Chapter 35

0 0 0
                                    

Chapter 35

His POV

Tumatakbo ako ngayon papuntang gubat at kakagaling ko lang sa bahay nila Sakura dahil bigla akong kinabahan sa pagsabog na iyon. Tapos sinabi pa ng Mama ni Sakura na pumunta siya sa pinangyarihan ng pagsabog.

' Ano bang iniisip niya?! '

Tinawagan ko na rin sila Naruto dahil paniguradong kasama niya rin yung apat na babae.

"Sasuke!" Napatingin naman ako kila Naruto nang sumabay na sila sa pagtakbo ko.

"Ano bang iniisip ng limang iyon?!" Sigaw ni Shikamaru.

Mukhang nag-aalala siya kay Temari at ganon din kami. Mas binilisan naming tumakbo para makarating na kami doon. Nagulat na lang kami sa nadatnan namin.

Marami ng jonin sa paligid at may bitbit silang bangkay na nakatakip ng tela. May dumaan na hangin kaya natanggal ang tela sa may bandang mukha at nanlaki ang mata namin nang makilala siya.

' Ms. Kyoko..... '

Nagkatinginan naman kaming lima.

"Mabuti naman at nandito kayong lima..." Napatingin naman kami kay Master Tsunade na kakarating lang.

Halata sa mga mata niya ang lungkot at mukhang galing siya sa iyak.

"Tandang Tsunade.....Ano bang nangyari dito?" Tanong ni Naruto.

"Saka na ako magpapaliwanag, sumunod muna kayo sa akin." Sabi niya at naglakad na.

Sinundan naman namin siya hanggang sa makarating na kami sa kinaroroonan ng lima. Nakaupo lang sila sa damuhan at walang imik. Walang buhay ang mga mata nila.....

"Wala sila sa ilalim ng ninjutsu ni Kaguya kaya wala kayong dapat ipag-alala."sabi Master Tsunade.

"Kaguya?" Pag-uulit ko sa sinabi niyang pangalan.

Hindi maaari.....Si Kaguya ang pumatay kay Ms. Kyoko?!

"Gaya ng sinabi ko kanina, saka na ako magpapaliwanag." Sabi ni Master Tsunade at pinagmasdan ang lima.

"Kayo na ang bahala sa kanila, mukhang nasaksihan nila ang lahat....." Dugtong pa niya bago kami iwanan.

Agad naman naming nilapitan ang lima at tiningnan ang kalagayan nila. Pinagmasdan ko si Sakura na nakayuko lang.

"Sakura....." Pagtawag ko sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin.

"S-Sasuke....." Pagbanggit niyasa pangalan ko.

Hinaplos ko naman ang buhok niya.

"Wala na siya.....Wala na si Sensei....." Sabi niya at nagsimula ng umiyak.

Agad ko naman siyang niyakap at hinagod ang likod niya pero patuloy lang siya sa pag-iyak.

"Pinatay siya ni Kaguya.....at wala man lang kaming nagawa!" Sabi niya.

Mas lalo ko naman siyang niyakap ng mahigpit.

"Tahan na.....Hindi gugustuhin ni Ms. Kyoko na nagkakaganito kayo..." Sabi ko at hinaplos ang buhok niya.

Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyanh umiiyak..... Pero wala man lang akong magawa para patahanin siya.

Patuloy pa rin siyang umiiyak kaya humiwalay muna ako ng kaunti sa kanya at hinalikan ang noo niya, pati na rin ang labi niya. Pagkatapos ay pinagdikit ko mga noo namin at tinitigan siyang mabuti

"Nandito lang ako, okay?" Sabi ko.

Tumango naman siya at niyakap ulit ako.

( Kinabukasan )

"Gaya ng inaasahan, hindi nga sila pumasok maghapon" sabi ni Shikamaru.

Pauwi na kami galing sa school at hindi pumasok sila Sakura.

"Hindi natin sila masisisi, ang Sensei nila ang nawala...." Sabi ni Naruto.

"Maski ako nalulungkot sa nangyari." Sabi ni Sai.

"Nakakagulat talaga ang nangyari." Sabi naman ni Neji.

"Intindihin na lang natin sila, nakita nila lahat ang nangyari kagabi. Kung paano namatay si Ms. Kyoko....." Sabi ko.

"Dalawin na lang natin sila ngayon." Sabi ni Naruto kaya tumango kami.

Pagkatapos ay naghiwa-hiwalay kami. Pumunta naman ako sa bahay nila Sakura. Nang makarating na ako ay kumatok naman ako sa pinto at pinagbuksan naman ako ng Mama ni Sakura.

"Ikaw pala, Sasuke...."

"Si Sakura po?" Tanong ko

"Wala siya dito, lumabas siya kanina lang." Sabi niya kaya nagulat ako.

"Saan naman po siya nagpunta?" Tanong ko.

"Hindi ko alam eh. Hindi siya nagsalita nung tanungin ko kung saan siya pupunta. Mukhang wala pa rin siya sa sarili niya." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Ganon po ba? Sige po, hahanapin ko na lang siya." Sabi ko at medyo at yumuko bago umalis.

' Saan naman kaya siya pumunta?! '

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon