Chapter 14

0 0 0
                                    

Chapter 14

Third Person POV

Magkakasama ngayon ang apat na babae at apat na lalaki sa labas ng hospital. Nasa lilim sila ngayon ng sobrang laking puno.

"Wait lang... Bakit tayo magkakasama? Akala ko may sasabihin ka sa akin, Hinata?" Sabi ni Naruto.

"Akala ko ba magpapatulong ka sa aking kunin ang mga flower na pinadeliver mo?" Sabi naman ni Sai kay Ino.

"Akala ko ba may pag-uusapan tayo, TenTen?" Sabi ni Neji.

"At akala ko rin na may itatanong ko sa akin, Temari? Ano bang nangyayari?" Sabi naman ni Shikamaru.

Natawa naman ang mga babae sa reaksyon ng nga lalaki.

"Seryoso kayo? Wala ka talagang ideya, ha Shikamaru?" Tanong ni Temari.

Kumunot naman ang noo nila habang si Shikamaru ay napaisip.

"Huwag mong sabihin inaya niyo lang kami dahil gusto niyong iwan sila Sasuke at Sakura sa loob?" Sabi ni Shikamaru.

"Nadali mo!" Bulalas ni Ino.

"Para namang magka-moment ang dalawa ano!" Sabi naman ni TenTen

"Pasensya na kung hindi namin sinabi sa inyo.." sabi naman ni Hinata

Nagkatinginan naman ang mga lalaki na kalaunan ay biglang ngumisi kaya nagtaka ang mga babae.

"Kung ganon....lubus-lubusin na natin ang pag-iwan sa kanila." Nagulat naman ang mga babae sa sinabi ni Naruto.

"Tara TenTen, date tayo!" Sabi ni Neji at hinatak paalis si TenTen.

"Tayo rin, Miss Ganda!" Sabi ni Sai at hinatak rin si Ino.

"Tara Hinata! Ililibre kita ng ramen!" Sabi naman ni Naruto at si Hinata naman ang hinatak.

Ngayon ay sila Temari at Shikamaru na lang ang natira.

"Hindi ako sasama sa---"

"Manahimik ka! Sasama ka sa akin!" Sigaw ni Shikamaru kaya nagulat si Temari.

Hinatak naman ni Shikamaru si Temari palayo sa hospital.

........................................................
Her POV

' Nakakailang...'

Iyan ang nasa isip ko habang kumakain ako ngayon. Nandito pa rin kasi si Sasuke at nakatingin sa bintana. Inaasahan ko kasi na aalis rin siya kagaya ng iba. Pero nandito pa rin siya.

"Sapat na ba iyan sayo?" Nagulat ako ng bigla siyang nagtanong.

Pinasadahan ko naman siya ng tingin pero ang atensyon niya ay nasa bintana pa rin.

"Huh?" Sabi ko dahil di ko naman alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Yung pagkain mo? Sapat na ba iyan?" Sabi niya.

"Ah.... Oo, sapat na sa akin ito" sabi ko.

Nagpatuloy naman ulit akong kumain. Pero dapat may pag-usapan pa rin kami di ba? Kaso ano naman kaya ang pag-uusap namin? Mag-isip ka Sakura! Isip!

"Ahm...Sasuke, gusto mo maglakad-lakad sa labas?" Tanong ko sa kanya.

"Ayoko" sagot niya.

"Pero maganda ang panahon ngayon, magandang maglakad-lakad sa labas" sabi ko

"Hindi pwede, kakagising mo lang at hindi ka pa gaano magaling" sabi niya kaya nagulat ako.

Pinagmasdan ko naman siyang pumunta sa kama ko at tiningnan ang sinulat kong essay.

' Nag-aalala pala siya sa akin...'

Napangiti na lang ako sa naisip ko.

"What's this?" Tanong niya habang hawak-hawak ang essay ko.

"It's an essay" sabi ko at niligpit na ang kalat ko sa lamesa.

Tumahimik siya bigla kaya nagtaka ko. Humarap ako sa kanya at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap....ng sobrang higpit...

"S-Sasuke..." Sabi ko.

Sobrang higpit ng yakap niya sa akin at sa anumang dahilan ay ramdam ko ang takot niya.

"May problema ba?" Sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

Sh*t! Hindi ako sanay na nagkakaganito si Sasuke!

"Nothing....Just let me hug you..." Bulong niya sa akin.

Napalunok naman ako ng wala sa oras. P*ta! Ang bilis ng tibok ng puso ko...

' Ano bang nangyayari kay Sasuke? '

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon