Chapter 5

31 4 0
                                    


"Hello, Lola!" mataas na bati naming tatlo ng makarating kami sa bahay ni lola dito sa Cebu.





Tumakbo agad kami sa kaniya at mahigpit itong niyakap.





"Namiss ko kayong tatlo," saad ni lola sa amin at hinalikan kami sa ulo.






"Gael?!" malakas na sigaw ng mga magulang ni Gael ng makita siya ng mga ito. Ngumiti naman ng malaki ang pinsan ko.






"Hello mama at papa nandito na po ako!" maligaya naman niyang saad at tumakbo sa mga magulang niya.







Sinalubong naman siya ng mga ito ng mahigpit na yakap. Lumapit naman kami sa mga ito at kami naman ang bumati sa kanila.






"Ang laki niyo na," saad ni Tita Giselle at mahigpit kaming niyakap.






"Bago magkaroon ng drama session dito kumain na muna tayo nagpahanda ako." nakangiting aya ni lola kaya sumunod naman kami at pumunta sa dining area ng bahay.






"Ma, maglilibot muna ako sa labas ah?" pagpapaalam ko kay mama ng matapos na kaming kumain at ng matapos ko na ring ligpitin ang mga gamit ko.






"Sige basta mag iingat ka hindi ka pamilyar sa lugar na ito." pagpapaalala niya sa akin.






Nakangiti naman akong lumabas ng bahay. Ako lang mag isa ang maglilibot dahil si Gael ay nandoon sa kanilang bahay kasama ang mga magulang niya. Si Heather naman ay sumama rin sa kaniya.






Actually nasa likod lang ng bahay nila lola ang bahay nina Gael pero dahil mukhang namiss niya ang pamilya niya kaya nandoon muna siya.






Malapit ang bahay nila lola sa isang beach. Kasunod na kasi nito ay ang negosyo niyang resort na matagal nilang pinag ipunan ni lolo para lang lumago ito.






Naging kilala naman ang resort at palaging binabalikan ng mga tao. Yun nga lang kaya kami dito na titira dahil wala ng makakapag-manage nito ng maayos dahil pati ang mga magulang ni Gael ay hindi na ito mapagtuunan ng pansin.






Kaya napagpasyahan na lamang ni papa na siya na lang mag asikaso nito. I'm not familiar with our province Cebu. At pati na rin dito sa resort kaya dapat talagang mag ingat ako lalo na at wala akong kasama.






Pumunta ako sa may dalampasigan at tinignan ang alon ng dagat. Hindi masakit sa balat ang init ngayon kaya marami akong mga tao na nakikitang naliligo ngayon sa dagat.






Makikita lang naman sa parte kung nasaan ako ngayon ang mga guests ng resort kaya alam ko na marami silang naliligo ngayon.






Nilublob ko na lamang ang aking mga paa sa tubig at ngumiti ng dumampi sa aking paa ang hindi ganoon ka lamig at hindi rin ganoon ka init na tubig dagat.





Kinuha ko ang aking cellphone at kumuha ng mga larawan sa paligid.




"Ang ganda dito," I whispered to myself. Hindi ako tumigil kakakuha ng larawan ng hindi ako mapagod.





Naglakad ako papuntang entrance ng resort. Hindi na ako nagulat ng makilala kaagad ako ng mga empleyado doon kasi pinakilala na kami ni lola noong una pa lang.






"Good afternoon, maam." nakangiting bati nila sa akin.






"Good afternoon din po." balik kong bati sa kanila at pumasok na sa loob ng resort.





Gusto pa sana nila akong samahan sa loob ng resort pero pinigilan ko na lang sila.






Gusto ko kasing mapag isa ngayon para may lonely moment din ako pagmay-time.





Pumunta ako sa may dagat ulit at kung mas maganda kanina ang aking mga nakita ay mas doble pa ang ganda nito ngayon pag nandito ka sa loob ng resort.





Manghang mangha ako sa aking mga nakikita ngayon. Kung ganito naman pala palagi ang makikita ko dito na lang ako titira.






Kumuha muna ako ng ilang mga larawan at pagkatapos ay nagpasiya akong maligo sa dagat. Marunong naman akong lumangoy kaya walang dapat na ikabahala.





Nakasuot ako ng swimming attire sa loob ng white t-shirt at shorts ko kaya deretso ko na lamang itong hinubad at inilagay sa isang tabi para balikan ko mamaya.





I'm not ashamed with my body. I had the confidence everytime and I didn't mind other people what they think about me. I am fond of wearing revealing clothes everytime Gael and Heather wants us to go out.





Hindi dahil gusto kong mabastos sa mga sinusuot ko it's just that I like the way I look in that certain clothes or outfit. It gives me more confidence about myself.





Mayroon lang talagang mga ibang tao na mas inuuna ang libog sa katawan kaya naghahanap palagi ng mga binibiktima nila. Girls clothing is not an invitation for you to grab her, invade her space and grind all up on her.





Pumunta na ako sa may dagat at nagsimula ng lumangoy. As soon as I started to swim I feel relaxed and all of the things that I think this past few days vanished.





Kung alam ko lang na dito lang pala mawawala ang mga bagay na pinago-overthinkan ko sana noon pa ako tumira dito.






Ilang ulit pa ako lumangoy hanggang sa umabot na ako sa kabilang pangpang ng dagat. Hindi matao ang parte na iyon pero may mga nakikita akong mga naglalaro ng volleyball na mga kaedaran ko rin.






Nang nakarating ako doon ay pansin ko na parang napapatingin sa akin ang ibang naglalaro doon lalo na iyong isang babae na naka-bikini na black.





Parang namumukhaan ko sila. Tinignan ko ulit ang mga ito at ng makilala kung sino ay namilog ang aking mga mata at napatakip sa aking bibig.





Sila yung magbabarkada na nakasalamuha namin kanina. Namula na lamang ng wala sa oras ang aking buong mukha kaya ipinangharang ko ang aking kamay at nagmamadaling tumalikod sa kanila at naghanap ng cottage na malayo at hindi nila ako makikita.





Bwiset kasi si Gael nananamay! Siya naman kasi ang may kasalanan at nangbubukas ng van ng hindi naman sa kaniya. Pero ako talaga ang nahihiya para sa kaniya gusto kong umiyak!






Mabilis akong naglakad na parang tumatakbo na rin. Sa sobrang bilis ng pag iwas ko sa kanila ay hindi ko namataan na may sasalubong sa aking bola at ayon humampas iyon sa aking mukha.






"Aray!" nasasaktang saad ko habang hawak ang aking mukha. Ganito na ba ako kamalas ngayong araw na ito?






"Amir! Ano ka ba naman pwede ka namang mag serve ng bola na mahina!" sigaw ng babae na sa palagay ko ay pinapagalitan niya iyong lalaking tumira kanina.






"Ayos ka lang bata?" isang malalim na boses ang nagtanong sa akin kaya napatingin ako dito at tinignan ito ng matalim.






Siya iyong lalaki na unang bumungad sa amin ni Gael noong binuksan niya ang van kanina. Plain lamang itong nakatingin sa akin. Ngayon ko pa lamang ito natitigan ng maayos.






He has tan skin, a perfect eyebrows, may matangos din siyang ilong, and he has a well-defined jaw. Pero hindi iyon ang dahilan kong bakit matalim ko siyang tinignan.






"Bata!? Sa laki ng dede ko tatawagin mo kong bata?!" galit na sigaw ko sa kaniya at agad siyang sinapak deretso sa ilong.






Maliitin mo na lahat huwag lang ako na may malaking future.

My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon