Chapter 11

0 0 0
                                    

Chapter 11

Her POV

Unti unti kong iminulat ang mata ko at bumungad naman sa akin ang puro puting paligid.

' Nak ng! Patay na ba ako?! '

Nalaman ko na nakahiga pala ako kaya agad akong bumangon. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong nasa hospital ako.

' Akala ko patay na ako... '

Tumayo ako at pumunta sa bintana at binuksan ito para makalanghap ng sariwang hangin. Napatingin naman ako sa pinto ng may magbukas nito at iniluwa nito sila Mama at Papa. Nagulat sila ng makita nila ako.

"Sakura!" Bulalas nila at niyakap ako ng mahigpit.

Napangiti naman ako at niyakap sila pabalik. Naramdaman ko naman na humikbi si Mama kaya lumayo ako sa kanila.

"Ma! Bakit ka umiiyak! Naiiyak na rin tuloy ako!" Sabi ko at pinunasan ang kaunting luha sa mata ko.

"Nag-aalala kami ng sobra sayo! Akala namin mamamatay ka na!" Sabi ni Mama at pinunasan ang mga luha niya.

"Mama, Papa.... Okay na ako,buhay pa ako oh!" Sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Bakit ba tayo nagda-drama rito? Pakainin na muna natin si Sakura!" Sabi ni Papa.

Speaking of, nagugutom na ako ng sobra. Umupo na ako sa tapat ng lamesa at pinagmasdan si Mama na maghanda ng pagkain.

"Ilang oras ba akong walang malay?" Tanong ko sa kanila at nagsimula ng kumain.

Nagkatinginan naman sila.

"Anong oras pinagsasabi mo diyan? Tatlong araw kang walang malay." Sabi ni Mama.

Muntik ko namang maibuga ang pagkain na nasa bibig ko dahil sa gulat. Kumuha naman ako ng tubig at agad na ininom ito.

"Seryoso? Tatlong araw talaga?" Paniniguro ko.

"Oo nga, mukha ba kaming nagbibiro?" Sabi naman ni Papa.

No wonder na gutom na gutom ako=_=

( Fast forward )

"Iwan ka muna namin dito ah..." Sabi ni Papa.

"May trabaho pa kasi kami.." sabi naman ni Papa.

"Okay lang po iyon.." sabi ko.

Ngumiti sila at niyakap ako bago umalis. Nalaman ko na isang linggo ako mananatili rito ayon daw kay Master Tsunade. Kailangan ko siyang sundin dahil ang idol ko mismo ang nagsabi.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at binuksan ko ito. Tinawagan ko naman si Ino. Malamang magugulat sila na gising na ako.

"Hello..." Sabi ko ng sagutin na niya ang tawag ko.

"SAKURA?!" Bulalas niya este--
nila pala.

Nailayo ko naman ang cp ko sa tenga ko.

"Grabe naman kayo! Ganyan talaga ang bungad niyo sa akin?" Sabi ko at pumunta sa bintana.

"Gising ka na?!" Tanong ni Ino.

"Ay hindi! Kaluluwa na lang ang kausap niyo.." sabi ko.

"Gising ka na nga! Wait! Pupunta na kami dyan!" Sabi ni Ino at ibinaba na ang tawag.

Napangiti naman ako, namiss ko sila... Gusto ko ring tanungin sa kanila kung ano ang nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay...

Pero ang pinaka gusto ko ay.... Pumunta rin si Sasuke rito

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon