Chapter 1

39 9 0
                                    

Heaven's POV.


"Avi, ikaw na lang bahala sa report natin bukas ah? Uuwi na kasi ako kasi walang magbabantay sa bahay namin." malungkot ang tono ng pagkakasabi ni Eya.





"Uuwi daw pero pupunta pala sa mall dahil makikipag meet up sa kalandian niyang senior high student." mahinang bulong ng pinsan kong si Gael sa aking gilid.





Mahina ko naman siyang siniko kaya tinignan niya ako ng masama. Napabalik naman ang tingin ko kay Eya na masama na rin ang tingin kay Gael.





"Ayos lang Eya," saad ko kaya narinig ko naman ang pagbato ni Gael sa hawak niyang notebook sa kabilang upuan.





Nagulat tuloy ang iba naming kaklase na nagpaiwan rin dito sa classroom para tapusin ang mga reportings namin.





"Salamat talaga, Avi!" masayang saad ni Eya at niyakap pa ako. "Sorry talaga magbabantay kasi talaga ako ng bahay namin eh."





"Ayos lang," walang gana kong saad sa kaniya at ngumiti ng pilit. "Pero bukas hindi na kita ililista kasi wala ka namang na ambag sa reporting natin maski nga print na lang ang gawin mo di mo rin na gawa kaya ayos lang na umalis ka ngayon. Hindi ka na rin namin ililista."





Bigla na lamang siyang nagdabog sa mga sinabi ko kaya nagulat na naman ulit kami.





"Alam mo napaka-selfish mo! Parati ka na lang ganyan. Palibhasa pabida ka kasi sa mga teachers natin." malditang saad nito napataas pa ang aking kilay dahil sa sinabi niya.





Susugurin na sana siya ni Gael ngunit nahawakan ko kaagad ang pinsan ko at si Eya naman ay bumalik na sa upuan niya at malamang ay masama ang timpla niya ngayon dahil sa sinabi ko.





"Gagawin rin naman pala ang report, kailangan lang pala na sabihan na hindi isasali sa grupo." bulong ni Gael. "Akala niya siguro lahat na lamang ng sasabihin niya ay pagbibigyan natin."





Palagi naman na kasing tumatakas itong si Eya sa mga gawain namin sa school at palagi niyang alibi ay magbabantay ng bahay nila.





Tapos makikita na lang namin na minsan nasa mall, park, o sa mga mini bar dito sa amin at nagpapakita doon sa mga kalandian niya.





Wala naman na akong paki kung sasabihan niya ako ng mga salitang pabida, maldita at mga kung ano-ano pa dahil palagi naman niya iyang ginagawa. Immune na ako sa ugali ng babaeng yan.





"Umupo ka na nga lang diyan. Ito trabahuin mo oh kailangan natin iyan para bukas." saad ko kay Gael at agad naman niya akong sinunod.





Magdidilim na pero hindi parin kami umuuwi dahil sa mga gawain at responsibilidad namin dito sa school.






"Bukas na lang kaya natin ito tapusin? Napapagod na ako dito eh." reklamo ni Gael.






"Hindi pwede dahil mas maganda na prepared tayo ngayon." sagot ko sa kaniya.






Hindi naman nagtagal ay natapos na namin ang ibang gawain kaya napagpasyahan na lang namin na umuwi na dahil dumidilim na sa labas.






"Ako na lang ang magtatapos nito hindi naman na marami ang gagawin ko," saad ko sa mga kagrupo ko. "Salamat sa pagtulong niyo, gigising na lang ako ng madaling araw para matapos 'to at tsaka nandito naman si Gael makakatulong siya sa akin."






My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon