Chapter 22

0 0 0
                                    

Chapter 22:

( Flash back Continuation )

Her POV

Nandito ulit kami sa park at nakaupo ako sa mismong taas na bakal ng swing kasama si Temari. Habang sila Ino, Hinata at TenTen ay nagduduyan sa baba.

"Uy alam niyo ba?---"

"Malamang hindi pa!" Napasimangot naman ako dahil sa pagputol nila sa sasabihin ko.

"Ano ba kasi iyon?" Tanong ni Hinata.

"Alam ko na kung sino ang lalaking nakita ko kahapon!" Sabi ko.

"Talaga? So sino siya?" Tanong ni Ino.

"Hindi naman totally na alam ko na kung sino siya. Ang alam ko lang ay kung ano ang family name niya." Sabi ko.

"So ano nga?" Tanong naman ni TenTen.

"Uchiha ang family name niya." Sabi ko.

"Talaga?!" Bulalas ng tatlo sa baba.

Inaasahan ko na ganyan ang magiging reaksyon nila. Kilala ang pamilya ng Uchiha sa larangan ng pagiging ninja. Lalong lalo na si Uchiha Itachi na isang jonin na ngayon at napakagaling na ninja.

"Uchiha Sasuke" napatingin naman ako kay Temari dahil sa sinabi niya.

"Huh?" Sabi ko.

"Si Uchiha Sasuke ang tinutukoy mong lalaki. Siya lang naman ang na iisip kong miyembro ng pamilya nila na kaedad natin." Paliwanag niya.

"Sasuke.....Ang ganda naman ng pangalan niya." Sabi ko at ngumiti.

"Ayiiiee! Si Sakura, may crush kay Sasuke!" Asar nila kaya medyo namula ako.

Crush? Crush ko nga ba siya?

"Magnanakaw!" Napatigil kami dahil sa sumigaw na babae.

Napatingin kami sa may tulay at may nakita kaming lalaking tumatakbo habang hawak ang bag na pambabae.

"Kawawa naman yung babae!" Sabi ni Hinata.

Agad naman kaming bumaba ni Temari.

"Habulin natin. Tutal, balak natin maging ninja. Ituring na natin itong, unang misyon natin" sabi ko.

Nagtanguan naman kami at sabay-sabay na tumakbo. Hindi namin alam kung saan pumunta yung magnanakaw kaya naghiwa-hiwalay kami.

........................................................
Third Person POV

Tumatakbo pa rin ngayon ang batang Sakura at hinahanap ang lalaking magnanakaw.

"Nasaan na ba kasi siya?!" Sigaw niya sa sarili.

Hanggang sa may nakita siyang tumatakbong lalaki at nalaman niya na ito ang hinahanap niya.

"Hoy!" Sigaw niya kaya naalerto ang lalaki at  mabilis na tumakbo.

Agad niya naman itong hinabol. Ngayon niya lang nalaman na medyo bata pa ang lalaki. Siguro mga nasa dose anyos pa lang ito.

"Sandali lang!" Sigaw niya dito pero mas binilisan pa nitong tumakbo.

Mas binilisan din ni Sakura ang pagtakbo pero hindi niya talaga maabutan ang lalaki. Kaya ang ginawa niya ay umakyat siya sa may bakod na nadaanan niya at doon tumakbo. Nang medyo malapit na siya sa lalaki ay agad siyang tumalon para daganan ito. Gumana naman ang plano niya na patigilin ang lalaki sa pagtakbo dahil nakadagan siya dito.

Kaso ramdam niya ang hapdi sa siko niya dahil nagasgas ito, pagkabagsak siya kanina. Nagulat naman siya ng may nakita siyang pares ng paa kaya napaangat siya ng tingin.

Nanlaki ang mata niya ng makilala ang may ari ng mga paa.

' Si Uchiha Sasuke! ' sabi ng isip niya

Nagulat naman siya ng biglang naglikot ang lalaki dahil gusto nitong makawala.

"Tulungan mo ako!" Sigaw nito sa kanya

Agad namang kumilos si Sasuke at tinulungan si Sakura na pigilan ang magnanakaw. Makalipas ang ilang segundo ay dumating na ang mga pulis at hinuli ang lalaki.

Kinausap muna sila Sakura at Sasuke ng mga pulis bago sila hinayaang umalis. Sinusundan naman ni Sakura si Sasuke.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" Biglang tanong ni Sasuke pero nginitian lang siya ni Sakura.

"Ikaw si Sasuke, tama ba?" Sabi ni Sakura.

"Oo, bakit?"

"Ako naman si Sakura! Haruno Sakura!" Masiglang pagpapakilala ni Sakura.

' Sakura pala ang pangalan niya....Bagay sa kanya... ' sa isip isip ni Sasuke.

Tumango lang si Sasuke at naglakad ulit kaso sinundan pa rin siya ni Sakura. Medyo naiinis na nga siya kaso may part sa kanya na gusto niyang hayaan lang si Sakura.

Bumuntong hininga siya at may kinuha sa may bulsa niya. Isa itong band aid. Inabot niya naman ito kay Sakura kaya nagulat ito.

"Ilagay mo iyan sa sugat mo, baka maimpeksyon iyan" sabi niya nang tanggapin na ni Sakura ang band aid.

"At pakiusap, huwag mo akong sundan. Nakakairita! Kagaya ka ng mga ibang babae." Sabi nito at nauna ng maglakad.

Hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya pero ang hinihiling niya ay sana hindi sumama ang loob ni Sakura.

Si Sakura naman ay walang pakialam sa sinabi niya at nilagyan ng band aid ang sugat niya. Nakahawak naman siya sa dibdib niya dahil ang bilis ng tibok ng puso nito. Napangiti naman siya sa kawalan.

Simula non ay madalas ng nagkikita ang dalawa dahil nasa iisa itong school at lagi niyang kinukulit si Sasuke. Ang akala ni Sakura ay may gusto siya kay Sasuke pero napagtanto niya na hindi iyon ang nararamdaman niya.  Hindi niya gusto si Sasuke at may ibang ibig sabihin ang nararamdaman niya....

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon