Author's Note: This chapter is dedicated to Miss_Kittxn thank you so much for always supporting me<:
I've never been hurt before, not until this girl from Manila comes into my life and broke me into pieces.
Papunta kami 'nun sa airport dito sa Cebu kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon. Sasalubungin lang naman namin sina papa na galing sa Manila.
Sa isang di inaasahang pagkakataon ay doon ko siya unang nakilala dahil lang sa nagkamali nang pagbukas ng van ang pinsan niya, akala nila kami na iyong magsusundo sa kanila dito sa airport.
May katamtaman lang ang kaniyang taas, maputi at singkit ang mga mata sa unang kita mo pa lang sa kaniya ay aakalain mong anak siya ng isang korean kahit na hindi naman. Tingin ko nga ay madaldal siya, tingin lang naman.
Akala ko hanggang doon na lang ang pagkikita namin nung araw na iyon ngunit nagkamali ako dahil nagkita kami doon sa isang resort malapit sa amin. At nalaman ko na lang din na sa kanila pala iyong resort.
Ang liit lang ng mundo namin, sinapak niya pa ako ang hanep. Para nga akong nahilo dun.
"Oh ito! Ilagay mo sa pisngi mo," saad sa akin ni Tali at ibinigay ang isang ice.
"Salamat."
Nung gabi ring iyon ay nakita ko sila ng kaniyang pinsan sa may harap ng tindahan, mukhang napagtripan sila ng mga tambay kaya kaagad na akong pumunta sa kinaroroonan nila. Mahirap na pareho pa naman silang mga babae.
I never thought na magkakasunod-sunod ang naging encounter naming dalawa. Minsan ay kasama niya ang kaniyang pinsan at minsan ay kasama niya iyong babae na kamukha niya na mukhang kapatid niya.
Tinulungan ko pa siya noong entrance exam nila, hindi naman talaga ako kasali sa mga magte-take ng exam pero nang makita ko siya na mukhang nam-mroblema ng malaman niyang may exam ay hindi na ako nag-dalawang isip pang pakiusapan ang nagbabantay na teacher sa kanila.
"Ma'am magte-take po ako ng entrance exam," napakunot naman ang noo niya sa akin.
"Bakit naman? Ang mga old students ay hindi na kailangang mag-take ng exam pa," tugon nito.
"E-eh kasi po nasa mood lang akong magsagot ng exam ngayon hehehe." pagsisinungaling ko sa kaniya at wala naman na siyang ibang nagawa at binigyan niya na ako ng testpaper.
Bigla namang tumalon ang aking puso nang magpasalamat siya sa akin noong gabi na iyon. Ang ganda nga talaga niya kapag ngumingiti siya.
Mas sumaya pa ako ng malaman na magka-klase kami hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito. Hindi ko naman ito nararamdaman noon sa ibang mga babae na ipinapapakilala sa akin ni papa.
Nung makita kong ang saya niyang tinatawag ang pangalan ng pinsan kong si Alpha ay biglang nag-init ang ulo ko sa lalaki. Kaya nung pumunta siya sa bahay namin para
kamustahin ang mga kapatid ko ay hindi ko siya pinansin. At mas lalong sinamaan ng tingin."May galit ka ba sa pinsan mo?" takang tanong ni mama.
"Wala naman po."
"Kung wala eh bakit kanina mo pa siya sinasamaan ng tingin? Natatakot na iyong pinsan mo kaya tigilan mo na iyan." saway nito sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako. Ayoko na talagang makita ang mukha niya.
Hanggang sa isang araw ay napapansin ko na lang ang sarili ko na nagkakaroon ng crush sa kaniya. Pero paghanga lang naman ang meaning ng crush diba?
BINABASA MO ANG
My safe haven
Teen Fiction"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022