Chapter 21

0 0 0
                                    

Chapter 21

(Flash back 9 year's ago)

( 8 years old, Sakura and Sasuke. )

Her POV

"Mama, laro lang ako sa labas!" Paalam ko kay Mama.

"Sige! Umuwi ka bago maghapunan ha!"

"Opo!" Sabi ko at lumabas na ng bahay namin.

Pumunta naman ako sa park dahil doon kami maglalaro nila Ino, Hinata, Temari, at TenTen.
Nadatnan ko naman sila nagpapadulas sa padulasan.

"Hoy! Ang daya! Bakit hindi niyo ako hinihintay!" Sabi ko at sinamahan sila sa pagpapadulas.

Nang mapagod na kami ay umupo kami sa may sahig.

"Ano naman ang susunod na lalaruin natin?" Tanong ni Temari.

"Habulan!" Bulalas ko.

"Oo at ikaw ang taya!" Sigaw ni Ino at sabay sabay silang tumakbo palayo sa akin.

"Hala! Ang daya niyo talaga!" Sigaw at mabilis silang hinabol.

Makalipas ang ilang minuto ay nataya ko si Hinata kaya tumatakbo ako ngayon para hindi niya ako mataya. Pagkatapos ay nataya niya si TenTen at muntikan pa silang madapa kaya natawa kami.

Tinitigan naman kami ng masama ni TenTen kaya tumakbo na ulit kami. Habang sinusubukan ni TenTen na tayain ang iba ay palihim naman akong nagpahinga. Napatingin naman ako sa tulay kung saan maraming dumadaang tao.

Ang park na ito ay nasa baba ng tulay, tanaw mo rin dito ang gusali ng hokage.

Napansin ko naman na may batang lalaki na nakadantay sa railing at pinapanood sila TenTen na naghahabulan. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Gusto ko sanang mag-iwas ng tingin kaso hindi ko magawa.

Ang gwapo niya at napakaseryoso ng mukha niya. May itim siyang buhok at itim na mata na sa tingin ko ay nag-paangas sa kanya. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya.

"Taya!" Nabalik naman ako sa realidad ng biglang hawakan nj TenTen ang balikat ko.

Napatingin naman ako sa kanya. Nataya niya pala ako.

"Ano bang ginagawa mo Sakura? Bakit ka tulala?" Tanong ni Ino.

"Okay ka lang ba, Sakura?" Tanong naman ni Hinata.

Hindi ko sila sinagot at tumingin sa taas kung nasaan ang lalaki. Kaso wala na siya doon.

' Ay.... Umalis na siya! Sana magkita pa ulit kami. '

........................................................
His POV

"Saan ka pupunta, Sasuke?" Tanong sa akin ni Mama.

"Sa labas po, pupuntahan ko lang po sila Naruto." Sabi ko.

"Okay, huwag kang magpapagabi." Sabi niya kaya tumango ako.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay. Tinahak ko naman ang daan kung saan kami magkikita-kita. Hanggang sa dumadaan na ako sa tulay. Napatigil naman ako nang may narinig akong mga boses sa park sa ibaba.

Dumantay naman ako sa railings at tiningnan ang mga batang babae na naglalaro ng habulan.

"Taya!"

Pinanood ko lang sila hanggang sa may naramdaman akong may nakatitig sa akin. Tiningnan ko naman ang babaeng nakatitig sa akin at nagulat pa siya ng malaman na nakatingin ako sa kanya.

Hindi man lang siya umiwas ng tingin at tinitigan lang ako kaya tinitigan ko rin siya. Sa totoo lang ay medyo nagulat pa ako sa itsura niya. Meron siyang pink na buhok kagaya ng cherry blossom at green na mata kagaya ng emerald. Kita ko iyon kahit malayo ako.

' At napakaganda niya.... '

Nagulat naman siya nang bigla na siyang nataya ng kaibigan niya.

"Sasuke!" Napatingin naman ako sa taong tumawag sa akin.

"Naruto..." Sabi ko.

"Ano bang ginagawa mo rito? Kanina ka pa kaya naming hinihintay!" Sigaw niya sa akin.

"Sorry na okay..." Sabi ko at pinasadahan ng tingin ang babae sa baba.

"Ano bang tinitingnan mo diyan?!"Tanong ni Naruto

Dudungaw na sana siya sa baba nang bigla ko siyang hinila paalis.

"Tara na!" Sabi ko.

Ewan ko ba, parang ayaw ko kasing makita ni Naruto ang babaeng iyon.

.......................................................
Her POV

"Sino ba kasi ang tinitingnan mo kanina? Nataya ka tuloy ni TenTen." Sabi ni Temari.

Naglalakad na kami ngayon pauwi dahil malapit ng lumubog ang araw.

"May nakita kasi akong lalaki kanina" sabi ko.

"Talaga? Ano? Gwapo ba?" Sabi ni Ino at dumikit pa sa akin.

"Oo, gwapo!" Sabi ko kaya napatili siya.

Naisip ko tuloy ulit siya, kanina pa siya hindi mawala sa isipan ko eh.

"Dito na ang daan ko" sabi ko sa kanila at itinuro ang kabilang daan.

"Okay" sabi nila kaya iniwan ko na sila.

Naglakad lang ako ng naglakad kaso napatigil ako ng may nahagip ang mata ko.

' Yung lalaki kanina! '

Agad ko naman siyang sinundan at nag-ingat ako para hindi niya ako mapansin kagaya kanina. Mukhang pauwi na rin siya.

Huminto naman siya sa isang bahay at pumasok doon. Pumunta naman ako sa harap ng bahay na iyon at tiningnan sa gilid ng gate ang family name nila. Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko na ito.

' Isa siyang Uchiha?! '

Napangisi naman ako, mas lalo tuloy akong naging interesado sa kanya.

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon