Chapter 6

0 0 0
                                    

Chapter 6:

Naalimpungatan ako ng may biglang nagtapon ng tubig sa mukha ko. Iminulat ko naman ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakangisi sa akin. Inilibot ko ang paningin ko at nalaman ko na nasa abandonadong building ako at nakagapos.

Oo nga pala, natalo ako ng anim na lalaki kanina. Nalaman ko na kasamahan nila yung nagpasimula ng sunog kahapon at gumaganti sila ngayon sa akin dahil iniligtas namin ang tatlong bata.

"Malungkot ka ba dahil nag-iisa ka lang ngayon?" Tanong ng lalaki.

Nginisian ko naman siya.

"Anong nag-iisang pinagsasabi mo diyan? Hindi ako mag-isa dito, kasama ko kayo!" Pamimilosopo ko.

Isang sampal naman ang natanggap ko sa kanya at sa sobrang lakas non ay nagdugo na ang labi ko.

"Boss, hindi ba natin talaga kukunin yung ibang kasama nitong babae" tanong nito sa boss niya na kakarating lang.

Tumingin naman ako sa kanya pero nginisian niya lang ako.

"Hindi na...tama ang sinabi ng babaeng ito kanina. Kapag silang lima ang mawawala bigla, may makakapansin non. Kaya mas maganda na siya na lang ang pahirapan natin." Sabi nung Boss

Tama, ako ang nagsabi sa kanila non dahil ayokong madamay ang mga kaibigan ko. Mas mabuting ako na lang...

Lihim akong natakot ng biglang may nilabas ang Boss nila ng latigo.

"Ang lakas naman ng loob para iligtas ang tatlong batang iyon...
Para sabihin ko sayo, wala silang karapatang mabuhay!!" Sigaw niya at nag-umpisa ng latiguhin ako.

Napasigaw naman ako sa sakit.

"Ano bang ginawa sayo ng mga bata?! Wala silang kamuwang muwang!" Sigaw ko pero nilatigo niya ulit ako.

"Oo, wala silang ginawa pero ang mga magulang nila meron!" Sabi niya at patuloy na nilatigo ako.

"Parepareho silang mayayaman! Minamaliit kaming mahihirap! Ang pamilya na niligtas niyo ay may malaking kasalanan sa akin!" Sigaw niya.

"A-ano naman....  iyon.." tanong ko at himinga ng malalim.

Ramdam ko ang hapdi ng mga sugat ko at alam ko rin na malapit na akong mawalan ng malay...

"May malalang sakit ang anak ko at dinala ko siya sa hospital ay nagaagaw buhay na siya. Kasabay namin na nandoon ang pamilyang iyon! Kami ang naunang dumating doon pero inuna nila ang pamilyang iyon dahil sa mayaman sila!" Sigaw niya habang umiiyak.

Nilapitan niya ako at sinabunutan.

"At alam mo ba ang nangyari sa anak ko? NAMATAY SIYA!  Namatay siya ng dahil sa kanila! At hinding hindi ko sila mapapatawad!" Sigaw niya at sinikmuraan ako.

"Sa tingin mo... G-gugustuhin ng anak mo na gawin mo 'to?" Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Wala na akong pakialam kung hindi niya to gusto. Para rin naman sa kanya to." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Kung ginagawa mo ito para sa sarilu mo hindi para sa anak mo!" Sigaw ko sa kanya.

Tinitigan naman niya ako ng masama pero wala akong pake.

"Ginagawa mo lang ito dahil gusto mong guminhawa ang pakiramdam mo! Hindi matatahimik ang anak ko kapag ginawa mo ito! " Sabi ko pero agad niya akong sinuntok.

"Wala kang alam kaya huwag kang magmarunong! Silang mayayaman ay mga walang kwenta! Nagwawaldas ng pera para sa walang kwentang bagay! Kaya binuo ko ang grupong ito laban sa kanila. Lahat sila, uubusin namin sila at susunugin lahat ng kayamanan nila!" Sabi niya.

Kumurap kurap ako dahil anumang oras ay mawawalan na ako ng malay... Nagulat na lang ako nang may hawak na siyang injection at ngumisi sa akin.

"Pagbabayaran mo ngayon ang pagpigil mo sa plano namin" sabi niya at agad na tinusok sa akin ang injection.

Naglikot ako kaso nagawa niya pa ring itusok ito sa akin. Pagkatapos niyang gawin iyon ay nakaramdam na ako ng hilo.

"Anong....ginawa mo!" Sabi ko.

"Tinurukan lang naman kita ng lason" sabi niya kaya mas lalo akong nanghina.

Namalayan ko na lang na napasuka ako ng dugo at sobrang sama na ng pakiramdam ko...

"Baliw ka na...." Sabi ko.

Pero tumawa lang siya ng napakalakas. Napatigil lang siya nang makarinig siya ng ingay mula sa labas.

"Boss! May umaatake sa atin!" Sabi ng isa sa mga tauhan niya.

Napatingin naman siya sa akin.

"Mukhang nandito ang mga kaibigan mo para sunduin ka. Pero patay ka na siguro kapag nakita ka nila" sabi niya at tumawa ulit.

"Sh*it! Bakit kayo pumunta rito?"

Iyon na ang huling salita na nabanggit ko bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon