Chapter 24

0 0 0
                                    

Chapter 24

Her POV.

( Lunch break )

"Hoy! Sakura, tara na!" Sigaw sa akin ni Ino.

Lunch break na at pupunta na kami ngayon sa rooftop para sabayan yung limang lalaki sa paglunch.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang bento ko at sabay sabay kaming pumunta sa rooftop.

' Maging normal ka lang Sakura. Kunwari walang sinabi sayo si Sasuke '

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa rooftop at nandoon na rin ang limang lalaki. Napatingin naman ako kay Sasuke dahil nakatingin din siya sa akin. Lumapit naman kami sa kanila at naghello. Uupo na sana kami sa picnic map ng biglang tumayo si Sasuke.

"Saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ni Naruto

Hindi siya pinansin ni Sasuke at tumingin sa akin.

"Sumunod ka sa akin." Sabi niya at pumunta malayo sa amin.

Tumingin muna ako kila Ino at saka sinundan si Sasuke. Nginitian ko naman siya ng malapitan ko.

"May kailangan ka?" Tanong ko.

"Tatanungin ulit kita. Natatandaan mo ba ang sinabi ko sayo kahapon?" Napakagat naman ako sa ibaba kong labi.

"Alin nga doon? Marami kang sinabi sa aki---"

"Sakura!" Nagulat naman ako sa pagsigaw niya.

Tiningnan ko siya at napakaseryoso niya. Huminga naman ako ng malalim.

"Oo....naaalala ko ang sinabi mo sa akin kahapon....." Sabi ko at napatango naman siya.

"So bakit ka umaasta na parang hindi ako nagconfess sayo?" Tanong niya.

"Eh kasi.... nabigla kasi ako. Ahm... Kailangan mo ba ng sagot?" Sabi ko.

"Hindi ko kailangan ng sagot dahil alam ko naman na hindi mo ako gusto." Sabi niya

Bigla tuloy akong naguilty.

"Sorry.... Nabigla lang talaga ako. Akalain mong nagconfess sa akin ang isang Uchiha Sasuke?" Sabi ko kaya kinunotan niya ako ng noo.

"Pinagdududahan mo ba ang nararamdaman ko para sayo?"

(●__●)

"H-hindi naman sa ganon, Sasuke. Ano....nagtaka lang ako kung bakit mo ako biglang nagustuhan. Ni hindi ko man lang kasi naramdaman o napansin na gusto mo na pala ako." Paliwanag ko

"Manhid ka kung ganon" sabi niya kaya napamaang ako.

"Sasuke naman! Hindi ako manhid ano!" Sabi ko kaya natawa siya.

"Sorry, i was just joking. Hindi naman kasi ako showy kagaya mo. Sabihin na nating..... Torpe ako" sabi niya.

"I-ikaw? Torpe?" Tanong ko

"Oo. Torpe ako pagdating sayo. Hindi ko magawang masabi ang gusto kong sabihin sayo, sa halip na naitataboy kita kahit hindi naman iyon ang gusto ko"

Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

"No way...." Sabi ko kaya napahalukipkip siya.

"Hindi ka pa rin naniniwala? Well...hindi kita masisi diyan dahil ang tanga ko para hindi marealize ang nararamdaman ko para sayo." Sabi niya.

Hindi tuloy ako makapagsalita. Wala akong maisip na sabihin... Hindi talaga ako makapaniwala na sinasabi ito ni Sasuke ngayon....

"Kung gusto mo....Papatunayan ko sayo na gusto talaga kita." Sabi niya kaya nagulat ako.

"Huh?"

Ngumisi lang siya at hinawakan ang kamay ko. Hinatak niya naman ako papunta kila Naruto.

"May sasabihin ako sa inyo." Sabi niya sa kanila.

Napatingin naman sila sa amin at hanggang ngayon ay nakahawak pa rin si Sasuke sa kamay ko.

"Wait? Bakit may holding hands na nagaganap?" Tanong ni Sai.

"Hindi ko alam na naglilihim ka na sa akin!" Sabi naman ni Naruto.

"Manahimik ka nga diyan Naruto!" Sabi naman ni Neji at binatukan si Naruto.

"Ano bang sasabihin mo?" Sabi naman ni Shikamaru.

"Gusto ko lang sabihin na.... Simula ngayon ay nililigawan ko na si Sakura"

(●__●)----All

"No comment...." Sabi ni Naruto.

"Hindi ko inaasahan iyon ah..." Sabi naman ni Sai.

"And girls" tawag niya Ino.

"Ipakalat niyo na rin sana ito sa building niyo kung kaya niyo." Sabi niya kaya napangisi yung apat.

"Maasahan mo kami diyan!" Sabi naman ni Ino

"Expert kami diyan!" Sabi ni TenTen

"Sana mapasagot mo siya Sasuke" sabi naman ni Temari.

"Natutuwa ako para sa inyo!" Sabi naman ni Hinata

Napanganga naman ako. Seryoso ba sila? Tumingin naman sa akin si Sasuke.

"Naniniwala ka na ba sa akin?"
Tumango naman ako.

Suko na ako mga girl!

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon