"Sinasagot na kita," mahinang sabi ko kay Amir nang magkita kami sa school field.
Kumunot ang kaniyang noo sa aking sinabi. "Huh? Di ko maintindihan," naguguluhang tugon niya sa akin.
"Ang sabi ko ay sinasagot na kita kaya hindi mo na kailangang manligaw pa sa akin." pagpapaliwanag ko sa kaniya. Bigla naman siyang napangiti at agad akong niyakap, nagsisigaw pa siya.
Hindi ko feel ang ginawa ko 'cause I never do any moves without making a plan. Pero ang pagsagot ko sa aking manliligaw ay hindi ko nagawang paghandaan.
Gusto ko siya at may plano akong sagutin siya pero hindi sa ganitong paraan gusto ko siyang sagutin sa isang lugar na makaka-feel ako ng kilig at mas maging romantic. Pero kailangan kong gawin ito dahil nandidito ang kapatid ko kailangan kong patunayan sa kaniya na iba ang gusto ko.
"Alam kong may nangyaring hindi maganda kaya mo ako sinagot, pero salamat sa pagsagot mo sa akin," bulong niya sa akin at nakangiti akong tinignan ni Amir at hinawakan niya ang aking pisngi, ang mga estudyante tuloy na nakakakita sa amin ay napapatili. Napayuko na lamang ako. "I'll still continue in pursuing you. Liligawan parin kita araw-araw."
Bigla siyang yumuko at aabutin lang pala niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa aking mukha, pero ako ay ayun hindi na mapigilan ang nararamdaman at bigla na lang tumakbo. Narinig ko pa ang kaniyang pagtawa at ang pagtili ng mga iilang babae.
Humihingal akong pumasok ng canteen at nakita ko kaagad ang mga kaibigan ko na nag-aantay pala sa akin.
"Ano yung eksena mo beh?" natatawang tanong ni Ivy. "Ang galing ah sana hindi ka tumakbo, gusto ko makakita ng live na ganun."
Umakto pa siyang pinaghalik ang dalawa niyang mga daliri kaya inirapan ko siya binigyan naman niya ako ng nakakalokong ngiti.
"Si Ivy nanghihingi pa ng live parang hindi nila ginagawa ng crush niya yan araw-araw," sabat naman ni Venice.
"Huy correction hindi ko na siya crush," napataas naman ang kilay ko sa kaniyang sinabi, hindi naniniwala. "Boyfriend ko na siya."
Napaismid kami ng sabay-sabay dahil sa kaniyang sinabi. Kaya naman pala.
"At tsaka isa pang correction, hindi pa kami nagki-kiss 'no! Conservative kaya ako."
"Hindi kapani-paniwala." saad naman ni Gael at kami ay napatawa. Nakasimangot naman niya kaming inirapan lahat.
Bumili na lamang kami ng makakain tsaka kami bumalik sa classroom. Humiwalay naman sa amin si Ivy at magba-banyo lang daw, pero ang totoo niyan papunta talaga siya doon sa room ng crush niya sa special science class.
"Ang tabang ng suka nila," reklamo ni Ivan ng makaupo na kami. Maingay nanaman ang mga classmate namin dahil wala pang teacher na pumasok.
"Huh? Hindi naman." agad namang depensa ni Gael. Kumakain kasi sila ng fried egg ngayon at reklamo sila ng reklamo dahil sa matabang ang suka, pero kain din sila ng kain.
"Eh pano naman hindi 'yan magiging matabang ang kinuha mong pang-suka ay iyong sawsawan nila ng sandok." sabat ni Venice. Nailuwa naman kaagad ni Ivan ang kaniyang kinakain, napatawa naman ako habang nandidiri.
"Ivan!!" sigaw ni Venice dahil sa palda niya lahat nailuwa ni Ivan ang kaniyang kinain, kaya ayun at naghabulan ang dalawa.
Lumapit naman sa akin si Amir, naguguluhan naman akong napatingin sa kaniya. "Bakit?" tanong ko.
YOU ARE READING
My safe haven
Fiksi Remaja"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022
