Trigger Warning: sexual harassment
(May warning na kaya kung hindi kayo komportable sa chapter na ito ay pwede niyo lang i-iskip. Huwag matigas ang ulo friends.)
-
Akala ko ay hanggang doon na lang ang lahat, akala ko ay hindi na nila malalaman ngunit umabot din pala sa kanila ang issue na kinakaharap ng pamilya namin.
Pagbalik namin sa eskwelahan ay pinagbubulungan na kami ng mga ilang estudyante. Titignan nila kami ng may pandidiri tapos ay magtatawanan.
Pagdating sa classroom ang mga nagkakantahan ay naging tahimik at ang mga kanina lang na nagtatawanan sa gilid ng classroom namin ay napatigil din. Para silang dinaanan ng isang anghel dahil sa katahimikan nila.
Nakita ko pa si Amir doon sa likod at nakaupong tinititigan ako ngunit agad din akong nagbawi ng tingin dahil nahihiya ako sa kaniya.
"Hello, goodmorning!" maligayang bati ni Gael sa mga kaibigan namin. Napahinto naman sa paglalagay ng make up si Ivy at nakangiting tinignan si Gael.
"Hello girl! Natapos niyo ba ang project?" tanong nito at nagpatuloy na sa pakikipag-usap sa pinsan ko. Alam kong pinapasigla niya lang ang kanilang pag-uusap upang hindi mailang ang aking pinsan.
Wala siyang binabanggit o tinatanong about sa mga issue na lumalaganap ngayon sa aming pamilya. At nagpapasalamat ako doon sa kaniya.
Pumasok naman kaagad ang guro namin para sa unang subject namin ngayong umaga. Mabilis lang natapos ang pang-umagang klase namin at nung mag-lunch na ay pumunta na kami ng mga kaibigan ko sa canteen.
Nakikita ko pa ang mga mapanghusgang mga titig ng mga schoolmate namin. Titingin sila sa aming gawi at agad na magbubulungan. Naririnig pa namin ang ilang sinasabi nila kahit na nagbubulungan lang ito.
"Hindi na ako magtataka kung magiging katulad siya ng kaniyang mama."
"Tsk. Malandi naman pala. Naninira ng pamilya."
"Alam niyo ba na sina Amir daw ay umalis sa bahay nila?"
"Naku! Alam na alam ko ang lahat ng iyan. Trending eh."
"Eh sana naman diba sinigaw niyo na lang iyang mga pinagbubulungan ninyo!" galit na sigaw ni Ivy kaya agad kaming nataranta, takaw away pa naman ang babaeng ito. "May pabulong-bulong pa kayo eh naririnig naman kayo abot hanggang sa ibang bayan ang mga boses ninyo!"
Napahinto naman sila sa pagbubulunga at tinignan kami ng matalim. "Ano naman ngayon totoo naman lahat ng mga sinasabi namin, pinagtatanggol mo pa iyang kaibigan mo."
"Aba siyempre! Kaibigan ko 'yang pinag-uusapan niyo. Kung mayroon mang mga issue na ganyan ay huwag na lang kayong mangialam mas lalo niyo pang pinapalaki ang lahat!" galit at inis parin niyang saad sa kanila. Ngunit inirapan lang siya ng mga nito.
"Wala ka na ding pakialam kung pag-uusapan namin ang kaibigan mo. Para patas tayo!" sagot nito.
"Teka! Halika dito at ng masampulan kita." agad na saad ni Ivy at hinila ang buhok ng babae kaya nataranta kami at agad na inilayo ang dalawa.
Ang iba naman ay nakatingin lang sa amin at walang ginagawa.
"Tama na Ivy!" saway ko dito at napabitaw naman kaagad siya sa buhok ng babae. Iyong babae naman ay kaagad na inayos ang sarili at sila ay tumakbo papalayo sa amin.
BINABASA MO ANG
My safe haven
Novela Juvenil"She's my safe haven." Started: June 6, 2022 Ended: August 6, 2022