Chapter 21

29 1 0
                                        

"Kanin gusto niyo pa? Kukuha ako sa loob." Tumango lang kaming dalawa ni Heather kay Gael bago siya pumasok ulit sa loob ng bahay.

Nandito kami ngayon sa labas nasa harap ng dalampasigan. Sabado ng gabi ngayon at naisip kasi nila na maganda kung dito kami kumain kami lang namang tatlo ang nandidito. Maraming tao pero hindi naman sila naga-abala na lingunin kami kaya hindi na din ako nahihiya.

Tahimik lang akong kumakain ngunit may halong inis ito dahil parin sa nakita ko kahapon. Hindi man lang siya nag-abalang sundan ako. Why I'm acting like a jealous girlfriend?! Where in fact, manliligaw ko lang naman siya.

Hindi ako dapat magpadala sa mga ganoong eksena dahil hindi talaga nagiging exciting ang relasyon ng dalawang tao kapag walang ahas na tutuklaw sa isa sa inyo. At tsaka wala naman kaming relasyon ng lalaking iyon kaya hindi iyon dapat gawing big deal. Understood?!

"Ate ginagawa mong double-dead yung baboy," saway sa akin ni Heather sabay agaw sa akin ng baboy na kanina ko pa pala tinutusok at ngayon mukha na itong gutay-gutay. "May problema ka ba? Kahapon ka pa ganiyan hindi mo din pinansin si Amir nung nagpunta siya sa bahay."

Sumama na lang bigla ang mukha ko ng marinig ko ang ngalan ng lalaking iyon. "Wala!"

Napairap naman siya sabay ngisi na mukhang alam na niya kung bakit ako nagkakaganito. "Nagseselos ka no? Hahahaha dahil ba ito sa Tali na iyon na palaging bumubuntot sa bebe loves mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong 'bebe loves'? Mandiri ka nga," saad ko sa kaniya ngunit binigyan lamang niya ako ng nakakalokong tingin. "At tsaka hindi ako nagseselos no!" depensa ko sa sarili.


"Sige deny pa more!" natatawang sabi niya sa akin. Nginudngod ko tuloy sa bibig niya ang hawak kong isang fried chicken na kakainin ko na sana. "Ate!" mabilis niyang pag-angal kaya tinawanan ko siya.


Matapos naming kumain ay nanatili muna kami sa labas at nagpatuloy kami sa pag-uusap. Bigla namang dumating si mama na parang galit at naiinis na lumilinga linga sa paligid ng hindi makita ang kaniyang hinahanap sa loob ng bahay.

Tatawagin ko na sana ito ng mapalingon siya sa gawi namin at inis na naglakad papunta sa direksyon namin- mas tamang sabihin kay Heather. Nakasunod naman sa kaniya si lola na mukhang naga-alala.

Nang makalapit ito sa amin ay bigla niyang sinampal si Heather kaya napahawak ako sa aking bibig dahil sa pagkabigla. Si Heather naman ay nagsimula ng humikbi kaya agad akong tumulong na paghiwalayin sila.

"Mama tama na po," saway ko dito at tinatago sa likod ko si Heather.

"Huwag niyo akong pipigilan!" sigaw niya sa amin at hahablutin na sana ang kapatid ko buti na lamang at nahila siya ni lola.

"Tama na! Pag-usapan natin ito sa loob, maraming tao dito." saway ni lola at hinila sa loob si mama at pinasunod naman niya kami. Pagpasok ay doon na muling sumabog si mama at sinisigawan si Heather.


"Kailan mo pa tinatago ang lalaking iyon sa amin ha?!" sigaw ni mama habang dinuduro si Heather na umiiyak. "Kaya hindi ka tumataas sa klase dahil mas inuuna mo ang paglalandi!" dagdag pa nito.


"Tita tama na po," pigil ni Gael kay mama ngunit hindi naman ito nakinig sa kaniya, pumasok na din si Tita Giselle dito dahil sa narinig niyang sigawan. Sumama na din ito sa pagpipigil kay mama.


"A-ano ba ang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Tita kaya hinarap naman siya ni mama. Ako naman ay hinahawakan lamang ang balikat ng aking kapatid at inilalayo kay mama.


"Itong magaling kong anak mas inuuna pa ang lalaki kesa sa pag-aaral niya," mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy na 'lalaki' ni mama. "Kung hindi sinabi sa akin ng kaklase niya na mayroon na pala siyang kinakasamang lalaki ay hindi ko pa malalaman. Dinagdagan niya pa talaga ngayon ang pagkadismaya ko sa kaniya dahil sa nakita ko ang mga mababang grades niya."


My safe havenWhere stories live. Discover now