"Handa na ba ang lahat ng mga gamit niyo?" tanong ni papa ng madaanan niya ang kwarto namin."Ayos na po papa." sagot namin ni Heather.
"Ayos na po tito," sagot naman ni Gael.
"Maghanda na kayo dahil mamayang hapon na ang alis natin." pagpapaalala niya pa.
"Tito pwede po bang lumabas muna kami may kikitain kasi kaming kaibigan muna saglit lang naman po." pagpapaalam ni Gael.
"Sige basta umuwi kayo kaagad."
Napa-yes kaming tatlo dahil sa sinabi niya. At kahit hindi sana namin dadalhin si Heather ay isinama na lang namin dahil wala daw siyang kakampi kapag magsimula ng magtanong ng iba't ibang bagay sina mama at papa.
Pupuntahan lang naman namin si Zandra katulad noong pangako namin sa kaniya na kapag aalis na kami papuntang probinsya ay tatawagan namin siya. Ngayon lang ay pupuntahan na lamang namin siya sa pinagt-trabahuan niya dahil kanina pa kami tumatawag sa kaniya at hindi niya ito sinasagot.
Working student itong si Zandra noon pa man. Nasa malapit lang naman ng village namin siya nagta-trabaho bilang isang waitress sa isang coffee shop.
Ayaw sana siyang tanggapin noong una dito pero dahil madali lang siyang matuto ay tinanggap na lamang siya. Pero binawasan ang oras na magt-trabaho siya dahil wala pa siya sa wastong gulang at natatakot ang manager ng coffee shop na ba'ka ay mapatawag sila ng police.
"Isang chocolate cake po," agad na saad ni Heather ng makapasok na kami sa coffee shop.
"Huy! Wala naman akong sinabi na kakain tayo. Makikipagkita lang naman tayo kay Zandra dito." saway ko sa kaniya.
"Ikaw lang ang huwag kumain ate kasi ako kanina pa gutom." saad nito.
"Zandra!" sigaw ni Gael kay Zandra na paparating kaya ayun nakuha niya tuloy ang atensyon ng ibang costumer kaya napayuko ako at napakamot sa aking ulo.
Pwede naman kasing tawagin niya ng mahina. Nakakahiya tuloy.
"Huy! Mamimiss ko talaga kayo huhuhuhu," naiiyak na saad ni Zandra. " Huwag niyo akong kalimutan ah kahit na makakakita kayo ng bagong kaibigan doon."
"Siyempre naman no! Hindi ko makakalimutan ang kaibigan kong walang filter ang bibig." naiiyak din na saad ni Gael.
"Huwag kang mag alala may messenger makakapag-video chat parin tayo." nakangiti kong saad sa kaniya.
"Ikaw din Heather huwag mo akong kalimutan. Huwag ka na sanang mangutang doon sa probinsya wala na ako dun." natatawang saad niya sa kapatid ko.
"Siyempre naman ate Zandra. Pero mangungutang parin ako sa inyo pwede niyo namang ipadala sa palawan hehehehe." sagot naman ng kapatid ko.
"Bakit ka ba nangungutang ha? Palagi ka namang binibigyan ng allowance nila tito at tita." nakataas ang kilay na saad ni Gael sa kaniya.
"Siyempre minsan nakukulang ang baon ko lalo na kapag may bibilhin kaming mga materials sa project namin." sagot naman nito at kinain ang kaniyang chocolate cake.
"Iba talaga kapag mayayaman," mahinang sambit ni Zandra. Tumingin naman siya sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay. "Mamimiss ko ang katarayan mo girl." saad niya at niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
My safe haven
Ficção Adolescente"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022