Chapter 19

7 1 0
                                    

Naging maayos naman ang unang araw ng intramurals. As usual, nagkaroon muna ng maikling program at parade bago binuksan ang mga booths ng iba't ibang section.



Ako ang nagbantay sa booths namin nung unang araw, wala kasi si Tali dahil SSG officer ito at kakailanganin sila para mapanatili ang kaayusan ng lahat.



Marami ang nagkaroon ng interes sa handcuff booth namin. Kadalasan ay mga taga-lower grades ang pumupunta dito at nagpapa-handcuff sa mga crush nila na mga senior students. Natatawa na nga lang kami dahil sa mga naiiisip nila.




"Iposas rin kaya natin ito sa inyo boss at ni Avi?" suhestiyon ni Fred kaya binatukan siya ni Amir. Natawa na lamang ang iba sa kanilang dalawa.



Nandidito lang ata sila para mambulabog at hindi para tumulong. May dumaan namang mga grade 9 students sa harap ng booth namin at tumigil pa akala namin ay gusto din nilang itry ang booth namin, pero bigla na lamang may inabot sa akin ang isang lalaki na milk tea.




"P-para po sa inyo ba'ka po kasi nauuhaw na po kayo," nauutal na saad nito. Ang bastos ko din naman siguro kapag hindi ko ito tatanggapin.




"Thank you. Hindi ka na sana nag-abala pa." Aabutin ko na sana ito ng maunahan ako ni Amir at deretso niya pa itong hinigop kaya napanganga kami sa kaniyang ginawa.



"Masarap siya. I'll rate this 8.5/10." saad nito at nakangiti pa sa amin. Sinamaan ko tuloy ito ng tingin ang estudyante naman na taga-grade 9 ay nagpasya na lang na umalis.




"Akin yun! Ba't mo kinuha?!" singhal ko sa kaniya at masama itong tinignan narinig ko pa ang pagsipol ng kaniyang mga kaibigan.




"Hindi ka dapat umiinom ng mga ganun na bigay ng mga taong hindi mo kakilala. Ba'ka ay nilagyan nila iyon ng mga gamot na pampatulog dapat kang mag-ingat." pagbibigay aral niya sa akin sabay higop ng milk tea kaya inirapan ko ulit ito dahil sa inis. Narinig ko pa ang tawanan ng mga kaibigan niya.




"Umalis na nga kayo dito! Mas lalong nilalangaw iyong booth natin dahil nandito kayo," reklamo ko sa kanila.



"Dito na lang kami wala naman din kaming gagawin. At tsaka wala kang kasama dito, walang tutulong sa'yo." pinaalon-alon pa ni Mike ang kaniyang kilay. "At nandito pa si boss Amir na magbibigay ng ganda sa iyong umaga."




Sumama ang mukha ko. "Mas lalong nasisira ang araw ko."



Sabay naman silang napahawak sa kanilang dibdib at nagkukunwaring nasasaktan. Sinamaan ko na lamang sila ng tingin at napa-iling na lamang dahil sa kakulitan nila.




Lumipas ang mga oras ay pinalitan naman kaagad ako ni Tali at siya naman ang magbabantay ng booth. Pumunta muna ako sa isang food stall na nasa harap lang ng booth namin para kumain.



Naghahanda narin ang iba dahil mas madadagdagan ang mga estudyante mamayang hapon lang dahil pumayag ang school admin na makapasok ang mga estudyante na galing sa ibang paaralan. Yun nga ay kailangan talaga na mas maging maingat dahil sa maraming tao.




Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa classroom namin para magpahinga dahil napagod ako sa pagbabantay at sa kakasaway sa mga kaibigan ni Amir.



Nandoon sina Ivy, Gael at iba pang mga kaklase namin na kasali sa dance contest at nagpa-practice sila kaya tahimik lamang akong tumabi kay Ivan na walang ginagawa at nakatingin lang sa mga nagpa-practice. Wala si Venice ngayon dahil may practice sila para sa game nila bukas, excited na akong mapanood ang game nila!




My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon