Chapter 25

0 0 0
                                    

Chapter 25

Her POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nakikipagtitigan sa kisame.

' Simula ngayon ay nililigawan ko na si Sakura. '

"KYAAHHHH!!!" Pagtili ko at nagpagulong-gulong sa kama ko.

"Hoy, Sakura! Baka gusto mong hinaan iyang boses mo! Nakakahiya sa mga kapitbahay!" Sigaw sa akin ni Mama.

' Pangit namang kabonding nito! =_= '

Bumuntong hininga na lang ako at ipinikit ang mga mata ko para matulog.

( Kinabukasan )

Naalimpungatan ako ng tumunog ang alarm clock ko kaya agad kong pinatay ito. Napahikab ako at saka bumangon. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay bumungad sa akin sila Mama at Papa.

"Nakakagulat naman kayo!" Sabi ko.

Nagtaka naman ako ng tingnan nila ako ng seryoso.

"May sundo ka" sabi ni Papa at itinuro ang sofa.

Nanlaki ang mata ko ng makita doon si Sasuke na prenteng nakaupo habang umiinom ng kape.

"Good morning." Sabi niya

"Hoy, Sakura. Bakit hindi mo sinabi sa amin na may manliligaw ka na pala?" Sabi ni Mama.

"At ang ultimate crush mo pa ha!" Sabi naman ni Papa.

Napamaang naman ako. Nak ng! Sinabi niya na!

"Hehehe..." Sabi ko na lang at agad na nilapitan si Sasuke

"Anong gingawa mo rito?" Bulong ko sa kanya

"Sinusundo ka. Sabay na tayong pumasok sa school" sabi niya.

"Sakura! Bilisan mo at maligo ka na! Huwag mong paghintayin si Sasuke!" Sabi ni Mama at tinulak ako papuntang banyo pagkatapos akong bigyan ng tuwalya.

( Fast forward )

"Mag-iingat kayo!" Sabi ni Mama bago kami lumabas.

Pagkalabas namin ay agad na sumakay si Sasuke sa bike ko kaya umupo na ako sa angkasan.

"Kumapit ka ng maayos." Sabi niya.

Kumapit naman ako sa damit niya kaso hinawakan niya ang kamay ko ay pinayakap sa bewang niya. Nagsimula naman siyang magpedal.

"Pasalamat ka may angkasan ang bike ko kung hindi baka naglalakad tayo ngayon." Sabi ko sa kanya pero hindi siya sumagot.

Hindi na ako dinaanan ng apat dahil alam na raw nila na susunduin ako ni Sasuke. Oh diba? Ang galing nilang magpredict!

Ilang saglit pa ay nakarating na kami agad sa school kaya bumaba na ako sa bike at ganon din si Sasuke. Pinark niya naman ng maayos ang bike ko habang ako naman ay hinahanap sila Ino at pati na rin sila Naruto dahil malamang nandito na iyon.

"Tara na!" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

(。・//ε//・。)

Nagsimula namang maging bubuyog ang mga estudyante sa paligid. Pero wala akong pakialam sa kanila, dedma lang tayo mga girl. Inggit sila sa beuty ko eh😏

Pinuntahan naman namin ang iba pa naming kaibigan. Bibitaw na sana ako sa pagkakahawak ni Sasuke kasi pupuntahan ko sila Ino kaso mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin

"Uy! Bitaw na! Pupuntahan ko sila Ino" sabi ko pero hindi niya ako pinansin at sabay kaming pumunta sa kinaroroonan nila

"Good morning!" Bati ko sa kanilang lahat

"Good morning din,. Sakura chan." Sabi ni Naruto.

"Mukhang maganda ang araw mo ah!" Sabi naman ni Sai

"Sana all my love life" sabi naman ni Shikamaru

"Uso na pala ang holding hands kahit nagliligawan pa lang" napatingin naman kami kay Neji.

Bigla naman akong hinatak nila Ino palayo kay Sasuke.

"Excuse me lang ha. Kailangan pa naming pumasok." Sabi ni Ino.

"Mamaya mo na kayong magligawan." Sabi naman ni TenTen.

"Sang-ayon ako, masungit kasi ang first teacher namin kaya hindi kami pwedeng malate." Sabi naman ni Hinata

"Mauna na kami sa inyo." Sabi naman ni Temari at saka kami sabay sabay na umalis.

I dont like him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon