Chapter 6

18 4 0
                                    

Author's note: Hello sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa nitong story ko. I just want to say that there is no specific location sa bahay nila Heaven but nasa Cebu talaga sila. Wala kasi akong ibang alam na mga lugar sa Cebu kahit na dito ako nakatira hindi kasi ako gumagala. Hindi din ako familiar sa mga lugar just imagine na lang na mayroon talagang specific na location ang bahay at resort nila. But maybe sa mga susunod na mga chapters ay may mga lugar na kilala sa Cebu ang mame-mention dito. So thank you for the consideration guys. And if ever there are informations that I missed please tell me and feel free to educate me.

And by the way, likes, comments, and shares are highly appreciated.


"Bakit mo naman kasi sinapak?" tanong sa akin ni Gael at ibinigay ang kinakain niyang isda sa akin. Tinanggap ko naman ito at nagsimula ng lumamon.



"Tinawag akong bata eh nakakasakit ng damdamin," wala sa sariling sagot ko sa kaniya. Nakita ko namang napahilamos siya sa kaniyang mukha.



"Hay magpasalamat ka talaga at hindi itinuloy nung lalaki ang pagtawag ng police dito dahil sa ginawa mo."



Gabi na akong matapos maligo at dahil nga sa nangyari ay nandito muna kami sa loob ng resort at inaayos ang nangyari.



"I'm so sorry for what my granddaughter have done to you sir and I know my responsibility as a grandparent huwag kayong mag alala pagsasabihan ko siya, I am very sorry." rinig kong panghingi ng tawad ni lola sa lalaki na sinapak ko kanina.



Nandito pa din kasi siya kasama ang mga tropa niya na nag aalala sa kaniya. Iyong Amir naman na sinapak ko ay masama ng nakatingin sa akin ngayon kaya inirapan ko ito.



"It's okay maam, I hope this won't happen again." saad naman ni Amir kay lola. "A simple sorry from your granddaughter will do, too."



Napataas ang kilay ko sa kaniyang sinabi. "Huy! Ang kapal ng kilay mo ako nga na tinamaan mo ng bola habang paalis ako sa may pangpang, nagpatawag ba ako ng pulis? Nanghingi ba ako ng sorry galing sa'yo? Di ba wala naman?!"




"Heaven Avrianna, stop!" sigaw ni lola sa akin kaya tumahimik ako dahil alam kong galit na ito at ilang minuto lang ay ba'ka bigla itong sumabog.




"Sorry for that again sir. I guess hindi pa niya gustong manghingi ng sorry sa iyo sa ngayon, pero I'll convince her to say sorry to you as soon as possible," paghingi nanaman ng patawad ni lola kay Amir.





Napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa mga naririnig ko. Siya naman ang may kasalanan at hindi ako no.





"I'll go ahead, maam." pagpapaalam niya kay lola ng matapos na silang mag-usap at masama parin ang kaniyang tingin sa akin.





Hindi naman ako nagpatalo at sinamaan rin siya ng tingin hanggang sa batukan ako ni Gael at hinila na para umalis doon.





"Ang sakit 'nun," napahawak ako sa aking batok dahil sa kaniyang ginawa.






"Gaga! Mas dinadagdagan mo pa talaga ang kasalanan mo sa lalaking iyon. Mas lalo ka talagang papagalitan ni lola." panenermon niya sa akin kaya napanguso na lamang ako.





Palabas na kami ng resort at pauwi na ng bahay na nasa kabilang bahagi lamang ng resort. Napatingin ako sa itaas at nakita ko ang itim na langit.





I always find night so calm and peaceful. Napatitig na lamang ako dito habang naglalakad tuloy ay natapilok ako at naunang bumagsak ang mukha ko.





"Arayyy!!" ngawa ko habang dahan-dahang itinatayo ang sarili.






"Ayan tatanga-tanga kasi," sermon ulit ni Gael sa akin.






"Tulungan mo kaya ako dito no?" sarkastikong saad ko sa kaniya at tinulungan naman niya ako.





Nang makatayo ay tinignan ko ang aking tuhod at dumudugo ito kaya napaiyak ako. Hindi ko pa naman gusto ang masugatan ako. Takot ako sa dugo.





"Punta muna tayo sa malapit na tindahan dito gamutin muna natin sugat mo ba'ka ako yung mapagalitan ni Tito pagnagkataon," saad ni Gael at hinila ako sa malapit na tindahan.





May mga nakikita akong mga nag-iinuman doon na matatanda. Mga nasa apat sila doon at nagkakatuwaan.






"Wag na lang kaya tayong tumuloy? Hindi naman siguro ako papagalitan ni papa ako na lang ang gagawa ng palusot," saad ko kay Gael at hinila ang kaniyang damit.






"Hindi nakabili ng band aid si lola kanina busy daw siya kakahanda sa pagdating natin."






Napabuntong hininga na lamang ako dahil kanina kasi naghahanap ng band aid si Heather kasi nagkasugat din ito pagdating namin sa airport at hindi nga nakabili si lola ng bagong emergency kit dahil busy ito sa paghahanda sa pagdating namin.






Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad at ng makarating ay agad na sinabi ni Gael ang bibilhin namin.





"Pabili po ng band aid isa lang," saad ni Gael at ibinigay ang kaniyang bayad.





May narinig naman akong sumipol sa likod namin kaya agad akong nanginig. Napayuko pa ako.





"Naay bag-ong abot sa atuang lugar 'pre, mga gwapa sad." (May bagong dating sa lugar natin 'pre, magaganda din.) narinig kong saad ng isang lasing.






Mas lalo pa akong napayuko dahil wala akong naiintindihan at alam kong may laman yung sinabi niya. Maganda lang ata ang naintindihan ko dun.






"Gael, alis na tayo." bulong ko sa pinsan ko na ngayon din ay hindi na matigil ang paglakbay ng mga mata niya.






Isa iyan sa kaniyang mannerism kapag natatakot. Napahawak na rin siya sa aking kamay.





Ang tagal naman dumating ng binili namin. Naiiyak na ako dito hindi pa naman kami kilala ng mga tao dito wala kaming mahihingan ng tulong kapag may gagawing hindi maganda ang mga lalaking 'to.






"Ito na inday." matigas na pagtatagalog ng tindera at ibinigay ang binili naming band aid.






Agad naman kaming tumalikod ni Gael at napasigaw dahil sa bumungad sa amin ang mukha ng isang lasing na pinag-uusapan rin kami.






"Maayong gabie mga inday," natatawa pang bati nito sa amin kaya mas lalo kaming nagsiksikang dalawa ni Gael. Naiintindihan ko ang kaniyang mga sinabi kaya hindi ko na kailangan ng translator.






"M-maayong gabie k-kuya," nauutal na saad naming dalawa ni Gael.






"Unsa man inyo gibuhat ari?" (Ano naman ang ginagawa niyo dito?) tanong niya sa amin. Naiintindihan ko rin iyon kaya hindi ko na kailangan ng translator.






Gago ata ito kita niyang bumili kami sa tindahan tatanungin pa anong ginagawa namin. Sasagot na sana ako ng mayroong sumabat sa usapan namin.






"Maayong gabie kuya Fred!" Isang malalim ba boses ang bumati sa lalaking kaharap namin kaya tinignan namin ito kung sino.






Amir. Hindi ko alam pero nung nakita kong siya ang dumating ay bigla na lamang gumaan ang paligid at nawala ang takot ko. Siguro ay dahil kakilala ko siya? Pero ang walang kwenta naman siguro ng rason kong iyon.

My safe havenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon