Chapter 40

0 0 0
                                    

Chapter 40

Her POV

Naalimpungatan naman ako nang may biglang yumugyog sa akin.

"Haruno, Sakura! Gumising ka na diyan at ngayon na ang alis natin!" Sigaw ni Ms. Shizune kaya agad akong bumangon.

Oo nga pala! Ngayon na kami babalik sa Konoha!

"Maligo at magbihis ka na, anumang oras ay aalis na tayo. Alam kong excited ka." Sabi ni Shizune at lumabas na ng kwarto ko.

Napangiti naman ako at naghanda ng damit ko. Masaya ako na makakabalik na kami pagkatapos ng limang taon na puro training lang ang ginawa namin. Makikita na namin ang mga magulang namin.

' Lalo na sila..... '

May girlfriend na siguro sila.... Imposible naman kasing mahintay nila kami ng limang taon...

Bumuntong hininga ako at pumasok na lang sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis at sinuot ang headband ko. Nang humaba na kasi ang buhok ko ay ginupit ko kaagad ito dahil nahihirapan ako sa training kapag mahaba ang buhok ko. Nakaimpake na rin ang mga damit ko.

Nang makuntento na ako sa itsura ko ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto ko. Nadatnan ko naman sila Ino, Hinata, Temari at TenTen na nakahanda na rin. Nakangiti ko naman silang nilapitan.

"Ang gaganda natin ah." Napatingin naman kami kay Shizune na nakangiti sa amin

"Tapos na ang limang taon niyong training at masaya ako na makakalabas na kayo sa isolated na lugar na 'to" sabi niya.

" Tara na, sasakay pa tayo tren." Sabi niya at nagsimula ng maglakad.

Sinundan naman namin siya palabas. Napapikit na lang kami ng tumama sa mukha namin ang sikat ng araw. Nang magamay na namin ay dumilat na kami at pinagmasdan ang magandang tanawin.

' Ngayon lang namin ulit naramdaman ang sikat ng araw..... '

( Fast forward )

Tinititigan ko ngayon sila Mama at Papa na parang wala akong planong papasukin sa bahay namin dahil nakatulala sila.

"Ehem...Baka gusto niyo po akong papasukin?" Sabi kaya mukhang natauhan sila.

"Ikaw na talaga iyan, Sakura?" Tanong ni Mama.

"Hindi, Ma! Bunshin lang 'to, hindi ako tunay!" Sabi ko.

Pagkatapos ay dinamba na nila ako ng yakap kaya napangiti na lang ako. Namiss ko talaga sila.

"Sira ka talagang bata ka, buti naman at nakauwi ka na...." Sabi ni Papa.

Pagkatapos ng dramahan namin ay pinapasok na nila ako sa loob at dumeretso naman ako sa kwarto ko at inayos ang mga damit ko. Namiss ko rin itong kwarto ko....Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto.

"Ma, labas muna ako. Pupuntahan kasi namin si Master Tsunade."  Pagpapaalam ko.

"Oh Sige, umuwi ka bago mag-tanghalian ah." Sabi ni Mama.

"Opo." Sabi ko at lumabas na.

Naglakad naman ako papuntang Hokage Building hanggang sa nakita ko yung apat na nasa tapat ng gate ng Academy. Pinuntahan ko naman sila.

"Hey! Anong ginagawa niyo rito?" Sabi ko sa kanila kaya napalingon sila sa akin

"Ikaw pala, Sakura. Napadaan lang kami dito." Sabi ni Ino.

"Wala pa ring pinagbago ang Academy." Sabi ni Hinata.

"Kung gusto niyo, maglibot muna tayo sa Academy bago tayo pumunta kay Master Tsunade" sabi ko.

"Pwede ba?" Tanong ni TenTen

"Oo naman." Sabi ko.

"Sige ba! Gusto ko ang ideyang iyan." Sabi ni Temari.

"Tara na." Sabi ko at nauna ng pumasok at sumunod naman sila sa akin.

Pinagtitinginan naman kami ng mga estudyante pero dinedma na lang namin. Naglibot lang kami sa Academy at tama ang sinabi ni Hinata. Walang pinagbago ang Academy.

"Isa na lang ang hindi natin napupuntahan" sabi ko

"Ang rooftop." Sabi ni Ino

"Pupunta ba tayo?" Tanong ni TenTen

"Pumunta na tayo doon. Lubos-lubusin na natin ang paglilibot dito." Sabi Temari kaya napatango kami.

Maglalakad na sana ako kaso may biglang humawak ng kamay ko. Napatingin naman ako sa batang lalaki na nakatingin sa akin at hindi binibitawan ang kamay ko

"May problema ba?" Sabi ko at yumuko para pantayan siya.

Ngayon ko lang napansin na parang may kamukha siya. Hindi ko lang maalala kung sino, at isa pa, ang cute cute niya! Nakatingin naman sa amin sila Ino.

"Kilala ko po kayong lima." Kumunot naman ang noo namin sa sinabi ng bata.

Tumingin naman siya kay Temari at itinuro siya.

"Ikaw po ang girlfriend ni Tito Shikamaru." Sabi ng bata kaya nagulat si Temari.

"Ikaw po ay girlfriend ni Tito Neji." sabi pa ng bata at tinuro din si TenTen

"Girlfriend ka naman po ni Tito Sai. " Sabi niya at itinuro si Ino

"Ikaw naman po ang girlfriend ni Tito Naruto." Sabi niya at  tinuro si Hinata.

At ang huli ay tiningnan niya ako sabay ngiti ng malapad.

"At ikaw naman po ang girlfriend ng Tito Sasuke ko!" Sabi niya.

Nagkatinginan naman kaming lima dahil sa sinabi ng bata. Tumikhim naman ako at tiningnan ulit ang bata. Nanlaki ang mata ko ng maalala ko na kung sino ang kamukha ng batang ito. Pero kailangan ko munang makasiguro.

"Pwede ba naming malaman kung ano ang buo mong pangalan?" Tanong ko.

"Ang pangalan ko pa ay Uchiha Itasuke!" Napangiti naman ako sa sinagot niya.

Pinasadahan ko ng tingin yung apat at mukhang pareho kami ng iniisip. Ang batang ito ay anak nila Ate Mia at Kuya Itachi. Kamukha siya ni Kuya Itachi....

" Itasuke!" Napatingin naman yung bata sa tumawag sa kanya.

Habang ako naman ay parang naestatwa dahil kilala ko ang boses na iyon.

"TITO!" Bulalas ng bata at tumakbo palayo sa amin.

Tumayo ako ng maayos at tiningnan ang apat na nakatingin na din sa akin. Sabay sabay naman naming tiningnan ang mga kasama ng bata na nakatingin na rin sa amin ngayon. Ngumiti naman ako. Hindi ko akalaing magkikita kami agad.

' Sasuke... '

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon