nagdidilig ngayon sila Sakura at Ate Mia ng mga bulaklak. Habang kami naman ni Kuya ay nasa loob ng bahay at pinagmamasdan sila habang umiinom ng tsaa.

"Mukhang makakahinga ka na ng maluwag ngayon..." Napatingin naman ako kay Kuya Mia.

"Huh?"

"Akala mo ba hindi ko napapansin na hindi ka mapakali nung mga araw na hindi pa gising si Sakura?" Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Sa totoo lang, nakikita ko sayo ang sarili ko dati. Ganyan din ako tuwing napapahamak si Mia sa mga misyon. Sobra ang pag-aalala ko." Sabi niya.

"Bakit mo naman nakikita ang sarili mo sa akin? Magkaiba kaya tayo, gusto mo si Ate Mia ng panahon na iyon kaya natural na mag-alala ka kung mapahamak siya." Sabi ko.

"Bakit? Hindi mo ba gusto si Sakura?"

"A-ano bang sinasabi mo?" Sabi ko.

"See? Torpe ka rin katulad ko"  natatawang sabi ni Kuya Itachi.

"Sa tingin mo ba....May gusto na ako kay Sakura?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Tanongin mo iyang sarili mo. Kung kaibigan lang ba si Sakura sayo o higit pa don." Sagot niya.

Bumuntong hininga naman ako at pinasadahan ng tingin si Sakura.

' Gusto na nga ba kita? '

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon