Chapter 3

0 0 0
                                    

Chapter 3

His POV

"Huwag mo sabihing..... Pumunta talaga sila doon?" Tanong ni Naruto.

"Mukhang ganon na nga..." Sabi ko.

Napatingin naman kami kay Neji ng magsimula na itong tumakbo papunta roon. Nagsitanguan naman kami at sinundan siya.

........................................................
Third Person POV

Nanlaki ang mata ng limang dalaga nang makita ng malapitan ang bahay na nasusunog. Hindi lang ito basta bahay, isa itong mansyon...

"Ang laki na ng apoy..." Sambit ni Sakura

"Hinata, nasaan ang tatlong bata?" Tanong ni Temari.

"Nasa Second floor sila..." Sabi ni Hinata at parang naiiyak na dahil nakikita niya kung gaano katakot ang tatlong bata.

"Kaming dalawa ni Ino ang papasok" sabi ni Sakura kaya napatango ang lahat.

"At kayong tatlo naman, magstand by muna kayo at bantayan ang katawan ni Ino" utos ni Sakura.

"Akala ko ba sasamahan kita sa loob?" Takang tanong ni Ino.

"Sasamahan mo nga ako, pero hindi mo gagamitin ang katawan mo." Sabi ni Sakura.

Ang ibig sabihin ni Sakura ay gusto niyang gamitin ni Ino ang shin ten shin technique.

"Tulong!" Napatingin naman silang lahat sa mansyon.

Nagawi ang tingin nila sa bintana sa taas na nakasarado, kung saan pinipilit itong buksan ng isang batang lalaki sa loob.

"Pasukin mo ang katawan ng bata! Bilisan mo at wala na tayong oras!" Sigaw ni TenTen kaya agad ng isinagawa ni Ino ang kanyang Technique

Ilang saglit pa ay natumba na ang katawan ni Ino kaya agad itong sinalo ni Temari.

"Ikaw naman Sakura!" Tumango naman si Sakura at agad na pumasok sa loob ng mansyon.

Pagkapasok niya ay halos wala ng siyang madaanan dahil sa mga gumuhong gamit sa mansyon. Pero pinilit pa rin ni Sakura na makaakyat kung nasaan ang tatlong bata. Nang malapit na sana siya sa kwarto ng mga bata, biglang may bumagsak na chandelier na may apoy.

Naiwasan niya naman ito ngunit hindi ang mahaba niyang buhok. Nasunog ang halos kalahati ng buhok niya kaya kinuha niya ang kanyang Kunai at pinutol ang kanyang buhok. Dahil kung hindi, ang buong buhok niya ay masusunog.

Kahit na nanghihinayang ay hindi niya na lang ito ininda at patuloy na pumunta sa kwarto. Nang makarating na siya ay agad niya itong sinipa. Nakita niya naman ang sinaniban ni Ino na pinapatahan ang dalawang batang.

"Ino..."

Tumingin si Ino kay Sakura at nanlaki ang mata niya ng makita ang buhok ni Sakura.

"Anong nangyari sayo?!" Bulalas nito ngunit hindi siya pinansin ni Sakura at dumeretso sa dalawang bata.

"Huwag na kayong umiyak... Ilalabas namin kayo rito" sabi niya at tumango naman ang mga bata.

Binuhat ni Sakura ang isa habang si Ino naman ang bahala sa isa. Lumabas sila ng kwarto. Bababa na sana sila kaso may biglang gumuho sa may mismong hagdan kaya hindi na sila makakadaan sa doon.

"No choice, kailangan natin pumunta sa bubong." Sabi ni Sakura.

Umakyat sila sa attic at pumunta sa may bubong ng bahay. Tumuntong sila doon at tinanaw sila Temari ,Hinata at TenTen sa baba.

"Gumawa kayo ng pwedeng sumalo sa mga bata!" Sigaw ni Ino kaya agad na kumilos ang tatlo.

Nanghanda sila ng tela at hinawakan nilang tatlo ito para doon mahulog ang mga bata.

"Handa na!" Sigaw nila kaya napatango ang dalawa sa taas.

Unang inihulog ni Ino ang batang dala niya at nasalo naman ito sa baba. Ganon din ang ginawa ni Sakura sa batang dala niya.

Pagkatapos ay silang dalawa naman ni Ino ang tumalon. Hindi na sila sinalo ng tela dahil kaya na naman nila ang sarili nila.

Makakahinga na sana sila ng maluwag ng may napansin silang sumusilip na lalaki sa may puno kaya napatingin sila dito. Nagulat naman sila ng bigla sila nitong pinaulanan ng shuriken.

"Aba't, tarantado iyon ah!" Sigaw ni Temari.

"Mukhang siya ang may pakana ng sunog."  sabi ni TenTen.

"Sundan natin" sabi ni Sakura at sinundan ang lalaki.

Sumunod naman sa kanya sila Temari at TenTen para tulungan siyang hulihin ang lalaki. Habang sila Hinata at Ino ay binantayan ang mga bata.

Naabutan naman agad ng tatlo ang lalaki kaya agad nila itong inatake. Ginamit ni TenTen ang mga shuriken niya at pinaulanan ang lalaki nito. Ginamit naman ni Temari ang pamaypay niya para gamitin ang wind technique sa lalaki. Habang si Sakura naman ay sinuntok ang lupa para tumigil ang lalaki sa pagtakbo.

Nag-apir naman sila ng nawalan ng malay ang lalaki. Agad naman nila itong itinali.

........................................................
His POV

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa lugar kung nasaan ang grupo ni Sakura. At nadatnan namin ang bahay na nasusunog at sila Ino at Hinata na inaasikaso ang mga bata.

"Hinata!"

"Miss ganda!"

Sabay na sigaw nila Naruto at Sai saka pinuntahan ang dalawang babae.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ni Hinata.

"Nabalitaan kasi namin na pumunta kayo rito." Sabi ni Shikamaru.

"Nasaan si TenTen?" Tanong ni Neji.

"Nandito ako" napatingin kami sa dalawang babae na kakarating lang.

Sila Temari at TenTen ito at may kasama itong lalaki na nakagapos. Tinulak naman ni Temari ang lalaki hanggang sa nadapa ito.

"Siya ang may gawa ng sunog, umamin na siya sa amin." Sabi ni Temari.

Nilapitan naman ni Shikamaru ang lalaki.

"Kilala ko siya. Siya suspect sa panununog ng bahay sa kabilang bayan" sabi ni shikamaru kaya napatango ang lahat.

' Ako lang ba ang nakakapansin na wala si Sakura dito? '

"Nasaan si Sakura?" Tanong ko kay napatingin sila sa akin.

"Hindi ko alam na hinahanap mo rin pala ako, Sasuke..."

Tumingin kaming lahat kay Sakura na kakarating lang. Nanlaki ang mata ko ng mapansin ko ang buhok niya. Nginitian niya ako.

"What's up, Sasuke kun."

What happened to her?.....

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon