Chapter 19

0 0 0
                                    

Chapter 19

Her POV

Pinigilan ko namang matawa dahil sa nagtatakang expression niya.

"Huh?" Tuluyan naman na akong natawa.

"Sabi ko na eh! Hindi mo ako magegets!" Sabi ko at tumawa ng malakas.

Napatingin tuloy sa amin ang iba. Tumigil naman ako sa pagtawa dahil nakita ko ang seryosong mukha ni Sasuke.

"So pingalalaruan mo pala ako?" Kumunot naman ang noo ko.

"Teka teka! Anong pingalalaruan, pinagsasabi mo diyan?" Sabi ko.

"Bakit ka dikit ng dikit at kinukulit ako kung hindi mo pala ako gusto?" Sabi niya.

Ah...Iyon pala....

"Alam mo Sasuke, may iba naman akong dahilan kung bakit ko iyon ginagawa." Sabi ko.

"Ano naman iyon?" Tanong niya.

"It's a secret, hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ko iyon sayo!" Sabi ko at kumapit sa braso niya.

"Hindi ko alam kung bakit ka biglang nag-isip ng ganyan pero sa tingin ko gutom lang iyan! Tara, saluhan na natin sila!" Sabi ko at hinatak siya kung nasaan ang iba.

Umupo naman kami sa malaking picnic map. Inilabas ko naman ang bento ko.

"Itirakimasu!" Sabi namin bago kumain.

"Sasuke kun, gusto mo ng sushi? Gawa 'to ni Mama, masarap 'to!" Sabi ko at pinakita sa kanya ang sushi ko.

Kinuha niya naman ito at isinubo.

"Masarap di ba?" Sabi ko at tumango naman siya.

Napatingin naman ako kay Ino nang bigyan niya si Sai ng omelette niya. Bigla akong natakam don ah...

"Penge rin ako, Ino..."  Napatingin naman siya sa akin.

"Ng alin?" Tanong niya.

"Ng omelette, mukhang masarap eh." Sabi ko.

"Ha? Ayoko nga! Konti na lang eh!" Napasimangot naman ako.

"Damot mo naman!" Sabi ko.

Kakain na sana ulit ako ng biglang inagaw ni Sasuke ang bento ko. Magtatanong na sana ako ng makita ko na nilagyan niya ng omelette ang bento ko. Pagkatapos ay ibinalik niya na sa akin ito.

"Huwag kang mag-alala, masarap din iyan. Hindi ako mahilig sa omelette kaya sayo na lang" sabi niya at kumain ulit.

Ilang beses naman akong napakurap. Pinagmasdan ko ang omelette sa bento ko at kinain ito. Tama nga siya, masarap ito.

"Salamat!" Sabi ko sa kanya.

Nagpatuloy naman kami sa pagkain hanggang sa natapos na kaming lahat. Niligpit naman namin ang picnic map at saka tumayo.

"Salamat sa pagsabay sa amin. Sana araw-araw tayong sabay-sabay kumain!" Sabi ni Naruto.

"Pwede naman iyon. Siguro, dito na lang tayo laging kumain" sabi ko at tumingala sa langit

Ang ganda ng panahon ngayon...

"Una na kami sa inyo." Sabi ko at nauna ng maglakad.

Sumunod naman sa akin ang apat. Nang makababa na kami at nasa corridor na kami ng building namin, bigla silang huminto at tumili kaya nagulat ako. Syempre maliban lang kay Temari na nakaiwas ang tingin pero namumula ang magkabilang pisngi.

"Syet! Tinanggap ni Sai ang omelette na gawa ko!" Bulalas ni Ino.

' Duda akong na siya ang gumawa non. Parehas kaming hindi marunong magluto eh! '

"Parang mas naging sweet sa akin si Neji ngayon!" Bulalas ni TenTen.

' Sana all, sweet! '

"Hinatian din ako ni Naruto ng ramen niya!" Sabi naman ni Hinata.

' Ramen?! Seriously?! '

Tumingin naman kami kay Temari na tahimik lang.

"Bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong niya kaya ngumisi ako.

"Nakita ko kayo ni Shikamaru kanina.... Nagtatawanan! Mukhang maganda ang pinag-uusapan niyo ah!" Sabi ko.

Mas lalo naman siyang namula kaya natawa naman kami.

"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko. Binigay sa akin ni Sasuke ang omelette niya. First time!" Sabi ko.

"Really?! Im happy for you! Hahaha" sabi ni Ino.

Nagsitawanan muna kami bago nagsimula ulit maglakad papuntang room namin.

( Fast forward )

"Goodbye class" sabi ng last teacher namin.

Nagsitayuan naman kami at nagpaalam sa kanya. Pagkatapos ay sabay-sabay na kaming lumabas.

"Wait, kain tayo sa labas mamaya! Libre ko!" Biglang sabi ni TenTen.

"Sige ba! Libre iyan eh!" Sabi ko.

Nasa gate na kami ng school ng may biglang tumawag sa akin.

"Sakura..." Napatigil ako dahil nakilala ko ang boses na iyon.

' Sasuke... '

"Una na kami.." sabi ng apat at iniwan na ako.

Habang ako naman ay nilapitan si Sasuke.

"May kailangan ka, Sasuke kun?" Tanong ko at nginitian siya.

Nakakapagtaka na nandito pa siya sa school eh mas nauunang natatapos klase ng mga lalaki kaysa sa amin. At siya lang mag-isa ngayon, hindi niya kasama yung apat.

"May sasabihin lang ako sayo." Sabi niya.

"Ano naman iyon?" Tanong ko.

Pumunta naman siya sa gilid ko at hinawakan ang balikat ko. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Hindi mo ako gusto tama ba?" Sabi niya.

* LUNOK *

Naramdaman ko naman na inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko para bulungan ako.

"Pwes ako...."

Parang tumigil naman ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit niya.

"Gusto kita..."

(●__●)

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon