Chapter 33

0 0 0
                                    

Chapter 33

Her POV

Nandito kami ngayon sa rooftop ng school at kumakain ng lunch. Isang linggo na ang nakalipas simula nung makita namin si Sensei at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nalalaman kung nasaan ang bahay niya. Madalang din namin siyang makita dahil may inaasikaso daw siya.

' Ano naman ang inaasikaso niya? '

"Hey..." Napatingin ako kay Sasuke nang kalabitin niya ako.

"Bakit?" Tanong ko at kumain ng dumplings na nasa bento ni Sasuke.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Sabi niya.

"Hindi naman ganon kalalim.... Bakit? Nalulunod ka na ba--- Aray!" Napahawak ako sa noo ko ng pitikin niya ito.

"Tinatanong kita ng maayos kaya sagutin mo rin ako ng maayos." Sabi niya at sinubuan ako ng dumplings.

Nakasimangot ko naman itong nginuya.

"Kamusta naman yung Sensei niyo ngayon?" Tanong ni Naruto.

"Hindi kami gaano nagkikita eh.." sabi ni Hinata.

"Bakit naman?" Tanong ni Sai.

"May inaasikaso daw siya eh." Sagot ni Ino.

"Hindi naman namin alam kung ano yung inaasikaso niya." Sabi ni TenTen.

"Kapag nakikita nga namin siya, para siyang pagod na pagod." Sabi naman ni Temari.

"Alam naming may tinatago siya pero sadyang ang galing niyang magtago kaya hindi namin malaman laman kung ano iyon." Sabi ko.

"Kaya pala para kayong mga lutang ngayon." Sabi ni Shikamaru.

"Huwag na kayong masyadong mag-alala. Siguro naman may dahilan si Ms. Kyoko kaya siya naglilihim sa inyo." Sabi ni Sasuke

"Ngumiti na nga kayo, hindi kami sanay na ganyan kayo eh." Sabi ni Neji kaya natawa na lang kami.

Kumuha naman ako ng pagkain at isinubo ito kay Sasuke.

"Sorry..... mukhang pinag-aalala kita" sabi ko at ngumiti.

Mas lalo naman akong ngumiti ng inayos niya ang buhok ko.

"It's okay"

( Fast forward )

Niligpit na namin ngayon ang kalat namin dito sa rooftop dahil tapos na kaming kumain, at malapit na ring mag-umpisa ang klase.

"See you later." Sabi ko kay Sasuke at hinalikan siya sa pisngi

"Okay, i love you." Sabi niya.

"I love you too" nakangiti kong sabi at bumaba na kasama yung apat.

"Hindi ko akalain na boyfriend na natin sila ngayon." Sabi ni Ino nang makapaglakad na kami sa corridor.

"Dati.....pinapangarap lang natin sila..." Sabi ni Hinata

"Makasama lang natin sila, masaya na tayo..." Sabi naman ni TenTen

"Tapos ngayon.... Boyfriend na natin sila." Natatawang sabi ni Temari kaya napatingin kami sa kanya.

"Inamin mo rin na gusto mo talaga si Shikamaru, dati pa." Sabi ko.

"Oo na, oo na!" Sabi niya at nag-iwas ng tingin.

Natawa naman kami dahil namumula ang magkabilang pisngi niya. Nagiging ganyan siya lagi pagdating kay Shikamaru.

Masaya talaga kami ngayon dahil sa kanila....At nagpapasalamat kami doon...

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon