Chapter 16

19 2 0
                                    

Sabado ngayon at nandidito lamang ako sa bahay at nakatingin sa bintana sa mga taong nasa labas ang iba ay naliligo na sa dagat, mayroon ding mga nangingisda, at marami namang mga matatandang babae na nagkukumpulan.





Ganiyan naman palagi ang eksena nila kada-umaga magkukumpulan at pagkatapos ng araw palaging umuuwi ang mga iyan na busog sa chismis. Hindi ko na lamang sila pinapansin dahil ba'ka ako ang maging topic nila for today.





Wala sina Gael at Heather ngayon dahil pumunta sila ng resort kasama sina lola at papa. Si mama naman ay mayroon daw siyang pupuntahan hindi niya lang sinabi kung saan. Hindi na lamang ako sumama sa kanilang mga lakad dahil gusto kong mapag-isa dito sa bahay tapos naman na ako sa mga gawain ko dito kaya makakapagpahinga na ako.




"Avi," mahinahon na tawag sa akin ni Tita Giselle iyong mama ni Gael. Napatingin ako dito at ngumiti sa kaniya.




"Morning Tita, bakit po?" tumayo ako sa aking kinauupuan at nagmano sa kaniya at tinulungan siya sa kaniyang mga dalang groceries.




Si Tita Giselle ang palaging nag-aasikaso sa mga kakainin namin araw-araw hindi ko alam kung bakit nila ito pinapagawa sa kaniya kasi mayroon naman kaming mga katulong dito na pwedeng gumawa 'nun.





"Nandito na iyong mag-aayos sa tubo ng tubig natin nasira kasi iyon kagabi sabi ni Heather," pag-imporma niya sa akin kaya napatango ako ng maalala na nasira nga pala iyon kagabi.




"Nasaan na po?" tanong ko sa kaniya na ang hinahanap ay iyong gagawa ng tubo namin.




Nakarinig naman ako ng tikhim sa aking likod at napangiti naman si Tita kaya napaikot ako para makita ang dumating. "Ayan ka na pala, Amir. Maraming salamat hijo dahil sa alok mong tulong."



Napaawang ang aking bibig at hindi makapaniwala na siya ang maga-ayos sa tubo ng tubig namin. Nagugulat parin akong nakatitig sa kaniya.



"Ayos lang po. Wala rin naman akong ginagawa ngayon at marunong naman akong umayos ng mga nasirang tubo."



"Maraming salamat talaga. Wala kasi akong ibang kakilala na nag-aayos ng mga tubo dito," saad ni Tita habang busy na siya sa pagaasikaso ng mga pinamili niya kanina. "Avi, pakisamahan na muna si Amir sa itaas at ituro mo sa kaniya iyong nasirang tubo natin."



Napalingon ako kay Tita ng sabihin niya iyon. "A-ah o-oo sige po Tita," nauutal na tugon ko sa kaniya at binigyan niya naman ako ng matamis na ngiti.



"Salamat, Avi."



Nauna na akong naglakad papuntang itaas na palapag ng bahay namin at naramdaman ko naman na sumusunod siya sa akin. Pumasok ako sa isang banyo dito sa itaas at itinuro sa kaniya iyong nasirang tubo.



"I-iyan iyong nasirang tubo," kinurot ko ang aking sarili dahil sa pagkakautal ko. Hindi na ito maganda, umayos ka Heaven.



Pumasok siya sa banyo at sinapat-sipat ang nasira ako naman ay nanatili lamang sa may pinto at pinagmamasdan siya.



"Madali lang 'to," saad niya at hinubad naman niya ang kaniyang suot na tshirt kaya nanlaki ang mga mata ko at agad ko itong tinakpan ng dalawa kong mga kamay.



"Ano ba iyang ginagawa mo?!" singhal ko sa kaniya ngunit narinig ko lang naman ang kaniyang mapang-asar natawa.



"Ang OA! Maghuhubad lang ako ng tshirt kasi ba'ka biglang lumakas ang pressure ng tubig kapag binuksan ko na at ba'ka mabasa ako," pagdadahilan nito ngunit inirapan ko lang siya.



My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon